r/nanayconfessions

My son died of SIDS at 3 days old.

October is Pregnancy and Infant Loss awareness month. Let me answer some of the questions especially to those first time moms na natatakot din.

I gave birth to a healthy baby boy at 37-38 weeks. He was 2.3kg. A bit small, yes. My diet during pregnancy was mostly meat (steak) kasi yun talaga yung gusto ko and dun lang nasasatisfy hunger ko. Vitamins ko was Calciumade twice a day, Obimin plus + iron and Immunpro for vit C. Continuous din ang Duphaston until 8 months ako kasi ang advice ng OB na pharma, helpful ang progesterone sa pagsupport kay baby. Fruits din and fresh buko juice talaga everyday. I had a healthy pregnancy, hindi tumaas sugar ko and controlled ang BP sa 120/80. Almost weekly nasa hospital din ako para sa physical therapy sessions dahil sa carpal tunnel kaya namomonitor talaga BP. Everyday din ako nagmmonitor ng heartbeat ni baby thru fetal doppler at home, ranging from 140bpm sya. Tapos alam nyo yung pagsinisinok daw si baby sa tummy, yun daw yung pagppractice breathing nya? Yep, madalas din to lalo na if uminom ng malamig.

35 weeks nagstart yung weekly na checkup. Okay parin lahat. Tuloy tuloy lang hanggang 37 weeks. Monday yung last OB visit ko, sinabihan ako na pwede na ako manganak anytime so prepare na lang ako. Normal BP pa ako nyan. Kinabukasan, tuesday, bigla akong nakaramdam na masakit yung ankle ko and namamaga. Akala ko baka natapilok lang ako na di ko napansin or anything pero nung tiningnan ko yung kabila, hala namamaga din. Namamanas na pala ako. Nagtext agad ako sa OB ko if need ko na ba pumunta hospital, ang advise sakin sa clinic na lang muna. Hapon na nito kaya sabi ko bukas na lang para masamahan ako ng asawa ko. Nagmonitor na lang ako ng BP, pumalo na ako to 140 during this time kaya pinagtake ako nung gamot (nakalimutan ko name). Wednesday morning, nasa OB na kami and inadvise-an ako na for emergency CS na ako dahil bumaba na din daw yung tubig ni baby.

He was healthy. Malakas iyak paglabas nya. APGAR score was 8/8. No congenital heart disease. Newborn screening was conducted on day 1. He was breastfed. On day 2, inadvise-an kami na pwede na kami umuwi. Before kami umuwi, dun tinurok yung BCG vaccine around 2pm; kinuha sya samin para dalhin sa NICU kasi dun daw ituturok. Nung binalik sya samin, grabe yung iyak nya so nagpadede agad ako to calm him down. Napansin ko nun na ang sakit ng nipples ko, grabe yung pagsuck nya nun, siguro sobrang nasaktan sya. After nun, natulog na lang ulit sya. Alam ko naman na usual side effect ng vaccine is slight fever and pagiging antukin so kinalma ko na lang sarili ko. Bago kami madischarge nung gabi, pinadouble check ko sa nurse yung temp and heartbeat ni baby. Ang sabi normal naman daw.

Pagkauwi namin ng bahay nung gabi, super sleepy parin sya lagi. Tuloy lang ako sa padede nun. 3am kinabukasan pinalitan pa diaper nya and 5am nakapagpadede pa daddy nya. When we woke up at 7am, hindi na responsive si baby. Tinakbo namin pablik sa hospital, less than 10mins yun. They tried reviving him pero wala na talaga.

He was sleeping in his crib, no pillows, no blanket. Nakabantay kami sa kanya except nung 6am na humiga na si husband sa bed, so between 6-7am yun nangyari.. Sa hospital while reviewing the CCTV, hindi sya tumagilid/nakadapa, walang nakaharang talaga sa airway.. his hands were up near his face, just like how we always see him during ultrasound. room temp was at 23 degrees, he was swaddled. Napaburp sya after his feed at 5am. Wala..

Hindi ko makakalimutan yung sinabi ng ER doctor nung tinanong ko kung bakit.. "ganun po talaga minsan may mga bata na nakakalimutan huminga" ha? Di ko talaga matanggap.

