“Thank you”
Everytime sinasalo ng asawa ko yung mga gawain ko for baby, like pagpapadede (bottle feeding kmi once a day, the rest ay unli latch sa akin), pagligpit ng pinagliguan, pagpapatulog, pagpalit ng diaper especially sa madaling araw, parang grabe yung pasasalamat ko. Eh lahat nga yun ako gumagawa 24/7 walang pahinga kapag nasa work sya, tapos konting tulong grabe na yung pasasalamat ko? Don’t get me wrong, i love and appreciate my husband. He is trying his best, and he is a good husband, and even a better father. Pero naisip ko bakit? Why do i feel indebted to him for doing those things when he is as much of a parent as i am? Ganito ba talaga ang pagiging nanay?