I honestly feel a little off sa "friends" ko this review season
Alam ko malapit na BE and lahat tayo nagpeprepare for it. Pero lately, kung kailan malapit ang BE, saka humihingi ng tulong sa pagrereview.
For context, simula nung nagstart na ang review sa RC, I told myself na bawasan muna ang mga gala and labas ng labas para makapag-focus, lalo na graduated na and I don't have the obligation yet to find a job immediately. I tell myself na this is a privilege na kasi may iba na working students who juggle their time talaga para ma-fit nila ang sched ng pag-aaral nila (saludo sa inyo talaga!) Kaya ayun, last 2 months ago, dinidisiplina ko na self ko to manage my time.
Yung mga kaibigan ko na nag-RC din, I've noticed na sobrang bihira lang nila pumasok sa RC. At first I don't mind naman kasi baka ineenjoy muna nila yung vacation nila. Kaso habang tumatagal, it's becoming concerning na rin. I noticed na yung stories nila sa IG every week may galaan, lalo na tumatapat talaga sa sched ng RC (kaya majority of that time, absent sila). May times din na kapag nagsostory ako ng review ko sa IG, nagrereact sila and naghihingi ng reviewer, to which I give naman kasi tulungan na this exam.
As they continue this, na-ooff ako kasi napapaisip ako kung sineseryoso ba talaga nila yung review nila, lalo na parang bakit nakaasa na sila sa akin sa mga notes ko that I take when I am at the RC (like di pa enough yung sinend kong reviewers). Dahil doon dinidistansya ko as much as I can sa kanila na kasi parang umaasa na sila sa akin kesa umattend ng RC na binayad nila.
This week naman, supposedly pahinga ko, nagchat yung isa sa kanila for help. Inaask na paano gawin ito at ganyan sa PA. That's the same topic that was discussed over and over ng mga iilang lecturers noon sa RC (mga parametrics and nonparametrics, validities, and reliabilities, etc.). Sineen ko lang siya kasi ayaw ko na ng ganon, lalo na I feel like I am being taken advantage. Tas mamaya, after what happened, may makikita ako sa IG notes na "damot amputa" like ????
Tangina dapat BE ako nasestress pero di ko alam bat sa mga "kaibigan" ako nasestress. Parang gusto kong magalit na ewan sa ginagawa nila, lalo na parang nagmumukha akong selfish sa part na yun kahit sa totoo lang, napapagod ako sa ganong pag-uugali nila. Gusto ko lang irant out here kasi ambigat na masyado sa puso ko ngayon, lalo na I am mentally exhausted din.