SIDS is most common sa 1 month-1 year old. Hindi kami naadvise-an na magpaautopsy. Wala. Wala ako magawa. Upon further research, pag 3 days old pa lang daw possible na hindi SIDS, most often infection daw. Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung dahil sa bakuna pero yun lang naman yung last na ginawa sa kanya before sya matulog lang lagi. Napahimbing kaya sya ng tulog? Infection nga kaya? Pero saan? Dumating yung newborn screening results, 2 weeks after nya mawala. Normal lahat, walang findings.

Hanggang ngayon, hindi ako natatahimik. Walang makakapagbigay sakin ng sagot at kailangan ko yun tanggapin. Sa tuwing magisa ako dito sa bahay, sinusubukan ko sya kausapin na anak paramdam ka kay mommy, sabihin mo sakin ano nangyari. :( pero wala...

Kung meron man ako regret, sana bumili pala ako nung owlet. Nakita ko na yun dati nung nagnnesting ako. Pero sa isip ko nun, di naman common SIDS dito sa pinas. But now I'm part of the statistics.

Galit at poot nararamdaman ko. What's written in his death certificate is multiple organ failure, secondary reason is SIDS. sa med cert na binigay ng hospital, SIDS lang nakalagay. Tinanong ko asawa ko bat may nakalagay na multiple organ failure, ganun daw talaga sabi sa city hall/health office.. Ang contradicting nung dalawa kasi ang SIDS is walang makitang reason even after autopsy.. hindi ko alam.

Hindi ko sinasabing wag kayong matutulog at kailangan may nakabantay lagi 24 hours tutok ang mata sa baby kasi kailangan din magpahinga. Pero kung may babaguhin ako siguro sana ni-cosleep ko na nga lang sya, malapit sakin para naririnig nya heartbeat ko at sana nasabayan nya. Sa nabasa ko din, sa Japan and another asian country na commin ang cosleeping, mas less ang reported SIDS. Contradicting din sa sinasabi na ang common cause ng SIDS sa US ay dahil sa cosleeping nga.

Hindi ko na alam san maniniwala. Sabi wag daw lagyan ng pillow sa paligid, yung iba sabi i-elevate ang ulo.. best ask your pedia. And yun siguro pala. Before ka manganak, maghanap na agad kayo ng pedia na maaasahan nyo and maiintindihan kayo. Yung pedia kasi ng anak ko, ewan ko ba..

Hay. Miss na miss ko anak ko. Sana makabalik pa sya sakin.

reddit.com
u/LovesPapaBear — 6 days ago

bakit ganto buhay ng babae kapag nakatira sa inlaws?

grabe galit ko ngayon, valid na talaga galit ko ngayon.

yung kakatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan namin lahat kasama mga inlaws ko at mga kapatid nya. makikita ko may kalat na naman na hugasin sa lababo. puno agad ng hugasin. nakakainis lang tingnan kasi di agad nila hinuhugasan tinatambak lang nila ng ilang araw hanggang sa dinadaga at iniipis.

kapag naghugas naman ako ng sarili pinagkainan namin ng asawa ko, kinukuha ng inlaws/kapatid ng asawa ko. hindi sila naghuhugas ng sarili nila pinggan. sorry ang babaw ko pero dapat kumilos sila na maghugas sila ng sarili nila pinggan. pero wala e. kaya diko na din hinuhugasan mga pinagkainan para hindi nila kinukuha mga hinuhugasan ko. ayun nakikita ko sila naghuhugas ng sarili nila pinggan yung iba nila pinag gamitan tulad ng kawali, tupperware na baon ng kapatid nya, iniiwan pa din nila sa lababo. inaasahan siguro na AKO pa din maghugas ng mga yun.

lahat sila magpapamilya mga tamad kumilos. pag nakikita nila masipag ako maglinis o maghugas dito inaasa nila kahit pagod ako.

tanda ko pa naghuhugas ako ng pinggan pagtapos ko maglaba ng tambak namin labahin, sobra pagod ko maghugas wala man lang nagkusa mag hugas ng mga plato.

hindi ko pa kaya bumukod kasi puro side hustle lang ginagawa ko. yung asawa ko din wala na work.

reddit.com
u/Individual_Low_5991 — 8 days ago

37-40 weeks Pregnant

hi mga mamsh, normal bang maaga talaga nanganganak? hahahaha, first time mom ako at nawiwindang ako kasi ang daming ang aga nila nanganak.

