My son died of SIDS at 3 days old.

October is Pregnancy and Infant Loss awareness month. Let me answer some of the questions especially to those first time moms na natatakot din.

I gave birth to a healthy baby boy at 37-38 weeks. He was 2.3kg. A bit small, yes. My diet during pregnancy was mostly meat (steak) kasi yun talaga yung gusto ko and dun lang nasasatisfy hunger ko. Vitamins ko was Calciumade twice a day, Obimin plus + iron and Immunpro for vit C. Continuous din ang Duphaston until 8 months ako kasi ang advice ng OB na pharma, helpful ang progesterone sa pagsupport kay baby. Fruits din and fresh buko juice talaga everyday. I had a healthy pregnancy, hindi tumaas sugar ko and controlled ang BP sa 120/80. Almost weekly nasa hospital din ako para sa physical therapy sessions dahil sa carpal tunnel kaya namomonitor talaga BP. Everyday din ako nagmmonitor ng heartbeat ni baby thru fetal doppler at home, ranging from 140bpm sya. Tapos alam nyo yung pagsinisinok daw si baby sa tummy, yun daw yung pagppractice breathing nya? Yep, madalas din to lalo na if uminom ng malamig.

35 weeks nagstart yung weekly na checkup. Okay parin lahat. Tuloy tuloy lang hanggang 37 weeks. Monday yung last OB visit ko, sinabihan ako na pwede na ako manganak anytime so prepare na lang ako. Normal BP pa ako nyan. Kinabukasan, tuesday, bigla akong nakaramdam na masakit yung ankle ko and namamaga. Akala ko baka natapilok lang ako na di ko napansin or anything pero nung tiningnan ko yung kabila, hala namamaga din. Namamanas na pala ako. Nagtext agad ako sa OB ko if need ko na ba pumunta hospital, ang advise sakin sa clinic na lang muna. Hapon na nito kaya sabi ko bukas na lang para masamahan ako ng asawa ko. Nagmonitor na lang ako ng BP, pumalo na ako to 140 during this time kaya pinagtake ako nung gamot (nakalimutan ko name). Wednesday morning, nasa OB na kami and inadvise-an ako na for emergency CS na ako dahil bumaba na din daw yung tubig ni baby.

He was healthy. Malakas iyak paglabas nya. APGAR score was 8/8. No congenital heart disease. Newborn screening was conducted on day 1. He was breastfed. On day 2, inadvise-an kami na pwede na kami umuwi. Before kami umuwi, dun tinurok yung BCG vaccine around 2pm; kinuha sya samin para dalhin sa NICU kasi dun daw ituturok. Nung binalik sya samin, grabe yung iyak nya so nagpadede agad ako to calm him down. Napansin ko nun na ang sakit ng nipples ko, grabe yung pagsuck nya nun, siguro sobrang nasaktan sya. After nun, natulog na lang ulit sya. Alam ko naman na usual side effect ng vaccine is slight fever and pagiging antukin so kinalma ko na lang sarili ko. Bago kami madischarge nung gabi, pinadouble check ko sa nurse yung temp and heartbeat ni baby. Ang sabi normal naman daw.

Pagkauwi namin ng bahay nung gabi, super sleepy parin sya lagi. Tuloy lang ako sa padede nun. 3am kinabukasan pinalitan pa diaper nya and 5am nakapagpadede pa daddy nya. When we woke up at 7am, hindi na responsive si baby. Tinakbo namin pablik sa hospital, less than 10mins yun. They tried reviving him pero wala na talaga.

He was sleeping in his crib, no pillows, no blanket. Nakabantay kami sa kanya except nung 6am na humiga na si husband sa bed, so between 6-7am yun nangyari.. Sa hospital while reviewing the CCTV, hindi sya tumagilid/nakadapa, walang nakaharang talaga sa airway.. his hands were up near his face, just like how we always see him during ultrasound. room temp was at 23 degrees, he was swaddled. Napaburp sya after his feed at 5am. Wala..

