u/Mindless_Owl_1463

is there an air freshener that is safe for babies?

hello mommies! may gamit ba kayong air freshener na safe for babies? nakatira kasi kami sa tabi ng highway so as much as possible hindi kami nag oopen ng bintana at pintuan sa kwarto kasi maalikabok. now, kapag nakatambay kami sa sala syempre naka-off ang aircon sa kwarto pero since hindi nga namin inoopen yung bintana at pintuan grabe manapak yung amoy sa kwarto. lalo na kung nagkataon na nag change diaper si baby habang nakapatay yung aircon, babaho na after. what can i do/use? hindi ko maexplain yung amoy at di ko alam tawag sa tagalog pero in ilocano “naglanguob” ang amoy. may nakita ako na lysol for baby’s room, how safe is that?

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 7 days ago

My baby scratches his face to sleep

My baby is 3 months old. He scratches his face to sleep. Nabasa ko na it may be a form of self-soothing pero ang lala ng sa kanya. When he's frustrated, inaantok, naiirita, sobra niyang kuskusin ang mukha niya. Umaabot pa sa point na nasusugatan niya sarili niya at natutusok ang mata. Graduate na sana siya sa mittens kasi nag-uumpisa na niyang i-discover ang hands niya pero hindi ko maiwasan na pasuotin siya kasi nga ang lala niya magkamot ng mukha niya. Kahit may suot siyang mittens narurub pa rin yun sa mukha niya, hindi nga lang nakukuskos directly pero sobrang pula pa rin ng buong mukha niya. At yes regular ko siyang nagugupitan ng kuko pero hindi yun nakakatulong kasi binabaon niya talaga yung kuko niya sa mukha niya sa sobrang gigil kaya nasusugatan. At kapag buhat naman siya, nakukulong yung mga kamay niya kaya ang ginagawa niya yung ulo niya ang gumagalaw para makuskos yung mukha niya sa akin. Naaawa na ako sa kanya pero hindi ko alam anong dapat kong gawin, lalo na kung yun talaga ang form of self-soothing niya :( binibigyan ko rin naman siya ng pacifier pero ganon pa rin talaga. what can I do? ma-outgrow pa kaya niya to?

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 2 months ago

CMPA baby

sino po dito may cmpa ang baby? going 3 months na ang baby ko at nagplan na kami na magchange ng formula kasi nakakabutas ng bulsa ang nutramigen 😢 more or less 20k a month nagagastos. supportive naman ang pedia at sabi niya itry namin ang enfamil gentlease. sino po dito nakatry ng gentlease sa cmpa baby nila? is 3 months too early?

cmpa symptoms ng baby ko: blood sa poop and rashes

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 2 months ago

CS wound

6 weeks pp here. yung pinagtanggalan ng tahi ng cs ko nagkasugat. worried ako na baka bumuka yung tahi ko 🥲 nasa malayong probinsya pa man din yung ob ko - 8 hrs away. sa dulong part kung saan tinanggal yung stitch doon may parang opening. hindi naman malalim at walang dugo or nana. paano ba malalaman kung bumuka na ba talaga? anong pwede kong gawin? pwede ko ba to ipacheck sa ibang doctor?

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 3 months ago

formula milk expiration

hello mommies! realistically, hanggang ilang oras inaabot ng gatas ng baby niyo bago masabing panis na? nasa instruction ng formula milk na discard na after 1 hr kapag nadede na ng baby at 2 hrs naman kapag hindi nadede. pero kasi, nasasayangan ako sa mahal ng gatas niya 🥲 alam ko naman yung amoy kapag panis na. hindi pa naman namin sinusubukan ipainom yung lagpas 2hrs na. 24/7 din naka-on ang ac namin

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 3 months ago

Horigen wondermore pump for sale

anyone here willing to buy my horigen wondermore pump? or meron bang groups na bumibili ng pump?

1 month postpartum pa lang and wala pang 10x na nagamit ko yung pump.

reason for selling: my baby was diagnosed with cow’s milk protein allergy so i had to give up breastfeeding/pumping because my intakes (such as consuming dairy) can pass into breast milk and trigger his symptoms kaya exclusively formula feeding na kami.

