u/AlternativeGuess6727

sorry i just need help and release my frustration po

Im so tired maging breadwinner its been 5 years since i financially contributed to my family ,
ever since after i graduated ng shs pinipressure ako ng mother ko magwork and threat me to disown me if wala akong manahap na work hindi pa ako graduating noon and pure online classes since pandemic that time and while studying online job hunting din ako and gladly i found a work naman and since then hindi na nagtatrabaho always ang nanay ko at palagi nalang nakadepende sa sahod ko .
every sahod matic sa kanya mapupunta and sa una okay for me kasi nakakatulong ako kahit papaano pero habang tumatagal bumibigat ang lungkot sa dibdib ko kasi either 1k or 2k lang nakukuha ko sa sahod ko every month and the rest lahat na nasa bills and i’ve been doing it for 4 years , i feel very very depressed this past few years sobrang namayat ako and naging anorexic i keep thinking everyday na habang buhay nalang ba akong ganito ?

and this last june pinilit ako ng nanay kong umutang na naman sa gcash kasi she found an apartment daw na 2 storey and pwede mag tindahan and 10,500 per month and napaisip ako kung kaya ko ba to pero palagi nyang sinasabing kaya namin kasi nagtatrabaho naman ako at ung kinakasama nya may trbaho din pero kahit may trbaho si kuya ako parin nagbabayad lahat lahat kasi meron syang mga anak na sinusuportahan pero ang rebutt ni mama is may tindahan at magtitinda sya pero ang utang nya sa gcash ay paano nya mababayaran kasi almost 5k plus babayarin monthly and wala syang trabaho .
i even tried to ask her about it nga eh perp ang ending iniiyak iyakan nya lang ako na bakit si kuya pinautang ko sa gloan bakit sya hindi .
tinanong ko lang sya kung sure ba sya at paano mababayaran since sobrang mahal ng bahay at malaki ang bayarin monthly ng babayaran nya then iyon lang nirerespond nya .
nakakapagod ang pagiging controller ni mama.

(si kuya kasi on time nagbabayad 5k plus monthly binabayaran nya sa gloan loan ko which is hindi naman problem sakin kasi hindi naman pumapalya )

i even told kay mama na mawawala ung work ko and need ko maghanap ko ng bagong work , so paano nga mabayaran ang bahay at utang monthly na pagkalaki plus utilities bills ? ang pinopoint out nya palagi na that i owe her since kid and blah blah the rest are masasakit na salita so i have no choice is to loan a money for her and SABI nya GAGAWAN DAW NYA NG PARAAN.

moving forward, ung tindahan na ineexpect nya na lalago is after 3 weeks wala na di na nagtinda dahil sa super impulsive nya magdecide and didnt think about sa tindahan na initinatayo nya . maraming competitors sa paligid kasi palengke and sobrang daming sari sari store .

ngayon sobrang struggles sa bayarin ung bahay , utang and other utilities. nakakapag bayad naman si kuya ng bahay pero hindi buo kasi hindi talaga kaya ng kinikita nya since may sinusuportahan sya at may mga utang sya . and i just got recently hired and 3 weeks palang ako sa training and working onsite so everyday pamasahe pa . pagod na pagod na talaga ako i even used my little savings na sana pang college ko para sa natitirang bayarin at lalo na sa utang ni mama . hindi ko makumpleto bayarin ng buo ang utang nya almost 5k ang babayarin nya at grabe ang taas ng penalty kasi delayed and sobra ang anxious ko ngayon everytime na nakikita ko ang numbers of missed calls umaabot ng 99+ dahil sa utang nya na di ko mabayaran ng buo at wala ring trabaho ang nanay ko .
and honestly po im very scared to ask her and tell her na “natatakot ako ma… at tulungan mo ako ma… “ kasi naiisip ko na agad ang mga sasabihin nya , sobrang sakit at lungkot ko ngayon, kasi bakit ang ibang magulang mas pinipiling hindi umaasa sa anak at nagtatrabaho parin kahit matanda na , kasi may katrabaho akong nanay ngayon na kahit may mga anak syang working ,sya nagtatrabaho parin para may pang gastos sa sarili nya at sobrang proud nyang ikwento na naipagtapos nya ng college ang anak….

i tried to ask my mother na magtrabaho sya kahit papaano before ang sagot lang sakin is ako nalang daw muna 😭

ung Tita ko inadvised sya na magsipag sya at tumulong sya pero inaway nya lang at nilait pa ang tita ko 😭 kesyo nakapag abroad ang anak at si tita masarap na buhay nakakapagkorea pero hindi nya naisip at nakita kay tita na kumayod sya para makapagtapos ang pinsan ko at natulungan magabroad ang anak nya… sobrang naiinggit ako sa mga ganitong nanay

fck kasi bakit ako ??? pagod na pagod na ako hanggang kelan akong ganito sa kanila .

ang naisip nya lang is lumipat kami ulit raw doon sa dati naming inuupahan kung saan dalawang kapitbahay nakakakabit ng ilaw at tubig minsan nakiki internet buong pamilya ang kapit bahay!?!tapos pahirapan singilin ??
mas naawa pa ang nanay ko sa kanila kesa sakin. pakonekin ko na daw sila kasi nakakaawa kuno.
paano ako…? 😭 sobrang sobrang nalilito and hindi ko na alam ang gagawin kasi ang palaging ending is yung gusto ng nanay ko . everytime na sinusubukan ko syang kausapin about sa situation namin nagagalit sya at dapat lang daw na tumulong ako dahil nga sya ang nagpalaki sa akin plus may 2 pang kapatid na dapat ko daw na pag aralin….

sorry i just need to vent out , i cant sleep po and iniiyak ko lang ngayon lahat lahat ng tahimik sobrang pagod na ako , god forgive me thinking to take away my life

if you guys are on my situation po what should i do ? magsuggest na lumipat ng ibang bahay (pero wala pa akong sapat na perang paglipat or down at may utang pa na binabayaran )or magstay dito or should i agree sa nanay ko na bumalik doon sa dating inupahan na maraming nakakabit ?

reddit.com