what can i do as a 16yr old here in ph to earn money? :(
hello po, i just wanted to get this out of my chest kasi sobrang tagal ko na po ito binibottle up and wala po ako maaproach. When i was a kid my mom would always take my christmas money which is normal naman and i understand bata pa naman ako she needed that money more than me. As i grew older since alam niya na hindi niya na kayang kunin pera ko saakin nagpapautang siya and at first pinapautang ko naman siya kasi nanay ko pa rin siya pero patagal ng patagal hindi niya na ako binabayaran, syempre di ko muna pinansin o binig deal pero kasi alam mo yung sumosobra na? Papautangin ko naman siya kung binabayaran niya talaga pero hindi eh, yung ibang utang niya pinapalusot ko na nga lang kasi alam kong di niya mababayaran ganun kalaki. Napagod na po ako at hindi ko na siya pinapautang, it has gotten to the point na nangungupit na siya sa wallet ko which consists of my allowance for school. Ang main problem ko kasi mahilig siya mag sugal, kung yung pera na pinapautang ko sakanya napupunta lang naman sa sugal at sigarilyo ayaw ko. Yung thought na ginagastos niya lang para sirain health niya at malulong sa pagsugal nakakasakit bilang anak niya. Anyways back to the present, kaka graduate ko lang po ng g10 and may allowance kami na 3k for with honors. binigay ko na po sakanya yung 2k at natira saakin 1k for my own expenses. Yung 1k hindi ko po plinaplano na gastusin kasi nagiipon po ako (with my weekly school allowance) para kung may kailangan hindi ko na po maburden yung family ko. Ngayon nagpapautang po ulit nanay ko and naiiyak lang po ako kasi 2k na binigay ko sakanya tas wala pa po akong trabaho, as im writing this minumura niya po ako. Sorry mama :(