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 4 months ago

hair treatment 1 month postpartum

pwede na ba ako magpa-hairtreatment/rebonding 1 month postpartum? mixfeeding kami ng baby ko kasi 1-2oz lang napapapump ko sa isang araw though naglalatch din siya sa akin. mostly bottle-fed siya. I don’t feel pretty at confident sa itsura ko, madalas wala nang suklay suklay kasi sabog naman buhok ko. kahit katatapos maligo at basa pa hair, iipitan agad. I plan din to cut my hair short para hindi hassle sa amin pareho ni baby. gusto ko lang maging maayos hair ko every day 🥲 hindi kasi ako blessed sa straight hair na manipis. mine is makapal na buhaghag na hair rebonding lang talaga makaka-ayos

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 4 months ago

Scheduled induced labor tomorrow

Hello mommies! Im past my due date (41 weeks+1 day now) kaya my OB decided to have me induced tomorrow, at pag hindi magprogress ay ma-cs the next day. Ano ang dapat kong iprepare ngayon at kailangan kong i-expect bukas? how’s the pain? hindi ko na alam kung anong iisipin ko. kinakabahan ako at the same time excited because im finally meeting my baby.

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 5 months ago

closed cervix at 40weeks+2days

hello mga mommy! FTM here. gustong gusto ko na makaraos pero closed cervix pa rin ako at no signs of labor 😔 Hindi nga lang ako makapag-walking kasi walang lalakaran dito sa amin at nasa gilid kami ng highway. What i’m doing is squats na napapanood ko sa youtube and im also taking primrose orally and vaginally. nag-ultrasound ako kanina at 2.8kg si baby, kayang kaya raw inormal pero ayun nga hindi pa rin ako naglalabor. may palugit sa akin si ob na hanggang lunes kung hindi ma-admit na ako for CS. Pls share your experience sa mga umabot ng ganitong weeks. also what can I do to induce labor naturally?

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 5 months ago

this is random but ako lang ba yung buntis na any day now pwede nang manganak pero hindi ihiin? 🥹 I’ve read these jokes/memes/stories na kapag nasa third trimester ka na raw eh ihi ka na nang ihi but personally, I never experienced that. Next week na ang due date ko (almost 39 weeks now) pero hindi talaga ako ihiin. Hindi ako bumabangon nang madaling araw kasi naiihi. Hindi ako napupuyat kakabangon kasi ihi nang ihi. Even kapag lumalabas at nagmamall, kaya kong hindi umihi hindi dahil sa kaya kong pigilan kundi dahil wala akong urge na umihi. Other symptoms ng pregnancy nararanasan ko pero dito lang talaga ako hindi makarelate lol to add, sobrang lakas ko sa tubig. nakaka-apat hanggang limang refill ako ng tumbler ko sa maghapon. wala ring problema sa labs ko. even my ultrasounds are normal. meron yata akong FOMO kasi gusto ko makarelate sa mga buntis na problema raw ang frequent bathroom trips sa maghapon magdamag

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 5 months ago

Just had an ultrasound and my baby is 2.7kg at 38 weeks. Meron akong diet-controlled gdm so im happy na hindi masyadong malaki si baby. Question, kaya ba to inormal? OB said yes but gusto ko lang malaman sa mga nakaexperience nang ganyan ang weight ng baby. Kung umabot naman ako ng 40 weeks, gaano na kaya kabigat si baby?

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 5 months ago

Sinong kasama niyo sa hospital nong naramdaman niyong naglalabor na kayo? Aside from husband, nagsama pa ba kayo ng kapatid or yung mom niyo? Just asking because ayokong ma-stress during labor and I want to just focus on myself 😆 iniisip ko rin naman on the other hand baka may mga bagay na hindi kayang maitulong ni husband na kapatid/mom lang makakatulong

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 6 months ago

my OB is only affiliated with one private hospital. doon na rin ako manganganak. now, nakita ko sa page ng hospital na meron silang maternity package na nagrrange sa 20-60k. I availed that and also informed my OB. binigyan na rin niya ako ng admitting order kasi term ko na. Ang tanong ko po, anong pinagkaiba ng maternity package vs walang maternity package? kasi nalaman ko na magrarange sa 100-200k ang magagastos ko sa ob ko pero sa maternity package nasa 20-60k lang (assuming everything is normal) parehong siya rin lang naman ang magdedeliver sakin so im wondering whats the difference, except sa room i know mas downgrade pag maternity package but im prepared for that naman. just wondering bakit ang laki ng difference sa maternity package vs private ob knowing na siya rin lang naman magdedeliver sakin (kasama na po sa package yung pf ni doc)

reddit.com
u/Mindless_Owl_1463 — 6 months ago