unfair ba?
2024 nung naglive in kame netong partner ko, magkalapit lng talaga bahay namen isang sakay lng ng trike. tapos after ko maoperahan (nakunan me) dto na kame samen tumutuloy dati doon sakanila mga 6months kame doon. nung mga unang buwan nya dto samen parang lagi syang giniguilt trip ng nanay nya (breadwinner si partner) lagi chinachat na, di na sya matulungan sa mga kapatid (financially and sa gawaing bahay) so si partner kada day off nauwi sya sakanila or minsan pag closing pasok nya pumupunta muna sya sakanila para ipagluto sila at maglinis doon, so ako naiinis kase yung mga kapatid nya malalaki na hindi manlang sya matulungan i mean bulbulin na duh? ni magwalis di ba makapagkusa? tapos eto kapag nanghihingi favor partner ko sa nanay nya daming kuda bago magbigay pero kung sya may iuutos gusto makapunta agad sakanila ariba!!! ganern!! oo alam ko siguro nanibago lng nanay nya pero masakit lng for me na shet anak mo paren naman yan bakit porket pamilyado na parang dapat hindi na makakahingi ng pabor sayo. so eto kase ung minsan hiningi nyang favor na tumatak saken, nanghihiram sya ng pampaayos ng phone kase nasira (yung mga kapatid nya lahat may cp ultimo ung 6yrs old meron, may tablet pa yan) tapos sasabihin wala extra ganon ganon dami sasabihin umabot sa point na sinasabihan pa ko na maluho ako kaya nauubusan pera like hello? hindi ko ugaling gumastos ng hindi ko pera no anak nya lng kusang nagbibigay saken (ako pinapahawak nya ng buong sahod nya) at talagang sakto lng pambudget bayad bills ganon pag may sobra treat ung bata sa jollibee. so ayon sinabihan ko nlng na hiram nalang sya phone kesa pera hiramin, nanghiram sya kase need nga sa work, wala rin girl puro sira daw ung ibang phone. alam nyo un? naiinis ako pero may karapatan ba ko mainis? hahaha kaya grabe ako magtipid din para mabigay ko den needs nya ayoko maubos ung sahod ng para samen lng. yun lng sharelngHAHAHA