Example

EDD: June 26

DOB: June 6

bakit nangyayari yun? okey lang yung ganon? btw, im 6 months pregnant. January 26 2027 due date ko huhuhuhu, tips lang din po baka kasi magaya ako sa mga mommies na mejo maaga sa due date nila ang delivery.

reddit.com
u/Lonely_Pause8004 — 7 days ago

How can we help?

Hello.. I was able to talk to the mother who originally posted this. Sadly, she doesn’t know kung kanino o sinu sinong babies pa ang nadocument o naipost nito. Acc to her niya no action was taken, nagmeeting lang and pinag leave of absence lang yung nurse at ngayun she’s working again.. Her post was mass reported by the workmmates and she was also harassed by unknown dump accounts claiming na hatred lang dito kay NICU Nurse and binibig deal niya lang ito.

I don’t know, but if her coworkers or SLMC (assuming they didn’t do anything to her) are normalizing it, then THEY ARE MISSING THE POINT here. Unang una mali po magpicture o video nang ganyan habang nasa work ka.. BATA pa naman ang involved iha. Pangalawa, mali ka in all means.. MALI KA.. So to her coworkers commenting dun sa post ng mother saying hatred lang iyon then kung ganon nakakatakot pala mag pa admit ng anak sa SLMC NICU bcos you all normalize it!

Anyway, she was already reported to BON and PRC acc to the mother. Mga co mommies let’s just help each victims of this nurse get the justice. Jusko! Ang daming online predators na mga bata ang target. THIS SHOULDN’T BE TOLERATED!

u/Connect-Wafer-1226 — 7 days ago

Medyo late na sa flu season, how are your LOs doing?

Flu season is probably winding down sa inyo but we're somehow still in it. LO got the flu again, and it's her second round in a row, like 1 day recovery lang then a new one came in.

Tbh the nebulizer treatments are what we dread most. The old non-portable Omron we had was too noisy so every session puksaan malala with LO. Kaya kumuha na rin kami ng portable and being this our first, we were pleasantly surprised how quiet portable ones are so it's been way less stressful for her (and for us) since.

Curious how everyone else's little ones are doig! Has anyone had the flu back to back like this? Yung una kasi low grade fever lang for a few days, then after 1 day of no fever with LO being active and happy again, nagkaroon naman ng ubo't sipon the day after so her pedia prescribed salbutamol na.

Hoping everyone's LOs are healthy or has recovered na!

u/kamotengASO — 7 days ago

Grabe na sawalang bahala lang ata ito.

Apparently nag leave of absence lang si NICU Nurse.. What can you say about this mga kapwa ko mommies? Hay, nakakadismaya na ganito lang nangyari. Ako nga na hindi naconfirm kung na post ang anak ko, sobrang galit, ano pa iyong napost ang mga babies nila?

u/Connect-Wafer-1226 — 8 days ago

Giving Birth

hello! i am a first-time mom and currently i'm on my 35th week of being pregnant. 2 weeks na lang at full-term na ako. ang nae-experience ko ngayon ay naninigas na yung tiyan ko at nararanasan ko na yung sinasabi ng ob ko na braxton hicks. sometimes, masakit yung sipa ni baby. may part din na nakakaramdam ako ng sakit sa bandang puson kapag naglalakad ako.

sa mga mommies d'yan, did you experience the same thing? nanganak din ba agad kayo after a week or matagal pa?

kinakabahan ako, legit. lalo na kapag naiisip kong tatahiin ang aking latbikels 😭

reddit.com
u/ScarcityOk8018 — 7 days ago

BIGKIS ft. Pakielamerang Byenan

Inis na inis ako sa mother ng partner ko. Pala desisyon! Una bumili ako ng blue onesies, wag na wag daw pasusuotin ng may kulay hanggang isang taon!

