u/AdGullible1981

Delayed and incomplete loan payments despite notarized contract

Gusto ko lang sana humingi ng advice tungkol sa utang issue namin.

Yung mom ko nagpautang ng pera sa iba’t ibang tao and may written contract kami na notarized and prepared with legal assistance. Nakalagay doon yung agreed monthly interest payments at deadline kung kailan dapat ibalik yung buong amount.

Sa una okay naman, pero lately late na sila magbayad and minsan kulang pa yung binibigay nila compared sa nasa agreement. Ilang beses na sila nireremind yung late payment nila but still parang wala lang sa kanila.

Ang concern ng mom ko, ayaw niya silang awayin or i-pressure masyado kasi natatakot siya na baka lalo silang hindi magbayad completely kapag naging aggressive kami sa paniningil. So medyo cautious kami ngayon kung paano i-handle. Ano usually next legal step sa ganitong situation?

reddit.com
u/AdGullible1981 — 16 hours ago