PROF NA FEELING TERROR PERO HINDI NAMAN MARUNONG MAGTURO?
I'm a Freshie Engineering Student and ngayong 2nd Semester palang, natanggalan na and worst binigyan pa ng 5.00 ng isang professor sa *** department. Honestly speaking, ugali at suot palang netong professor na 'to hindi na pang-professional. Ni sa pagtuturo, hindi rin naman kaayusan and kagalingan. We already heard from our seniors and nababasa naman namin sa facebook na grabe ka mambagsak ng mga student and pride para sayo 'yung makapambagsak ka ng lagpas kalahati sa isang section. At first, we thought na tinatakot lang kami pero ngayon, totoo pala.
Hindi ka ba nahihiya? Hindi naman outstanding ang performance mo sa pagtuturo, hindi ka rin knowledgeable enough sa tinuturo mo pero napakalakas mo mambigay ng singco sa halos bente katao sa loob ng klase mo? Pinagyayabang mo pa na marami ka nang naibagsak sa studyante pero hindi ka naman kagalingan magturo. Minsan sir kailangan din nating magkaroon ng self reflection, tanungin mo naman kung para sayo yung pagtuturo kasi kung tatanungin mo lahat kaming mga freshie na handle mo ngayon, alam mo yung magiging sagot.
Kahit kailan sir hindi nakakaproud na marami kang binagsak na studyante, na tuwang tuwa ka pa tuwing bagsak yung mga studyante mo reflection din yan sayo, na hindi ka effective na professor. Minsan napapatanong nalang ako paano ka naging professor sa PUP nang ganyan yung mindset at ugali mo, nakakahiya. Dasal nalang namin na hindi mo na ulit kami ma-handle sa buong journey namin. Akala ko pa naman magaling and best ang department nato pero bakit may ganitong professor? Dami rin naman naming naririnig na magaling magturo si ganito, si ganyan bakit etong professor na to ung napupunta sa amin? First year palang, bad impression na. Kung makarating manto sa chairperson ng *** department, justifiable pa ba yung pambabagsak ng prof na yan which is yearly na yatang nangyayari. Ano po yan nakasanayan na? Kung walang nagsasalita about diyan sa prof na yan nung mga nakaraang taon, dapat nalang din po ba kaming manahimik?