u/Creepy-Excitement919

Parenting Style and Tips

Sa mga mommies na may smart, bibo, or successful kids, anong parenting style nyo and paano nyo tinuruan ang babies nyo?

I'm a housewife and a first time mom. 9 months old na yung baby ko. Very active and curious sya, at hanggat maari iniiwas ko talaga sa gadget. Although minsan kapag overstimulated na ko, no choice ako kesa mag suffer mental health ko.

Since nasa house lang ako at ako mismo ang nag aalaga kay baby, minsan natuturuan ko sya. Colors, numbers, words. Marami akong books na binili sa kanya kaya mahilig din pero minsan nananawa na.

Pero minsan, parang hindi ko na alam yung gagawin ko. May time naman na hinahayaan ko sya mag laro mag isa kasi nabasa ko need daw nila ng independent play din. Pero pag tapos na sya, wala na kaming magawa pareho kaya pareho kaming bored 😅

Anong activities, play, or habits ang pwede kong ituro sa baby ko para lumaki syang hindi lang matalinong bata kundi mabait din. :) Pahingi naman ako ng tips or resources, books or mga pwede ko panoorin. 9 months old po ang baby ko ngayon.

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 8 days ago

Over protective and attached

First time mom po ako. Stay at home mom. Since nabuntis po ako wala na akong work. Yung asawa ko na lang nagwowork. My baby boy is now 7 months old.

Masasabi ko, hindi naging maganda ang experience ko mula paglabor, hanggang panganganak, and the first few months or ung newborn stage, and breastfeeding. Hindi sya ung ineexpect ko. Kaya hindi rin naging maganda ang postpartum experience ko so far.

Nung newborn si baby, nagkakaron ako ng episodes n sobra akong nagagalit. Postpartum rage ata tawag doon. May mga gabing umiiyak na lang ako bigla. Parang naging sensitive din ako masyado, hndi ko alam. Pero dito din nag umpisa na magkaroon ako ng sama ng loob sa MIL ko. Nung newborn pa kasi baby ko, andami nyang gusto ipagawa sa baby ko. Hindi ko sinunod. Kasi ayaw ko hahaha. And masaya ako doon. Nakaka sama lng ng loob minsan kasi alam kong pinipilit nila ung gusto nila. Tapos maiisip ko na baka kung ano anong sinasabi nila tungkol sakin kesyo hndi ako nakikinig, etc.

Kaya habang lumalaki baby ko, hanggat kaya ko iiwas sa kanila, iniiwas ko. Para sa ikaka payapa ng isip ko.

Fast forward ngayon, since sa bahay lng ako, kami ng baby ko palagi ang magkasama. Breastfeeding po ako kaya sa akin sya palagi naka dikit. Ako palagi ang hanap. Nakakapagod minsan. Masakit sa katawan. Lalo na ang hirap talaga kumilos sa bahay dahil lagi nya akong hanap. Nakaka drain. Pero dahil dun, sobra akong na attach sa baby ko na tipong pag wala sya sakin, or kinukuha sya ng ibang mga tito tita nya sa side ng asawa ko, napaparanoid ako. Hindi ako mapakali pag hindi ko sya nakikita. Namimiss ko sya agad. Kasabay ng pag-aalala na baka kung ano ano nang ginagawa nila sa baby ko, halik ng halik, or pinapa panood ng kung ano ano sa cellphone. Ayaw ko kasi pinapanood sa cellphone baby ko.

Sa ibang mommies na breastfeeding. Naexperience nyo rin ba ung ganito. Normal lang ba tong nararamdaman ko na sobra na akong naaattach sa baby ko, ayaw ko na wala sya sa paningin ko. At nagiging overprotective ako sa kanya.

Ang hirap din kasi. Ayaw ko namang hindi maging maganda ang relationship ko sa family ng asawa ko. Pero yung mga ginagawa kasi nila minsan sa baby ko, ayaw ko 😅 or masyado lang akong OA. Hindi ko na alam mga mi.

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 2 months ago

Weight gain

Exclusive breastfeeding moms, nag dip ba yung supply nyo nung nag start na kumain baby nyo?

