Pasalo House Need Advice
Hello po,
Need your advice po.
May kukuhain kaming pasalo na bahay.
Owner ng bahay is deceased (husband nung nagbebenta)
Ang mortgage ay sa bangko. 1m balance. Up to date naman nga meralco at yung monthly ng bahay. At sa Bangko ito binabayaran hindi sa pagibig.
Rfs: may kinuha daw syang property malapit sa parents nya kasi mother nya nagaalaga sa dalawang bata pag nasa work. At nahihirapan sya kasi madami na syang binabayaran.
Ngayon nagpapagawa sya sa lawyer nya ng DOAS para masabi na ako na bumili ng bahay at ako magbabayad ng monthly. Ako mag shoshoulder ng Drafting at notarization. Sya magcocover ng SPA.
Pumayag naman daw ang bangko na ibibigay ang title ng bahay after ma fully paid yung bahay 15years pa. So dahil magkakaron ako ng DOAS sa akin na ibibigay ng bangko ang title at pwede ko na ipatransfer yung title once fully paid.
Gusto ko lang po ng opinyon nyo dito.
May sinend naman saking EJS at nag send ng request of statement ng BPI kung saan sinesend yung monthly payment.
Ngayon babayad po ako ng pa draft ng DOAS, tas sign na agad sa Wednesday kasi need nadin namin makalipat kasi nagrerent ako.
Ngayon okay lang po ba yun or need ko padin mag hire ng sarili kong lawyer para icheck yung DOAS? Tsaka ano po dapat ko alamin. Pasensya na first time kopo.