







OA lang ba ako or did I reacted poorly dun sa nangungutang saakin?
I'm 25F and let's call the mangungutang as Aly (21 MtF).
For background, nakasama ko si Aly last 2021 sa mixed ages Volleyball Training Camp ng village namin. Hindi ko naman siya gaanong ka close but we have our shares of interest naman. Tatlo silang mag kakaibigan nung mga unang days ng training camp, siya, si Bhie (20M), and Chie (19MtF) (code names lang din), pero habang tumatagal, napapansin namin na si Bhie and Chie nalang palagi magkasama at hindi na sumasama sa kanila si Aly.
Then nung last July, bigla siyang nag chat saakin. Obviously something is fishy na kasi never naman siyang nag chat saakin after 5 years. Na predict ko na din na mangugutang siya at uulit pa, although maliit lang naman kaya binigyan ko, nag palusot nalang ako na yun kang kaya ko.
After niya mangutang, agad kong chinat yung volleyball BFF ko si Daisy (code name), asking if naaalala niya pa si Aly. Then dun na sinabi ni Daisy saakin na oo naaalala niya si Aly kasi nangutang daw ng 500 sa mama niya (mama ni Daisy) at di pa daw binabayaran, reason ni Aly is namatay daw kapatid niya. Kaya sinabi ko nangutang din saakin pero ang reason ay nagugutom daw kapatid niya.
Inistalk namin myday si Aly and nakita namin na gumala pala with friends sa bgc at naka pang awra pa.
Coincidentally naman, naging kaklase ng kapatid ko sila Bhie at Chie sa college. Medyo naging close ko na din sila kasi magkakilala na kami dati at laging pumunta sa bahay namin. Nung one time pumunta sila sa bahay, natanong ako if may balita ba sila kay Aly. Sagot agad saakin ni Bhie "Ay bakit ate? May chika din kami dun". Confirmed. Dati pa pala nnagugutang so Aly sa kanila tapos ayaw bayaran. Yun din daw yung rason kung bakit sila humiwalay diyan. Tapos nagka issue pa daw yang si Aly dahil sumali sa Trans Pageant at hindi daw binayaran yung make up artist at gown na nirent. May pinakita sila saakin na ss nung make up artist na minention si Ally kung may balak pa mag bayad. (Pero di ko na makita yung post nung artist nung sinearch ko).
Natatawa nalang daw si Bhie kasi madalas niya daw nakikita (malapit lang house nila sa isat isa) si Aly na umaalis at naka porma pero nangungutang.
Tapos ayun, from July to August, lagi siyang nag spam na saakin ng chats at calls. Hindi ko lang talaga siya ma block kaagad or masagot or ma seen kasi busy ako sa work lately. Nakakairita lang kasi sunod sunod yung calls niya to the point na naiistorbo yung pc and cp ko during meetings.
Nung sinagot ko na siya, palusot niya ay archive photos lang daw yun, may isang chat pa siya na may "edited" na mark. Una niyang tinype talaga dun ay "inamo" then edited it as an apology.
Nag init talaga ulo ko kasi di ko na minention or sinabi sa kanya kasi baka sabihin niya wala naman siyang sinasabing ganun.
Ayoko na ding patulan kasi mas bata saakin at medyo burned out na ako sa work.
OA lang ba ako? Or may dapat or hindi dapat ako sinabi sa kanya
Edit: Yung name na nilagay niya oara sa gcash, hindi niya name yun kaya sobrang fishy talaga. Kairita, ginawa pa akong tanga