Hindi ko makakalimutan yung sinabi ng ER doctor nung tinanong ko kung bakit.. "ganun po talaga minsan may mga bata na nakakalimutan huminga" ha? Di ko talaga matanggap.

SIDS is most common sa 1 month-1 year old. Hindi kami naadvise-an na magpaautopsy. Wala. Wala ako magawa. Upon further research, pag 3 days old pa lang daw possible na hindi SIDS, most often infection daw. Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung dahil sa bakuna pero yun lang naman yung last na ginawa sa kanya before sya matulog lang lagi. Napahimbing kaya sya ng tulog? Infection nga kaya? Pero saan? Dumating yung newborn screening results, 2 weeks after nya mawala. Normal lahat, walang findings.

Hanggang ngayon, hindi ako natatahimik. Walang makakapagbigay sakin ng sagot at kailangan ko yun tanggapin. Sa tuwing magisa ako dito sa bahay, sinusubukan ko sya kausapin na anak paramdam ka kay mommy, sabihin mo sakin ano nangyari. :( pero wala...

Kung meron man ako regret, sana bumili pala ako nung owlet. Nakita ko na yun dati nung nagnnesting ako. Pero sa isip ko nun, di naman common SIDS dito sa pinas. But now I'm part of the statistics.

Galit at poot nararamdaman ko. What's written in his death certificate is multiple organ failure, secondary reason is SIDS. sa med cert na binigay ng hospital, SIDS lang nakalagay. Tinanong ko asawa ko bat may nakalagay na multiple organ failure, ganun daw talaga sabi sa city hall/health office.. Ang contradicting nung dalawa kasi ang SIDS is walang makitang reason even after autopsy.. hindi ko alam.

Hindi ko sinasabing wag kayong matutulog at kailangan may nakabantay lagi 24 hours tutok ang mata sa baby kasi kailangan din magpahinga. Pero kung may babaguhin ako siguro sana ni-cosleep ko na nga lang sya, malapit sakin para naririnig nya heartbeat ko at sana nasabayan nya. Sa nabasa ko din, sa Japan and another asian country na commin ang cosleeping, mas less ang reported SIDS. Contradicting din sa sinasabi na ang common cause ng SIDS sa US ay dahil sa cosleeping nga.

Hindi ko na alam san maniniwala. Sabi wag daw lagyan ng pillow sa paligid, yung iba sabi i-elevate ang ulo.. best ask your pedia. And yun siguro pala. Before ka manganak, maghanap na agad kayo ng pedia na maaasahan nyo and maiintindihan kayo. Yung pedia kasi ng anak ko, ewan ko ba..

Hay. Miss na miss ko anak ko. Sana makabalik pa sya sakin.

reddit.com
u/LovesPapaBear — 7 days ago

Vasectomy reversal

Any recommendation for hospital/doctors who does vasectomy reversal? Procedure was done last Feb 2026 lang. We had an initial consult with a urologist, pero ang sabi kasi is 60-70% lang daw yung chance kahit within 1 year and will further decrease pag nagtagal lalo. When I've done our research, ang nakita ko naman is 90% within 1 year..

Would like to know an estimate price range din if ever meron man may alam. Thank you!

reddit.com
u/LovesPapaBear — 25 days ago

Gusto ko manghiram ng anak

TW... death

Inggit na inggit ako sa mga ibang nanay na nababasa ko dito. yung iba nagrereklamo kasi pagod na sa pagaalaga ng bata.. samantalang ako nakamaternity leave pero wala na akong maalagaan.

SIDS.. yun yung sabi ng mga doctor. Naka-monitor kami pero wala e.. sabi nga nung ER doctor "ganun po talaga, minsan nakakalimutan ng ibang bata huminga".. ha? Ano? Di kayang maabot ng utak ko yun.. naiintindihan ko pero... Ha? Di ko matanggap. Ang hirap tanggapin.

