Dito, Sa Ilalim ng Buwan
Lumabas ako kanina, at nagbabakasakali na makasalubong ka o makita ka. Tatlong taon narin ang lumipas, pero araw araw kitang naiisip. Lumiliit na ang mundo natin, magkalapit na tayo, pero parang ang ilap, na kahit anong labas ko hindi kita makasalubong. Merong isang beses, pero kasama mo na yung taong nagpapasaya ngayon. Alam kong nakita mo ako, at hinihiling ko na magkita tayo ulit. Pero nabasa ko kahapon lang sa twitter na sabi mo na sana hindi na magkrus ang landas natin kailanman. Sobra akong nasaktan, hindi ko alam. Kasalanan ko naman talaga lahat ng nangyari nung nakaraang tatlong taon na yun. At lagi sakin sumasagi na sana makapag usap parin tayo at mabigyan ng liwanag ang lahat. Pero mukhang huli narin talaga ang lahat, at kailangan ko na panindigan ang desisyon ko.
Kaya paalam, aking buwan. Napangiti pa naman ako kanina kasi kahit maulap, nagliliwanag ka at tila ba nakangiti sa akin. Yun pala eh hinihiling mo na na hindi na tayo magkita pa ulit. Gusto ko malaman mo na kahit saang lupalop man ako dinala at dadalhin ng mundo, lagi at lagi ka sa isip ko. Salamat, patawad, at sana matupad mo ang mga pangarap mo. Ito man ang huling sulat o huling beses na babanggitin kita kahit kanino, alam ko na habambuhay kitang dala dala sa puso ko. Naalala mo nung sinabi ko na lilipas din yan? Bakit yung sakin, hindi lumipas.