For 2 months now, sobrang liit lang kasi ng dinadagdag ng timbang ng baby ko. 2-3x a day na sya kumakain ngayon at 7 months. Still breastfeeding on demand ako pero hindi ko na nfifeel na bumibigat or tumitigas ung boobs ko. Normal lang ba to. Im afraid na nagdidip supply ko.

Should i be worried or normal lang talaga nag nag pplateau ung weight ng babies at this stage? Malikot na rin kasi baby ko gumagapang na at tumatayo.

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 3 months ago

Unsolicited Opinions

Just wanted to rant about my MIL. Hays bakit ba kasi nauso tong mga issues with MIL na to. Nakaka stress.

Malapit lang kami nakatira sa MIL ko. 3rd floor kami, sa 1st floor sila. Pero ever since nagkaron ako ng sama ng loob sakanya, hindi ko na masyado dinadala baby ko sa kanila kahit palagi syang nagpaparinig na ibaba namin sa kanila.

Side Kwento lang bakit sumama loob ko. Actually mabait naman sya, sobrang generous when it comes to food especially. Pero she's the type na sobrang madaldal at palaging may sinasabi. When I gave birth andami nyang gustong ipagawa sakin sa newborn baby ko. Pero hndi ko ginawa. Matigas ulo ko hahaha. She talked to my mom behind my back para ung mom ko ang kumausal sakin. Sobrang sumama loob ko kasi ganun sya ka desperate masunod ung mga gusto nya. Thats one reason, plus she always has lots and lots of opinions and something to say. Minsan pag alam kong inaantok na baby ko, (which is hindi masyado obvious) kasi ung baby ko pag inaantok hindi sya ung sleepy eyes talaga. So kokonta naman sya sasabihin hindi pa inaantok etc etc. pati ung minsan "eto gusto nyan" na para bang kilalang kilala nya ung anak ko.

All these things led me to become aloof of her. Nakikisama na lang ako pero hanggat maari iniiwas ko sarili ko at anak ko sakanya, kasi sobrang nasstress ako talaga.

Eto naman ngayon, going 7 months na baby ko, nagsstart na mangilala. So nagpaparinig naman syang ganyan daw talaga pag hindi ineexpose sa maraming tao. Kesyo hndi raw magiging smart, at magiging hiyain. Etc etc. Meron pa syang "pansinin nyo pag maraming kausap maingay sya" kahit sa totoo baligtad nga baby ko, mas tahimik sya pag nasa kanila kasi ung MIL ko sobrang ingay na.

Sobrang inis ko, sinagot ko sya pero in a nice way. Sabi ko hndi kami palaging tahimik sa bahay. Nagpapatugtog kami ng radyo, nilalaro namin sya, binabasahan ng book, kinakantahan. Etc etc.

Nag add pa ko na nakita kong benefit ng palagi kaming nasa house is marami syang floor time kaya maaga sya naka gapang at naka tayo. Kasi pag nasa labas, lagi syang buhat, hindi nakaka kilos.

Edi hindi na sya naka sagot. Nag like na lang ng message ko. Andami kasing ebas. Minsan hindi ko alam kung nagiging bastos na ba ko pero pansin ko lang talaga naging mas matapang ako ngayong naging nanay ako.

Ganon ba talaga lalo na pag FTM.

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 3 months ago

Condom

FTM here. 5 months na si baby and bumalik na rin period ko. Ever since hindi ako nag try mag pills. Condom lang gamit ni husband. Most of the time hindi ako nasasatisfy twing love making di ko sure kung dahil sa condom ba..

​

Kaso ayaw ko mag take ng pills, natatakot ako sa side effects kasi, lalo nababasa ko na hiyangan sya. Mas lalong takot naman din ako sa implant.. :(

​

Sa mga nagcocondom, nagwiwithdrawal pa rin ba kayo para sure? Kamusta naman sex life nyo, mas okay ba talaga pag hndi naka condom.

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 4 months ago

Starting solids

My LO is 5 months now and our pedia is asking me to let him try foods now.

