u/AggravatingSpray5482

This day is a very emotionally heavy birthday for me.
2016, I made an attempt. I failed. I told myself that I'm gonna finish everything I didn't finish back then. My college and my comics flashed before my eyes. Made to drop out from first college dahil hindi ko kinaya ang pag-adapt sa college bukod pa sa personal, financial reasons at lumalalang depression ko. I transferred to another school dahil ang hirap makita ang mga kabatchmates ko habang ako nahihirapan pa din sa isang subject. I just want the nightmares to end and just get a diploma pero the last couple of years was very bad with 2/4 of my groupmates ditching just to play Lol and Ros. I graduated pero ang layo ng naging trabaho ko dahil nga trauma na ako sa course ko. I literally couldnt force myself to start learning how to code again. I was forced to resign back at March para hindi ako magkarecord sa Warehouse na unti-unti nang naging toxic dahil nga nagkaalitan kami ng guard. 50k lang ang naipon ko imbes na sana ay nakaabot pa sa 120k. These past few days being unemployed isnt easy. Hindi makatulog dahil iniisip ko kung saan ako mapupunta. Ang naipundar ko lang ay ang PC ko panggawa ng digital comics and I have 33k left. I tried online dating pero as a 30 year old who earned 20k a month lifting/cleaning/sorting heavy danpla boxes for a living, my chances arent that high. I gave that up too. Hindi ako pwedeng bumalik at makisama sa nanay at stepfather ko. Nakakahiya na wala man lamang ako maibalik na tulong sa kanila. Dont get me wrong, may kaya sila. Pero sila iyon. Kapag nawala si mama ay baka baliwalain na din ako ng stepfather ko. Bumisita sila at nagbigay ng pagkain dahil nga hindi ako nakasagot sa cellphone noong mag-iimbita sana sila na kumain sa labas at may kaunting pera pang binigay.

I guess what I'm getting at is I'll probably end up homeless and without anyone, that is if my mind doesn't deteriorate first. Araw araw at gabi gabi na akong minumulto ng potential ko. I tell myself na matapos ko lang ang komiks ko ay okay na ako to make an attempt again. As long as I earn enough for a place to stay and for food - as long as I can draw to my heart's content and watch One Piece and many more wonderful stories, I'm Free. It's not easy but i'll try to live until the final page is done. Magsisimba muna ako for the first time in about almost a decade.

If you have friends or family members that are struggling with mental health, reach out to them. Make them feel loved. I don't believe in hell because I've been alone inside the hell in my head for too long. Be good people.

reddit.com
u/AggravatingSpray5482 — 17 days ago

Hindi ko alam kung ilalagay ko ba ang pangalan ng company pero isa siyang Logistics Company na may branch dito sa Lipa at bibihira lang naman ata ang mag-aapply dito at nagtrabaho lang talaga ako dito para makapag-ipon. Andami kong gustong sabihin pero naglagay na lang ako ng 1 star.

  1. Ang bagal ng mga pagbibigay ng mga items. Yung ID, yung safety shoes, yung uniform, yung ATM card, yung cap. Okay lang sana kung hindi sila nagbibigay ng disciplinary action kapag hindi mo suot. Magtatanong sa iyo ang bagong safety/assurance kung bakit hindi mo suot eh makailang beses mo nang sinabi sa makakalimutin na HR Support pero isang buwan pa bago maibigay. Kapag may problema sa sahod ay sobrang antagal maayos. Kapag di mo maiusap na mapaayos ay nagiging OTY na. Nagkaroon pa ng problema at napabisita ang DOLE ( andami na nilang reklamo sa DOLE ) dahil yung limang araw + OT ng isang empleyado ay hindi nabayaran dahil may problema sa biometrics at kahit na may cctv na nakatapat sa biometrics para nga malaman ang time in/out ka ay hindi talaga nabayaran.

  2. Toxic ang management. Highbloodin yung bagong assistant manager. Noong nahire ako dito eh may pagkasafety/operations ang role niya. Umalis yung mabait na supervisor sa part namin ng warehouse at siya ang pinalit na assitant manager. Grabe manigaw. Noong nagkulang sa tao dahil sa dami ng suspended at tambak ang area ko, sinigawan ako at ang sabi eh ayusin ang priority dahil napagsabihan siya ng bumibisitang Head na hapon. Mga 1000+ ang kailangan naming linisin/istack/isort na danpla box na may mabibigat na partition sa buong araw kaya lagi kong sinisikap na maayos ang area ko pero noong araw na iyon ay parang binagyo ang area ko. Gusto ko mag-AWOL na noon pa pero dahil nga nag-iipon ako eh napasuntok na lang ako sa pader sa sobrang galit. Narealize ko na basta "do your job, get home, get paid" na lang ako. May mga industrial fan sa warehouse dahil nga mainit pero dahil may mga ginagawa yung admin sa ibang parte ng warehouse eh palaging kinukuha sa area ko ang fan kaya bumili na ako ng mini fan. Noong natapos ang mga gawain at lalo na noong nakarequest ng mga bagong fan, nagjoke pa na kesyo may fan na ako ng akin. May isa pang time na dahil nakita na buhay pa ang fan noong papasok na kami dahil lamang pumunta ako sa tubigan ay gustong itago ang fan. Last year, nagkaroon ng organizational shift dahil andaming umalis. May nahire na babae na QA Checker. Napansin namin na palagi siyang pumapasok sa office niya at isang araw ay parang binago na na parang Safety/Assurance ang role niya na parang admin na din. Pero talagang nagka-issue noong nagkasports fest at nakita silang nakacouple shirt. Nagkaroon ng meeting noong isang araw at ayun, sumabog si AM. May pagtapon pa ng papel. Kesyo wala daw kaming masyadong kaibigan na babae kaya ginagawan namin ng issue (hindi ako kasama sa mga nagsasabi at talagang trabaho lang ang intindi ko) at kesyo daw angtaas ng level niya at kakapiranggot lang kami (may kasama pang hand gestures ). Gagawin na lang daw niya trabaho niya at hindi makikipagkapwa (?). Nagkaroon ng mga policy pero mostly centered sa babaeng iyon kaya talagang umiwas kami ng pakikipag-usap sa kanya. Mga ilang araw bago mag-AWOL ang babae ay kita namin na sabay silang pumapasok at hatid sundo pa niya sa labas. Medyo kumalma ng kaunti pero kapag stressed sa trabaho (kitang kita sa mukha) ay kahit pati yung kapatid ng Assistant Manager na WH Staff din ay pinagdadabugan.

