r/paanosabihin

Pls.pa advice naman po ano dapat kong gawin sa problema ko

F53 yrs.old may karelasyon ako 30 yrs.old for 6 yrs LDR kmi kapag lasing sya bstos at mura ako d following day sorry pero paulit ulit plgi msyado nko titiis sa knya dahil mahal ko sya ok family nya sakin adviced po ano ba dapat kong gawin salamat

reddit.com
u/mayie0411- — 2 days ago

Pwede kaya tumanggi?

Yung lola ko sa province gusto ipaalaga sakin kasi may sakit na. May work ako, need ko i-support both parents kong senior na rin at may sakit na though may maintenance na rin naman. Never ko nameet si lola kasi inabanduna nya nanay ko baby pa lang. Kaso ako na lang relative nya. Hayss.

reddit.com
u/HoldHaunting9680 — 3 days ago
▲ 38 r/paanosabihin+1 crossposts

Am I going crazy or ako talaga ang mali?

CONTEXT: I (21M) had a fight with my bf (20M) recently. Long story, short— Nagkakaroon kami ng problems sa bahay and I feel like napagtutulungan ako ng mga kapatid ko, without revealing too much our mom is sick and she's refusing to get treatment kasi daw mas kailangan ko (I also have a few illnesses.) and mga kapatid ko lowkey are blaming me.

Now I cam to my boyfriend about this, told him my side and nagsumbong ako, thinking he would be there for me. Binuhos ko sa kanya nararamdamn ko, i became vulnerable and all he replied was "no comment." Literally. No comfort, no assurance, nothing yang dalawang words lang na yan. Naghintay pa ako nang ilang minuto to wait for a follow up response pero wala talaga. I was thinking na matutulungan niya ako kumalma because I've done that to him multiple times. Pero I got nothing.

Dahil don siguro mas lalo akong naoverwhelm ng emotions ko and yes maybe sa kanya ko nabuhos frustrations ko, pero this was his responses.

Hindi ko alam kung ako ba yung mali and sinusubukan ko lang pilitin sarili ko na tama at valid ang naging reaction ko. Hindi ko ma-figure out if he's just being "neutral" and ayaw makialam sa family issues ko or he doesn't care about me enough.

Before that SS i asked him if he cares. And yung chat niyang ako ang mapapasama kapag nag comment siya when all I told him was my siblings were ganging up on me dahil ako daw yung reason why ayaw ni mama magpagamot, dahil din sa mga treatments ko. I felt even lower kasi parang gusto niya rin akong sisihin. Ang sakit lang kasi the person who claimed to love me cant even be there for me.

PS: Not sure if this changed things pero he knows my family personally. Pinakilala ko na siya and madalas siya pumupunta here and to sleepover.

u/Any_Meringue1827 — 7 days ago

mama ng jowa ko

need advice more like real talk kung real talk

i blocked my bf’s mom ok ok i get it ang rude pakinggan pero i have my reasons

  1. lagi nya ako chinachat ng kung ano ano ( lason, malandi, mas okay pa ung ex)
  2. she keeps on stalking me sa fb like naghahanap siya ng mali ko pati dump acc ko iniscreenshot nya lahat pati ung meme n shinare ko 🤣 tas sinend sa anak nya ( alam ng anak nya na may dump ako nd naoopen nya acc ko )
  3. may passbook ung jowa ko na binigay nya pero like naka pangalan sa bf ko then kinukulit nya ako na parang nasakin ung passbook nd sabihin ko raw sa anak nya na ilabas na like the hell do i care sa passbook??? 😭

minessage nya

  1. kuya ko to the point n sinasabi nya na nagbago anak mya bcs of me when in fact ganun naman talaga anak nya dati pa lang 🤣

  2. after my lola’s wake tinawagan nya ako just to shout at me sa phone kasi raw nagbago anak nya bcs of me nd pauwiin ko n raw like girl !! give me a break

  3. ⁠sinisiraan ako sa ibang fam nila

im so done kaya blinock ko pero im still like kinda guilty blinock ko kasi ofc nanay pa rin siya ng bf ko

reddit.com
u/Previous-Form-2723 — 6 days ago
▲ 2 r/paanosabihin+1 crossposts

Hindi ako nagkulang. Napagod lang ako.

​

Ang sakit palang dumating sa puntong ang tingin ng sarili mong pamilya sa'yo ay parang ATM lang. Simula nang mawala ang papa ko, ako na ang sumalo sa halos lahat ng responsibilidad. Hindi man kalakihan ang sahod ko, dahil ako lang ang nakapagtapos, parang naging obligasyon kong buhayin hindi lang si Mama kundi pati pamilya ng kapatid ko.