I want to ask for materials i can read about starting solids. Parang gusto ko kasi itry mag BLW pero nabasa ko hindi sya pwede sa mahina ang loob. Nagpapanic pa naman ako pag nasasamid si LO 😅

I'm quite overwhelmed to start.

Ano ba mga dapat ko iprepare?

May mga sites or materials ba kayong alam na pwede kong basahin to help me on this phase.

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 5 months ago

Mom guilt

Pa-labas lang ako ng sama ng loob mommies.

Nanganak ako last December. I'm a first time mom. Aaminin ko, yung panganganak kong yun, it's not the kind of birth experience I expected to have. Nag labor ako for 28 hours, and was induced twice. Did not have an epidural until nung umiiri na ako. Sobrang sakit ng pag labor ko na nung ininduce ako for the second time, nag shake ung legs ko. It was a bit traumatic for me. Wala kaming tulog mag asawa hanggang sa manganak ako. Normal delivery lang ako but we stayed in the hospital for 5 days kasi minonitor si baby dahil hindi umiihi kasi hindi sya maka dede ng maayos sakin. So kahit ayaw sa hospital, napilitan sila iallow kami to give formula milk just to save my baby from dehydration. The stress and pressure was there. Plus super tired kasi ang hirap matulog ng mayat maya may pumapasok sa room to check me and the baby. Thankfully, nakalabas kami ng hospital December 24. So we were able to celebrate Christmas at home.

After a few days at home, still no proper sleep, experienced bleeding nipples kasi hirap si little one mag latch dahil I have inverted nipples. Ilang beses akong umiyak sa sakit and frustration. But I really wanted to breastfeed so I pushed myself. Every after feed naghahand express pa ako to get more milk. Tuwang tuwa na ako noon pag nakaka 5 ml na ko. Hanggang sa dumami na. After 2 weeks of mixed feeding, exclusive breastfeeding na kami. 🥺♥️

Weeks later, unti unti na akong nakaka experience ng lungkot. I dont know kung anong tawag pero baka part sya ng post partum depression na tinatawag nila? Pls correct me if im wrong. Na experience ko ung kinuwento nung isang friend ko na bigla ka na lang maiiyak sa gabi. Lalo pag nakikita mong tulog ung mga kasama mo sa bahay or ung asawa mo tapos ikaw naghehele ng baby. I used to ask myself, "bakit ganito?", "bakit ako lang?", "bakit kailangan ko pagdaanan lahat to?", "hanggang kailan matatapos to?", etc etc. more frustrations even with my physical appearance. kahit alam kong ganun talaga after manganak, pero di ko maiwasan makaramdam at maka isip ng ganun. Hanggang sa umabot na sya na minsan napapagalitan ko si baby, nakakarga ko sya ng pagalit, nasisigawan ko, nalalapag ko ng pagalit, nagrarant ako sa nanay ko. But she just always tells me, "ganyan talaga". Ilang beses din akong umiyak sa asawa ko, nagsosorry kay baby, kasi everytime nagagawa ko sa baby ko un, nagguilty ako. Kasi alam ko namang hindi dapat ganun. 😔 Tapos bumabawi na lang ako sa baby ko afterwards, trying to keep myself cool, praying for more patience and love to give.

Hanggang sa, kahapon, nag lunch out kami ng family ko kasama yung tito ko na kapatid ng mom ko. Biniro ako ng tito ko nung kinamusta nya ako. "Basta wag ka magagalit, masstress" parang ganyan.. pero nakangiti sya, tumatawa, kung baga para light lang usapan. Alam kong di naman mean ng tito ko masaktan ako pero na hurt ako. Knowing na mom ko nag kwento sa kanila. Na feel ko tuloy parang ang sama sama kong nanay. 😔 Kinukwestion ko na tuloy kung valid pa ba ung nararamdaman ko o hindi. Na para bang, hindi ba ko pwede magsabi ng "pagod na ko". pero lagi kang sasabihan ng "ganun talaga", tapos wag masstress at mapapagod. Hindi ba normal naman yon..

