HUWEBES
Tagal ko narin di nagsulat sa reedit …sakto magisa lang ako sa room ko ngayon sa office..Thursday wala masyadong ganap..
So eto na nga may ka office mate kasi ako na di na pumapasok ilang lingo na diba so share ko lang sumalangit nawa ung kanyang kaluluwa.
Ibang lahi sya at medyo close na kami sa pakiwari ko.. palagi kasi sya nagdadala ng chocholates at nilalagay nya sa gitna ng table naming meaning share kami at pwede daw ako kumuha..
nitong mga nakakaraang araw napapansin ko na laging may dalang mini BP si Naz.. tinanong ko sya may Highblood daw sya at bukod pa doon may auto immune sya ung tipo na kahit anong kainin nya eh di tinatanggap ng katawan nya ung sustsansya.. nahagya akong natahimik at nalungkot para sa kalagayan ng friend ko..madalas kasi sya tumutulong saakin pag may di ako alam anything basta work related ..tas nakakachikahan ko rin sya sa buhay buhay ganun..
tas one time di nalang sya pumasok.. kala ko pa nga nun naka leave lang sya for medical reasons kasi nag email pa sya eh at nag hand over pa ng duties nya..
tas nitong Thursday Nakita ko sya na pumasok sa cubicle same same naman ung itsura nya na parang hinang hina sya kasi gawa ng sakit nya..
nag good morning naman ako at naririnig ko lanmg sya na nag hu hum ng kanta ..
sabi ko naz buti okay ka na .. di sya kumibo di ko rin gaano napansin kasi ang busy sa zoom meeting ko kaya tinuloy ko lang ung werk ko
nagaantay nga ako na maglapag sya ng chocholate eh ..pero ramdam ko lang ung mga malalalim nya na hinga which is sanay naman na ko..
patapos na ung zoom meeting ko nung bigalng nag ring ung desk telephone ko tumatawag HR namin..
nagpapagawa ng memo sakin tas nung nalaman ko kung about saan dun ako talaga nanlamig as in..
ganto pagkakasabi…
yel gumawa ka naman ng memo email cc to all staff na Naz has passed away last Monday sabihin mo narin na open tayo for donations from colleagues.
Ayokong ibaba ung phone kasi oras na ibaba ko un mas pakiramdam ko ako nalang magisa talaga at mwawala ung HR sa line nasa 2^(nd) flr kasi sila.
Pero wala nangyare parin ung kinakatakutan ko nag end ang call
Sobrang di ako makagalwa ang lamig ng room at naririrnig ko parin ung humming ni naz… prayer ung humm nya eh ung Arabic prayer na lagi nya pinapakinggan…
Tarages talaga 2 days off ako after nun ung memo sinned ko habang nas byahe ako pauwi…
Nakkatakot na nakakalungkot sa tootoo lang kaya pagkaingatan natin mga katawan natin at wag paabuso sa trabaho.
Rest in peace Naz mamimiss ka naming.