bakit ganto buhay ng babae kapag nakatira sa inlaws?
grabe galit ko ngayon, valid na talaga galit ko ngayon.
yung kakatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan namin lahat kasama mga inlaws ko at mga kapatid nya. makikita ko may kalat na naman na hugasin sa lababo. puno agad ng hugasin. nakakainis lang tingnan kasi di agad nila hinuhugasan tinatambak lang nila ng ilang araw hanggang sa dinadaga at iniipis.
kapag naghugas naman ako ng sarili pinagkainan namin ng asawa ko, kinukuha ng inlaws/kapatid ng asawa ko. hindi sila naghuhugas ng sarili nila pinggan. sorry ang babaw ko pero dapat kumilos sila na maghugas sila ng sarili nila pinggan. pero wala e. kaya diko na din hinuhugasan mga pinagkainan para hindi nila kinukuha mga hinuhugasan ko. ayun nakikita ko sila naghuhugas ng sarili nila pinggan yung iba nila pinag gamitan tulad ng kawali, tupperware na baon ng kapatid nya, iniiwan pa din nila sa lababo. inaasahan siguro na AKO pa din maghugas ng mga yun.
lahat sila magpapamilya mga tamad kumilos. pag nakikita nila masipag ako maglinis o maghugas dito inaasa nila kahit pagod ako.
tanda ko pa naghuhugas ako ng pinggan pagtapos ko maglaba ng tambak namin labahin, sobra pagod ko maghugas wala man lang nagkusa mag hugas ng mga plato.
hindi ko pa kaya bumukod kasi puro side hustle lang ginagawa ko. yung asawa ko din wala na work.