Naging topic din yung bigkis, hanggang isang taon daw yon para hindi lobo ang tyan at lumuwa ang pusod. Btw my anak ako dalawa sa una, panganay ko is premature 29 weeks. Sa utak ko, wala ng seselan sa panganay ko na naalagaan ko kesa sa normal na baby! Naiinis ako kase kung makapagsalita pa sya hindi daw sya papayag ng walang bigkis. Na para bang sya ang naghirap ng syam na buwan? Kainis.

Sinabi ko talaga sa partner ko na hindi na adviseble ang bigkis dahil dun humihinga ang baby at lalo nagtatagal humilom ang pusod. 2nd baby ko nga 1 week galing na ang pusod.

7 mos preggy here. Pag ako tinopak pagkaanak at puro pangingielam ang maririnig ko sa byenan ko, sasagutin ko na talaga sya. Ako ang nanay ako ang masusunod.

reddit.com
u/Jazzlike-Inspector27 — 8 days ago

Paghilot sa legs ng baby para hindi sakang

Hi! FTM, 8 days postpartum. Any thoughts sa paghilot ng legs ng baby para hindi masakang. Honestly, meron kasi akong nabasa before na hindi naman need na hilutin kasi na-correct naman on its own ang legs ng baby and baka mag-cause pa ng deformity if pakielaman. However, yung nanay ko kasi is insistent na dapat gawin ito (nakabukod kami and ofw ang nanay ko) Haven't talked to my baby's pedia about it but wanted to know lang din anong ginawa ng ibang parents dito. Thank you!

reddit.com
u/RaininginManila9619 — 7 days ago

Typical Filipino Boomer Parents

Nalaman ko sa anak ko na sinasabihan siya ng nanay ko na huwag makinig sa aming mga magulang niya.

Bungad ng anak ko "Mama, why does grandma thinks she knows everything? She keeps telling me what to do." Tinanong ko kung bakit niya nasabi yun. At ayun nanga. Sinasabihan pala siya na huwag makinig sa amin at sakanya lang siya makinig.

Ang hirap ng may Typical Filipino Parents. Hay naku.

reddit.com
u/ObligationInternal70 — 7 days ago

Pregnancy for my First Baby

Hi mommies! I'm 27yo, and currently in my first trimester. Sobrang hirap pala talaga ng first trimester, especially with all the vomiting and now, may bleeding din kaya I was prescribed complete bed rest.

And lately, ang hirap na hirap ako matulog. All I can focus on is my stomach because I constantly feel like anytime, susuka na naman ako. Minsan may kasamang hilo and weakness din. I’ve already lost around 4 kgs in just 3 weeks. :(

I am trying to divert my attention by watching/reading pero hindi ko talaga maalis yung feeling na pagkasuka, sometimes may kasamang hilo.

To all the mommies out there, baka may tips po kayo on how you managed nausea/vomiting, especially at night, or anything that helped you get through the first trimester? Any pregnancy tips would be greatly appreciated!

Thanks a lot! 🥹🫶🏼

reddit.com
u/lilac_and_yellow — 8 days ago

“Thank you”

Everytime sinasalo ng asawa ko yung mga gawain ko for baby, like pagpapadede (bottle feeding kmi once a day, the rest ay unli latch sa akin), pagligpit ng pinagliguan, pagpapatulog, pagpalit ng diaper especially sa madaling araw, parang grabe yung pasasalamat ko. Eh lahat nga yun ako gumagawa 24/7 walang pahinga kapag nasa work sya, tapos konting tulong grabe na yung pasasalamat ko? Don’t get me wrong, i love and appreciate my husband. He is trying his best, and he is a good husband, and even a better father. Pero naisip ko bakit? Why do i feel indebted to him for doing those things when he is as much of a parent as i am? Ganito ba talaga ang pagiging nanay?

reddit.com
u/Agitated_Raccoon_812 — 7 days ago

Sinabihan ako ng boss ko about family planning!! Wtf

I just want to rant haaaay! I had my first child at 20, then my second at 27. After that, I didn’t plan on having more kids, but at 32, I got pregnant again and decided to get sterilized since I really don’t want to be pregnant again; it’s hard, plus I had a C-section for my last pregnancy. It was very unexpected for us because we already had a boy and a girl. Then my boss says that with how tough life is, I shouldn’t have had more kids. Well, if I wanted a lot of kids, I would’ve had them one after the other! If we didn’t do family planning, I probably wouldn’t just have three kids with a 7 and 6-year age gap! That’s why I got sterilized! Also, with how little I earn at my job, you never hear me complain. I still work as if I owe you a huge debt; it’s so frustrating.

