Issues sa in-laws
Hello po. I would just like to read your insights at parant na rin, this is my first pregnancy at the age of 37, i usually stay at my inlaws house (hubby is working abroad) at since malapit ito sa workplace ko, sa kanila na ako nagstay. Since they found out I was pregnant, etong si MIL kung ano anong food ang binawal sa akin (dami reminders), including pag inom ng buko juice bawal daw kasi nakaka laglag ng baby at wag daw ako basta2 iinom ng gamot (which is of course alam na alam ko naman). My MIL would usually remind me to eat healthy veggies and fruits (i am on my first trimester at sobrang pihikan ko sa food and tendency sky flakes lang ang kaya ko kainin). Dismayado ata sya kasi feeling nya di ko sya sinusunod. One night im watching a gma fantaserye at pinaalis ako baka daw kamukha ng baby yung mga characters dun. My FIL naman would usually forced me to eat eggs (e hindi ko nga kaya kainin dahil nasusuka lang ako)
Sa sobrang stress ko ata sa kanila nagbleed ako and adviced to be on bedrest ng OB and eventually umuwi ako sa bahay namin kahit malayo sa pinagwowork ko. My mom naman is very chill lang at never ako binawalan sa kahit na anong pagkain. In short, they're very opposite talaga.
Question, am i stupid na di muna ako magpakita sa kanila dahil sa stress na inabot ko sa mga advices and tips kuno nila? Since nagbed rest ako, di ko muna sila binisita and I would excuse myself saying na masama pakiramdam ko palagi. Or am i just sensitive?