I don't know what to feel anymore. I know i have to be strong for my child. To be more patient and loving and gentle. But I dont know minsan kung paano cocontrolin ung emotions ko.

Nakaka drain tuloy :(

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 5 months ago

Millie Moon

Is it just me or parang may nag iba kag millie moon? We've been using it since first month si baby pero parang ang dali na umamoy panghi ni baby ngayon pag yun ang gamit namin. Kahit hndi pa gaano puno yung diaper nya.

I wanted to switch na, ano kayang okay?

Is Bean okay? Unilove?

We tried moose gear nung unang weeks but nag rashes sya so we swithced to Millie Moon. Natry na rin namin hoppi. Super okay sya kaso ang pricey masyado 😅

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 5 months ago

Overprotective Mom

Im a first time mom. My baby boy is 5 months old now. We live near my mother in law.. as in walking distance lang.

We have a good relationship. Mabait naman sya. Maalaga. Pero she has a tendency to be a bit very pushy or manipulating. When I was still pregnant, she'd say to us na wag sasanayin sa screen, pakainin daw namin ng mga gulay, wag matatamis, at wag daw ilalabas hanggat hindi nabinyagan.

When my son was born, I started to get uneasy with her. Alam nyo naman matatanda diba, maraming kasabihan, mga old ways na gustong ipagawa pa rin, na ayaw ko gawin as a mother. Nagstart sumama loob ko nung niyaya nya lumabas mother ko (who stays with us para umalalay) sa mall. I thought it was a genuine gesture but turns out, niyaya nya mom ko para yung mom ko ang magsabi sakin ng mga "dapat" ko gawin sa baby ko. Or lets just say, mga gusto nyang gawin ko sa anak ko. Like paglalagay ng bigkis, pagpapaligo ng maaga. Kung pano ko padedehin anak ko, etc. When my mom talked to me, i cried to her, sa sobrang inis ko. I dont know maybe it was also a part of my post partum hormones.

Sya rin unang kasama namin nung una namin nilabas so baby sa mall, at 2 months. Sa loob loob ko, hindi rin sya nakatiis na hindi ilabas baby ko kahit hindi pa nabinyagan 😂

Fast forward to today, she sometimes uses her phone to let my son watch on youtube pag umiiyak na.

All these things led me to become overprotective of my son. Yung minsan gusto ko syang ipagdamot sa kanila (my MIL and brothers in law). Lalo na yung husband ko hindi naman mapagsabihan ung family nya. Palagi ko sinasabihan asawa ko. Kasi nga ayaw ko naman sakin manggaling yung paninita. Currently teething din baby ko kaya palagi nagsusubo ng kamay. I told my husband to tell his family na wag hahawakan kamay ni baby. Pero they still do.

Kaya hindi ko alam kung valid ba tong nararamdaman ko. I dont like it that much pag nasa kanila yung baby ko. I dont know if Im just overly attached to my child. Because Im more at easy when my family plays with my baby. Siguro dahil minsan lang din nila makasama baby ko.

I now realize na mahirap pala maging mom. Hahaha.

You set boundaries to your child pero nakaka inis pala pag hindi nasusunod tapos hindi mo alam kung paano sila sisitahin.

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 5 months ago

Nursing clothes

Breastfeeding moms, where do you buy pang alis na clothes? Blouses and dresses.

Nagtry ako don sa bfeedingmum pero hindi ako nasiyahan sa purchase ko :(

Gusto ko kasi sana magdress sa binyag ng baby ko next week pero hindi ko alam saan ako bibili :(

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 5 months ago

First out of town

Mommies, biglaan kami magta-tagaytay bukas and first time namin itravel ng ganun kalayo ang 4 month old baby ko.

Medyo nasstress ako kasi yung MIL ko may gusto. Sa totoo lang ayoko sana ng overnight kasi parang mas nahihirapan ako dahil exclusive breastfeeding pa ko. Pero wala eh.

Anyway, hingi lang sana ako advice and tips kung ano mga dapat meron ako at dalhin 🙏🏻

Thank you mommies.

reddit.com
u/Creepy-Excitement919 — 5 months ago