reddit.com
u/Witty_me215 — 7 days ago

POSTPARTUM HIVES

This started around 10 days pp. I'm currently 18 days pp. Nung una akala ko kinagat lang ako ng lamok pero hindi pala. I already asked my OB about this sabi niya baka contact dermatitis na daw to but I doubt it. Will have my derma check-up na din this weekend.

Anyone who had the same experience? How did you manage? Grabe it's so itchy. For context I gave birth via unmedicated water birth so no epidural for me and completely drug-free. Pakaalam ko kasi isang side effect ng epidural ang hives kaso I didn't get the epidural naman so idek 😭

u/onlyhereforchismis — 7 days ago

Parenting Style and Tips

Sa mga mommies na may smart, bibo, or successful kids, anong parenting style nyo and paano nyo tinuruan ang babies nyo?

I'm a housewife and a first time mom. 9 months old na yung baby ko. Very active and curious sya, at hanggat maari iniiwas ko talaga sa gadget. Although minsan kapag overstimulated na ko, no choice ako kesa mag suffer mental health ko.

Since nasa house lang ako at ako mismo ang nag aalaga kay baby, minsan natuturuan ko sya. Colors, numbers, words. Marami akong books na binili sa kanya kaya mahilig din pero minsan nananawa na.

Pero minsan, parang hindi ko na alam yung gagawin ko. May time naman na hinahayaan ko sya mag laro mag isa kasi nabasa ko need daw nila ng independent play din. Pero pag tapos na sya, wala na kaming magawa pareho kaya pareho kaming bored 😅

Anong activities, play, or habits ang pwede kong ituro sa baby ko para lumaki syang hindi lang matalinong bata kundi mabait din. :) Pahingi naman ako ng tips or resources, books or mga pwede ko panoorin. 9 months old po ang baby ko ngayon.

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 7 days ago

Babywearing experience

Anyone here who babywears or tried to? Kumusta po?

Part ako ng Babywearing PH FB group at naiisip kong bumili ng carrier in hopes na mas maging madali lumabas with baby. Kahit sa cafe lang saglit or lakad sa labas for my sanity lol. Mayron kaming car at stroller kaso so far, more on karga si baby at kapag mahimbing lang matulog nailalagay sa stroller. One more thing, may acid reflux/GERD si baby so better to hold him upright.

Asked my mom about buying a carrier kaso para sakanya hindi naman kailangan since hindi naman daw kami naglalakad ng malayuan kung lalabas.

I don’t knowwww. I think I just need convincing from other people para majustify ko yung purchase? Hehehe. Also, hindi ba hassle magpa-breastfeed kasi tatangalin pa si baby sa carrier?

Let me add here na 5kg+ na si LO at 7 weeks ☺️

reddit.com
u/momcapri — 7 days ago

For those using Nestogen 1-3 Years (also known as Nestogen 3)

Do you always use boiling or hot water in preparation? Okay lang ba na gamitin ang normal water temperature when preparing it?

reddit.com
u/AcanthaceaeMost8724 — 6 days ago

is there an air freshener that is safe for babies?

hello mommies! may gamit ba kayong air freshener na safe for babies? nakatira kasi kami sa tabi ng highway so as much as possible hindi kami nag oopen ng bintana at pintuan sa kwarto kasi maalikabok. now, kapag nakatambay kami sa sala syempre naka-off ang aircon sa kwarto pero since hindi nga namin inoopen yung bintana at pintuan grabe manapak yung amoy sa kwarto. lalo na kung nagkataon na nag change diaper si baby habang nakapatay yung aircon, babaho na after. what can i do/use? hindi ko maexplain yung amoy at di ko alam tawag sa tagalog pero in ilocano “naglanguob” ang amoy. may nakita ako na lysol for baby’s room, how safe is that?

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 7 days ago