u/Jazzlike-Inspector27

BIGKIS ft. Pakielamerang Byenan

Inis na inis ako sa mother ng partner ko. Pala desisyon! Una bumili ako ng blue onesies, wag na wag daw pasusuotin ng may kulay hanggang isang taon!

Naging topic din yung bigkis, hanggang isang taon daw yon para hindi lobo ang tyan at lumuwa ang pusod. Btw my anak ako dalawa sa una, panganay ko is premature 29 weeks. Sa utak ko, wala ng seselan sa panganay ko na naalagaan ko kesa sa normal na baby! Naiinis ako kase kung makapagsalita pa sya hindi daw sya papayag ng walang bigkis. Na para bang sya ang naghirap ng syam na buwan? Kainis.

Sinabi ko talaga sa partner ko na hindi na adviseble ang bigkis dahil dun humihinga ang baby at lalo nagtatagal humilom ang pusod. 2nd baby ko nga 1 week galing na ang pusod.

7 mos preggy here. Pag ako tinopak pagkaanak at puro pangingielam ang maririnig ko sa byenan ko, sasagutin ko na talaga sya. Ako ang nanay ako ang masusunod.

reddit.com
u/Jazzlike-Inspector27 — 8 days ago