Buwan-buwan nagbibigay ako ng 10,000. Madalas may dagdag pang 500 o 1,000 kada linggo. Hindi ako makapag-ipon dahil laging may hinihingi. Yung allowance na binibigay ko kay Mama, ipinapahiram pa niya sa kapatid ko. Kapag naubos, ako na naman ang sasalo. Kapag wala akong maibigay, ako pa ang masama.

Umabot pa sa puntong pati share ko sa coop, ipinambayad sa utang ng kapatid ko. Wala man lang nagtanong kung okay ba sa akin. Pinaghirapan ko 'yon pero nawala na lang dahil sa desisyon ng ibang tao.

Nung nagkaroon ako ng partner, siya naman ang inuutangan nila. Isang beses lang siyang hindi nakapagpahiram dahil pinautang niya ako para sa tuition ko sa Master's. Pero ang ending, ako pa rin ang lumabas na nagbago. Ako pa rin ang walang utang na loob.

Dumating ako sa puntong hindi ko na talaga kaya. Kaya kinausap naming magkakapatid si Mama at ang isa kong kapatid. Hindi ako naghahanap ng kakampi. Gusto ko lang maintindihan nila na napapagod na rin ako. Pero imbes na pakinggan, ang nakuha ko ay mga irap, tingin na parang wala akong kwenta, at pagpaparamdam na nag-iinarte lang ako. Para bang wala silang nakita sa lahat ng taong ako ang sumasalo ng responsibilidad.

Kaya bumukod ako. Hindi dahil tinalikuran ko sila, kundi dahil kailangan ko ring mabuhay.

Pero kahit nakalipat na ako, hindi natapos doon. Doon na nagsimula ang masasakit na mensahe sa family GC. Pinapahiya ako sa harap ng lahat. Minumura ako sa private message. Tinatawag ako ng kung anu-ano. Para bang ang kasalanan ko lang ay nagsimula akong maglagay ng hangganan.

Sa kabila ng lahat, hindi ako tumigil tumulong. Hanggang ngayon nagbibigay pa rin kami ng kapatid kong kasama kong bumukod ng 8,000 kada buwan. Kapag kailangan ni Mama ng pamasahe, nagpapadala ako. Noong gusto niyang magpakabit ng WiFi, binigyan ko pa siya ng pang-install.

Pero nang sabihin kong hindi ko na kayang makihati sa buwanang bayad dahil may sarili na rin akong gastusin, ako na naman ang masama. Nagkataon ding humihiram ang kapatid ko pero wala na talaga akong maipahiram. Doon na naman nagsimula ang panunumbat. Kesyo pinabayaan na raw namin sila at wala raw kaming utang na loob.

Ang masakit pa, bawat padala ng jowa ni Mama para sa pamilya ng kapatid ko, ipinapakita niya sa family GC na parang ipinapamukha sa amin na mas marunong pang tumulong ang ibang tao kaysa sa sarili niyang mga anak. Paulit-ulit niyang sinasabi na dapat tumulong sa kapwa at sagipin ang nagugutom, na para bang wala rin kaming sariling obligasyon, mga bayarin, at pangarap.

Nakakapagod maging anak na kahit ibigay mo ang halos lahat, isang "hindi" lang ang bubura sa lahat ng naitulong mo. Hindi ako nagkulang. Napagod lang ako. At kung ang pagtatakda ng hangganan ang dahilan para tawagin akong masamang anak, siguro panahon na para tanggapin kong hindi ko kailanman mapapasaya ang mga taong ang tingin sa pagmamahal ay laging may katumbas na pera.

reddit.com
u/Luna_Mayari — 6 days ago

Grabe yung nanay kahit pangungulangot ng anak nya hnd manlang pinalampas, kinontent padin. Hnd na binigyan ng kahihiyan ung anak nya.

u/Extension_Cod_898 — 8 days ago

friend kong lulong sa sugal

TW: Self-harm

Hello, pa-rant lang ako dito. Meron akong long term friend na recently nag-attempt mag self-harm. Matagal na kaming magkaibigan, halos 12 years na rin yata. Sobrang okay niyang kaibigan, maasahan tsaka talagang ramdam mo na kaibigang totoo mo siya. 5 years ago, nalaman namin na may nagalaw siyang malaking amount ng pera sa work dahil naisugal niya. Long story short, nagawan ng paraan and hinuhulugan pakonti-konti sa inutangan. Nalaman ko lang recently na sobrang dami na pala niyang utang because of gambling. Miski sahod ng asawa and pera na para sa kanilang pamilya nagagalaw na niya :( Nag self-harm siya a few weeks ago kasi hindi na raw niya kaya. Sa totoo lang, nakakapagod din talaga umintindi at tumulong sa taong ayaw tulungan ang sarili. Hindi ko naman siya susukuan, andito pa rin ako bilang kaibigan niya. I just wish I could do more for my friend para matulungan talaga siya. ☹️ Paano ko sasabihin na kailangan na niya ng professional help?

reddit.com
u/DamageWorth — 9 days ago