u/Alternative-Leg5913

First time mom

Hello! 3.5 age na si baby. Bf kami ever since, dede on demand. Feeling ko humihina na milk ko, like magdede si baby tapos iinom pa yan sya ng tubig after.

Bear brand pa lang napatry ko sa kanya dati, diluted pa para hindi masyado matamis. In-spit out nya lang 2 lagok lang ininom.

Ano pa bang ibang milk ung pwedeng trial pack lang, maliban sa bear brand and birch tree?

Ngayon nakita ko meron pala ung ready to drink na pedia sure choco flavor 4 pcs lang. Ipapatry ko sa kanya since gusto nya naman ng Moo & Chucky.

Recently lang din kasi nagkaron sya playmate & super laro talaga sila. Di ko sure kung dun sya namamayat or sa kulang sa gatas. Malakas sya kumain ng solid food.

Kapag ba itry na namin yung ready to drink milk, ok lang kaya kahit once a day lang muna yun, para lang hindi biglang tigil sa bf.

reddit.com
u/Alternative-Leg5913 — 5 days ago