
▲ 80 r/nanayconfessions
Is this even legal?
Nagulat ako na pati ink ng printer at 1 ream ng bond paper eh kailangan dalhin ng isang KINDERGARTEN sa PUBLIC SCHOOL. 😭
I know teachers are probably struggling too dahil kulang support sa schools. Pero at the same time, bakit parang normalized na ipasa sa parents yung mga dapat school-provided? Especially sa kindergarten. Imagine, may 20+ students sa class, gano karami yun?! Ano yan magpiprint ng thesis? Okay lang sana kung hati hati or ambagan para maprovide yang mga yan kaso hindi eh.
Nakaka-frustrate kasi hindi lahat ng magulang may extra budget para sa ganitong requirements, especially sa public school na supposedly libre ang education. NAKAKALOKA
u/4ngrypot4to — 2 days ago