OA lang ba ako kung ayaw ko alagaan si papa
Anak ako sa labas pero gamit ko apelyido ng papa ko. Bunga ako ng kasalanan pero di alam ni mama na may asawa yung tatay ko noon. Mabait yung ex wife ni papa sakin saka yung older half sister ko sakin kahit 20 years gap namin. Yung ex wife nya, gets ko kung bakit hanggang ngayon kinamumuhian nya si papa kasi abusive talaga si papa saka babaero, naranasan ko din yun na nakikita ko kung pano saktan ni papa si mama kaya lumalaki ako non na sobrang sama ng loob ko sakanya.
Buti na lang hindi kasal yung si mama sakanya at hindi na sila magkasama sa isang bubong. Pero ako bumibisita ako sa papa ko kasi gusto ako makita ng ate ko at namamasyal kami kung saan. Bumibisita lang talaga ako dahil sa ate ko. Okay naman kapag magkakasama kami nila ate, ako at ni papa, di din naman kasi ako palaimik. Pero kasi nitong taon lang, January yun, medyo napikon ako nung nakasama namin one time yung kapatid ng papa ko kasi niyaya sya ni ate. Nag uusap usap sila about sa side nila, na mention kasi ni auntie yung isa sa mga pinsan ko ay hindi na pinapansin yung mama (kapatid pa nila papa at auntie) nya simula nung nag asawa sa abroad. Gets ko naman kung bakit di na pinapansin ng pinsan ko yung mama nya kasi alam ko kung gano sya katoxic bilang nanay. Very controlling.
Yung auntie ko biglang sabi sakin na wag tumulad dun sa pinsan ko, dapat alagaan ko daw si papa. Hindi naman ako palasagot saka kalmado pa rin ako pero nung umuwi ako samin, napansin ng mama ko bakit di madrawing mukha ko. Sabi ko bakit ang dali lang sabihin yun sakin e alam naman nila kung ano si papa. Ni hindi nga nag sustento yung papa ko sakin, puro lang mama ko ang nagsakripisyo. Puro pang aabuso lang natanggap ko sakanya kasi sinasaktan nya din ako noon kapag kumakampi ako sa mama ko.
Nakakabwisit lang kasi hanggang ngayon kinukunsinte nila si papa. Hindi ko makakalimutan yung mga araw na wala silang ginawa nung nakita nilang sinasaktan ng papa ko yung mama ko. Kaya heto, di na ko bumibisita kasi kilala ko sila na kapag andun ako akala nila okay na ang lahat, kaya expected ko na uulitin ulitin nilang sasabihin sakin na alagaan si papa katulad ng pag remind nila dun sa pinsan ko. Gagoe no way, si mama lang aalagaan ko.