Ezysave+ Maybank-Gcash interest
Hello po gusto ko lang ma clarify. Last month, april 14 nag open ako ng ezysave+ ng maybank sa gcash. nag initial deposit ako ng 500 pesos and then first week ng May nagdeposit ako ng 100 pesos. Hindi kasi nagrereflect yung interest sa maybank app or sa gcash app and nag inquire na rin ako sa gcash at maybank, mas naguluhuan ako kasi magkaiba sinasabi nila. Sabi ng gcash customer service magintay lang daw ako ng 1 month or 90 days dun pa lang magpapakita ang interest earned ko. Tapos sabi naman ng maybank customer service annually lang daw magpapakita ng interest earned ang maybank kaya makikita ko pa siya next year april 14 magrereflect sa gcash at app. Kayo po ba anu po experience niyo regarding dito? Thank you po talaga sa makakatulong ma clarify ito.