All covered lawyers nationwide are now required to render 60 hours of free legal aid
Sa mga nagtatanong dito hoping to get free legal advice, gusto kong ipaalam sa inyo na kung mahalaga sa inyo ang sagot sa mga tanong ninyo, please make time to consult a REAL lawyer IN PERSON through the IBP Office nearest you.
IBP Offices are often located inside the city hall or municipal hall, at karamihan may mga facebook pages na rin. Doon na kayo magtanong dahil sigurado kayong abogado ang sasagot sa mga tanong ninyo. Wala ring time limit sa pagkonsulta. Maipapaliwanag ninyo rin ng maayos ang concern ninyo.
The Supreme Court now requires all covered lawyers NATIONWIDE to render 60 hours of free legal aid.
Nakaka frustrate makabasa ng sagot mula sa mga nagpapanggap na abogado or naggagaling-galingan sa mga comments kahit wala namang proof na abogado sila.
Finally, remember that you accept free advice here at your own risk. So, kung mahalaga sa inyo ang concern ninyo, please make time to personally consult REAL lawyers.
Libre naman sa PAO at sa IBP Legal Aid, iyong time and effort na lang ang pinaka-investment ninyo, pero at least sigurado kayong TUNAY na abogado ang sumasagot sa inyo.