r/LegalPh

[ADVICE NEEDED] Enrolled sa expensive AI cohort/mentorship para sa tuition ng anak ko, pero puro upsell at yabang lang. Denied refund, ano po legal options ko?
▲ 57 r/LegalPh+1 crossposts

[ADVICE NEEDED] Enrolled sa expensive AI cohort/mentorship para sa tuition ng anak ko, pero puro upsell at yabang lang. Denied refund, ano po legal options ko?

Throwaway acct lang po for obvious reasons. Hindi ko na muna papangalanan directly yung mentor/agency para sumunod sa rules ng sub, pero she’s a prominent AI speaker/consultant dito sa Pinas.

Im a woman in my early 50s. Kahit medyo may edad na ko, hindi naman ako outdated dahil matagal na din ako gumagamit ng ChatGPT at Claude sa work. Gusto ko lang talaga matutunan tong "vibe coding" at AI workflows para makatulong sa gastusin at pambayad sa college tuition ng anak ko.

Na-meet ko itong kilalang AI coach/agency founder sa isang tech event recently. Ang ganda ng pitch nya sa event—personal daw ituturo ang foundamentals, hands-on guidance, at aalalayan ang beginners step by step. Dahil pursigido akong matuto para sa pamilya ko, nag enroll ako sa cohort program nya at nagbayad din sa webinars. Sobrang mahal nya to be honest, pinaghirapan at pinag-ipunan ko talaga ung perang un.

Nung una parang ok naman, pero nitong mga nakaraang weeks nagbago talaga ang takbo:

  1. Puro pagbubuhat ng bangko: Halos 50% ng oras sa session napupunta sa pagkukwento nya tungkol sa connections nya sa government/DOST, personal achievements, at kung anu-ano pang stuffs imbes na mag focus sa hands-on technical walkthrough.
  2. Laging wala ung mismong mentor: Madalas syang absent sa live calls. Ipinapasa lang nya ang pagtuturo sa mga staff nya. Mababait naman ung assistants pero medyo tagilid pagdating sa pag sagot ng mga technical issues, halatang di pa gamay.
  3. Ginagawang sales pitch ang klase: Pag umaattend naman sya, mapapansin mo parang pilit na pilit ung pag-recruit at pag-upsell para dun sa upcoming paid AI events nya. Nagbayad na nga kami ng mahal para matuto tapos bebentahan pa ulit kami.
  4. Magulo ang activities: Walang maayos na structure ung exercises at materials. Hindi worth it sa binayad.

Narealize ko na sana pala inipon ko nalang yung money para binigay ko diretso sa anak ko for her school tuitions. Masakit sa loob kasi nagtiwala ako in good faith. Nag-reach out na ko formally to ask for a refund (kahit pro-rated na lang sana sa remaining classes), pero rejected agad at bawal daw mag refund.

Gusto ko lang po sana humingi ng payo sa mga nakaranas na ng ganitong online coaching / course dispute dito sa Pinas:

  • Pwede po ba to idulog sa DTI under misleading advertising / non-fulfillment of promised services?
  • May nakapag-try na ba mag-demand letter via lawyer sa mga ganitong digital coaches?

Frustrated lang talaga ako as a parent na nagsakripisyo para sa edukasyon ng anak. Maraming salamat po sa anumang gabay.

u/Pure_Buy_6703 — 11 days ago
▲ 10 r/LegalPh+1 crossposts

Is this contract normal would you sign it?

Is there anything in here I should request to change, or does this align with a typical contract?

u/contemplatingg — 12 days ago
▲ 3 r/LegalPh+1 crossposts

2-month-old baby suffered 2nd-degree burn on buttocks after hernia surgery. Need advice on legal options/hospital complaints

Problem/Goal: Gusto po naming malaman ang aming legal options, kung pwede ba itong idulog sa PAO (Public Attorney's Office), at kung ano ang tamang proseso ng pagrereklamo (internal hospital complaint, DOH, PRC) ukol sa kapabayaan (medical negligence) na nagdulot ng 2nd-degree burn sa aming 2-month-old baby.

Context: Ang aming 2-month-old baby ay kaka-opera lang para sa incarcerated left indirect inguinal hernia. Matagumpay ang herniotomy, pero paglabas sa operating/recovery room, napansin namin na may malaking raw wound (2nd-degree burn) at pagbabalat sa kaniyang puwet.
Under investigation pa ang nangyari sa ngayon, pero ang malakas naming suspetsa ay sanhi ito ng heating pad sa recovery room. Napansin kasi ng misis ko doon na napakamainit ng balat ni baby at tinanong niya agad ang nurse, pero sinabihan lang siya na "normal lang 'yon." Malinaw po sa amin na may kapabayaan (negligence) na nangyari.

Previous Attempts:

  • Naitanong na sa nurse sa recovery room noong napansing mainit ang balat ni baby pero pinalampas lang nila.
  • Kasalukuyang ginagamitan ang sugat ng MEBO ointment para sa wound care ayon sa reseta.

Questions:

  1. Pwede po ba kaming mag-file ng kaso sa PAO (Public Attorney's Office)? Ano-ano po ang mga kailangang ihanda o alamin para tulungan ng PAO?
  2. Sa mga may kaparehong karanasan ng medical negligence o aksidente sa loob ng ospital, ano-ano po ang naging eksaktong steps o proseso na ginawa ninyo?
  3. Paano po ang tamang pakikipag-usap sa hospital management habang ongoing ang imbestigasyon nila para hindi nila maipasawalang-bahala ang nangyari?
  4. Ano po ang karaniwang ginagawa ng ospital sa ganitong kaso, at ano ang dapat naming hingin sa kanila bilang kasunduan (agreement) o desisyon?
reddit.com
u/Key-Garden7669 — 11 days ago
▲ 14 r/LegalPh

1.2m with my friend, she slowly pays back but I found out her reasonings are full of lies.