Tuwing nakakakita ako ng baby sa feed ko, gusto ko lagi i-skip pero minsan di ko na napipigilan napapanuod ako.. nakakainggit. Gusto ko nang magpost sa local mom group ko na "baka may pagod na nanay jan, hiramin ko kahit 3 days lang.." Hay.. buti pa yung iba may nabubuhat.. nahahalikan, nayayakap... Nakakainggit..

reddit.com
u/LovesPapaBear — 2 months ago

Dyna screen

Nahulog yung screen nung dyna B ko while cleaning it. Di ko na talaga makita shet. Any alternatives or suggestions on what to do? Hahah

reddit.com
u/LovesPapaBear — 2 months ago
▲ 130 r/Trentahin

Sure nang ayaw mag-anak?

Haha saw the other post na gugustuhin pa daw ba mag-anak as a trentahin and most of the comments are "nope.." "not in this economy" etc.. HAHAHA hard same 9 months ago...

​

We were DINKWADS.. 5 dogs actually.. we were so set in stone na our furbabies are our babies na lang. 5 years ago we were TTC, pero kahit anong putok sa loob talaga wala.. akala na nga namin pareho kami baog. Tapos naglive-in na kami, nalaman ang totoong cost of living ay nagdecide nang HAHAHAH isang malaking kalokohan mag-anak ANG MAHAL POTA. 🤪 nabanggit na nga din ng husband ko na magpa-vasectomy. Nakapagresearch na sya kung paano at saan pero di pa nagpasched..

​

Until one day.. isang putok lang talaga sa isang buwan pero ang isang yun napakatibay, nabuo syaaa 🫣

​

Sooo ayon. Andito na kami at in a few days or weeks manganganak na ako. Hahaha. Ang gusto ko lang sabihin ay oo pota napakamahal talaga mag-anak. Di pa lumalabas baby namin pero shet hahahaha. Kaya kung sobrang settled at sure na kayong ayaw nyo nang mag-anak or magdagdag ng anak, magpaVASECTOMY kayooooo.

​

​

PS. Oo nagpavasectomy na husband ko. Yun valentine's gift nya sakin. Haha. Unli kangkang na kami ulit paglabas ng baby balakayojan.

​

PPS. Free lang. OneOhana Clinic search nyo na lang sa fb.

​

​

​

​

​

reddit.com
u/LovesPapaBear — 4 months ago

Contractions and when exactly to go to the hospital

Hello mommies! Need help and advise pls, FTM 34weeks.

My OB is currently out of the country. Nagadvise na ako sa secretary since nung wednesday nagspike BP ko to 140/90 pero na-manage naman din thru rest.. then yesterday, thursday night around 10pm I experienced multiple contractions/braxton hicks ata na ni-time ko sa app.. nagadvise yung app to prepare to go to the hospital kasi around 1min duration then every 5mins or so nagccontract.. sinabi ko sa husband ko na ayaw ko pa talaga since wala nga si OB ko and kaya naman tiisin yung sakit. No discharge or anything naman, nagcheck din ako sa doppler and strong heartbeat si baby..

Around 3 weeks ago or at 31weeks ko first time naexperience yung paninigas ng tiyan, nagreseta si doc ng tocolytic/isoxsuprine or uterine relaxant.. yun na lang din ininom ko muna last night.

Now I'm feeling okay naman pero kinakabahan ako mamaya baka ganun ulit mangyari.. ano gagawin nyo if ever kayo yung nasa position ko?

reddit.com
u/LovesPapaBear — 4 months ago

Dami ko nababasa na selling NSFW sob stories lately

Tapos may combo pa yan sa dulo na sana di na lang ako binuhay ng parents ko kung mahihirapan lang ako kineme.

Baka naman kase sinubukan talaga kayong ipalaglag kaso makapit kayo. Nugagawen. Kung may time machine lang magulang nyo malamang babalik mga yun sa oras bago sila magkangkangan para di ka nabuo.. kung hirap ka, hirap din sila.. promise.

Kakaumay ewan ko lahat naman tayo pagod pero feeling nyo lagi pasan nyo problema ng buong mundo at sobrang defeated nyo na.

reddit.com
u/LovesPapaBear — 4 months ago