
Account In review for more than 2 days now
Hello reddit people! Want ko lang sana humingi ng help regarding my gotyme. So like nag start ako magbenta ng trending plushies from February to May, then nitong May 7, 2026 lang nagka ganito na yung gotyme ko. Matagal na akong gotyme user since college pa ako and ngayon ko lang 'to na-experience. Ang naiisip ko na reason bakit biglang nag in review yung account is gawa nga nung mga binebenta ko na plushies, kasi syempre may pumapasok na pera sa account ko i guess. So ayun na nga, naka ilang email na ako sa kanila tapos paulit ulit lang replies nila sakin. Nakapag pasa na rin ako sa email twice ng mga requirements kasi ayun 'yung hinihingi nila, like yung 3 valid IDs, selfies with IDs, proof of transactions from my customers, even conversations with them na na-received na nila yung inorder nila from me, proofs na yung pumapasok na pera sakin is 100% legit from my transactions. May mga tanong pa sila dun na sinagot ko rin naman about sa Source of Wealth ko daw kineme so lalo na akong napa isip na, ahh baka nga kasi nagtaka sila sa mga pera na pumapasok sa acc. ko. However, hindi naman nila nirereplyan yung requirements na pinasa ko or wala man lang pasabi kung na-acknowledged ba yung mga requirements na sinend ko. So ayun lang po, baka lang po may maka help sakin, or baka may gotyme ambassador dito by any chance? huhu TYIA! ❤️