I have a good friend, she has a BnB business where her house is also, I can walk there. We have a lot of mutual friends whom I trust hang out with her, go to her house to eat almost everyday.

Nagsimula sa pa-cash in and cash out. 20 pesos per 1k ang fee and dito sa isla, konti ang bangko, mahirap puntahan. So it made sense right? For MONTHS yung balik ng pera sobrang bilis. Within an hour same day balik with commission na. Pag mag cash out same fee balik din same day. She would tell me si (Insert friend’s name here) needs 300k pangsweldo sa tauhan today, kasi nga construction yung mga yun and I know they really are building something. Mabilis yun balik agad.

Hanggang sa malaki na nailabas ko, may existing listahan kami, chats, everything. As of now 1.2m ang nasakanya, kasi there were days na “50k pa” “kaya mo pa 50?” Ganun hanggang sa lumobo. Bumagal ng bumagal yun balik pero di na ko naglalabas, sya na rin nagsabi malaki na nailabas ko so wait muna bumalik bago continue.

Nakausap ko yung mga supposed na “humiram” found out hindi pala sila ang humiram at all. Ewan saan nya ginagamit pero almost lahat ng nag cash in cash out hindi sila. Or minsan sila kasi madalas may screenshots ng “Ate, may 50k ka pa?” And sagot nya is, “Sige tanong ko si (my name)” everything was intricately planned to make it look all real.

So now ang dilemma ko is hindi nya parin alam na alam ko mga kasinungalingan nya. Bumabalik parin pera SLOWLY and everyday naguupdate sya, nagmemessage, na hinahanapan ng paraan. When I call her out saying dapat mabilisan lang usapan kasi hindi naman pautang ginawa ko, cash in cash out lang dapat, kung ano ano sinasabi. Pero I don’t wanna get on her bad side yet kasi I want the money back and she is still sending as of now.

What should I do kasi in 2 days the people whom she used na “humihiram” icoconfront na sya.

And then what is my next course of action if she doesn’t and can’t give it back? Police? Barangay? I have no idea.

reddit.com
u/Short-Dark9262 — 12 days ago
▲ 2 r/LegalPh+1 crossposts

Sino po my karapatan sa lupa

May tanong lang po ako tungkol sa isang lupa ng pamilya namin.

Noong 1985, bumili ang lolo ko ng 500 sqm na lupa. May deed of sale siya pero hindi naiparehistro at wala siyang titulo. Simula noon, kami na ang nakatira at gumagamit ng lupa at kami rin ang nagbabayad ng amilyar.

Namatay ang lolo ko noong 2005 at naiwan ang tatlo niyang anak, ang tatay ko, tiyuhin ko, at tiyahin ko.

Noong 2015, umalis ang tiyahin ko papuntang Maynila. Sinabi niya sa tatay ko at tiyuhin ko na ayaw na daw niya sa lupa at sa kanil na lang ang lupa.

Walang pinirmahang document at walang deed of donation o waiver.

Fast forward 2020, nalaman namin na ipinagbili pala ng tiyahin ko ang buong 500 sqm sa ibang tao ng 2M.

Ang sabi niya, kanya raw ang lupa dahil siya ang nagbabayad ng amilyar at siya ang nakapangalan sa tax declaration.

Ngayon, sinasabi ng buyer na buyer in good faith daw siya dahil nakita niya ang tax declaration at wala naman daw siyang nakitang titulo na nakapangalan sa ibang tao.

Pwede ba talagang ibenta ng tiyahin ko ang buong lupa kahit may dalawa pa siyang kapatid na tagapagmana? At kung hindi, valid ba pa rin ang sale sa buyer?

Magkano po kaya consultation ng abogado sa ganitong kaso? magkano po kaya consultation fee ni legaladvice.ph o ni askabogado.ph?

reddit.com
u/panda998911 — 12 days ago

Sino po my karapatan sa lupa

May tanong lang po ako tungkol sa isang lupa ng pamilya namin.

Noong 1985, bumili ang lolo ko ng 500 sqm na lupa. May deed of sale siya pero hindi naiparehistro at wala siyang titulo. Simula noon, kami na ang nakatira at gumagamit ng lupa at kami rin ang nagbabayad ng amilyar.

Namatay ang lolo ko noong 2005 at naiwan ang tatlo niyang anak, ang tatay ko, tiyuhin ko, at tiyahin ko.

Noong 2015, umalis ang tiyahin ko papuntang Maynila. Sinabi niya sa tatay ko at tiyuhin ko na ayaw na daw niya sa lupa at sa kanil na lang ang lupa.

Walang pinirmahang document at walang deed of donation o waiver.

Fast forward 2020, nalaman namin na ipinagbili pala ng tiyahin ko ang buong 500 sqm sa ibang tao ng 2M.

Ang sabi niya, kanya raw ang lupa dahil siya ang nagbabayad ng amilyar at siya ang nakapangalan sa tax declaration.

Ngayon, sinasabi ng buyer na buyer in good faith daw siya dahil nakita niya ang tax declaration at wala naman daw siyang nakitang titulo na nakapangalan sa ibang tao.

Pwede ba talagang ibenta ng tiyahin ko ang buong lupa kahit may dalawa pa siyang kapatid na tagapagmana? At kung hindi, valid ba pa rin ang sale sa buyer?

Magkano po kaya consultation ng abogado sa ganitong kaso? magkano po kaya consultation fee ni legaladvice.ph o ni askabogado.ph?

reddit.com
u/panda998911 — 11 days ago