Mayroong shift leader na grabe mangtrip. Araw araw ako nag-aayos ng area ko dahil ayokong may masabi sila kahit na yung kapalitan ko sa shift nila ay literal na kilala sa company na patulog-tulog lang. Pero kapag tumambak ang area ko dahil sobrang dami ng naiwan nila ay grabe makapagpahiya. Hindi ka makapagreklamo sa shift nila dahil andoon yung kapatid ng assistant manager ng client company namin. Pagtataas at pagbaba ng mga sobrang bigat na danpla boxes ang palaging ginagawa namin pero siya ay tagatulong lang talaga maglinis at kumbaga ay tagareport sa kapatid niya.

May isa pang assitant manager na grabe makapag-utos. Busy ka na sa sobrang dami ng request ay aabalain ka pa. Kapag nakita kang nagpapahinga nang kaunti sa sobrang dami ng trabaho ay babalik-balikan ka. Sobrang baba magbigay ng appraisal score. Noong andoon pa yung mabait na supervisor ay todo trabaho talaga ako at walang nasasabi basta maayos ang area mo at nagagawa mo ang trabaho mo at ang taas pa ng appraisal score na ibinibigay. 4.5 noon sa supervisor at naging barely passing na 3.0 sa assitant manager noong pahuli kong mga buwan kahit na andaming nadagdag sa amin na trabahuhin. Hindi nila maexecute ang paglalagay ng RFID para sa inventory at nasa mga 10k-15k na ang mga box kaya ang ginawa nila ay kami ang pinapabilang ng mga bumabalik na box tapos pinapasulat ulit nang mas maayos sa isa pang papel. Magpapahinga na sana kapag mag-a-out na pero iyon, magsusulat pa ng inventory ng box. Yung listahan na iyon ay iiencode pa sa computer at kapag mali ang bilang ay aabalahin kami ng assistant manager kung bakit daw hindi magtugma at tatanungin pa kami kung bakit hindi magkasundo ang inventory ng kabilang shift.

Kapag warehouse staff ka na walang specific na role ay talagang kawawa ka dahil uutusan ka nang uutusan.

  1. Grabe ang mga policy at yung pagpapatupad, mananawa ka sa mga suspension. Noong kahalatian ng 2025 ay nagkaroon ng annual meeting. Grabe ang pagkakagisa sa mga HR. Lagi silang nagsasabi na nagplaplano na magkaroon ng outreach program, etc. Sumagot ang isa sa mga driver at kinuwento na puro nga outreach pero kahit sariling empleyado ay hindi matulungan. Nabahaan ang bahay niya at tangay ang mga uniform maliban sa suot noong araw na iyon, nagrequest ng uniform na kahit ibawas na lang sa sahod pero wala talaga at saka lang nakabigay. IIRC, nabigyan pa ng DA dahil sa problema sa uniform. Noong nasunugan ang isa pa ay wala man lamang acknowledgement at nagkaDA din dahil absent ata. Nagtanong ulit ang driver dahil nga nagkaroon ng DA ang isa pa naming katrabaho na hindi man lamang dumaan sa supervisor/officer. Bakit daw kapag nakatanggap ng NTE eh kahit mag-explain man ay sigurado na mahahatawan pa din. Sumagot ang HR ng common empathy spiel at akala ko ay okay na. Ilang buwan matapos iyon, naghire sila ng OIC Guard. Andaming nagkasuspension dahil kahit pa-out na at makita kang papikit-pikit ng mata ay irereport ka. Alam nang nasa warehouse siya pero parang bata na kung saan saan tumatayo at muntik pa masagasaan ng forklift pero yung Forklift Operator pa din ang nasuspend dahil nga sinabihan siya na wag patanga-tanga. Napaaga ang alis ko dahil nga nagkasagutan kami ng OIC dahil kahit iisang minuto lang na nahuli ako ng pagbalik ay inireport pa din at hayok na hayok na makapagreport ng empleyado. Wala silang designated resting area pero nagkaroon pa ng policy na bawal tumambay sa area para magpahinga. Nagkaroon ng discussion dahil nga kapag pumunta naman kami sa labas eh mahuhuli kami ng pagbalik at mabibigyan pa din ng DA.
reddit.com
u/AggravatingSpray5482 — 23 days ago