Baka may alam kayo dyan na wfh. May 2 years call center exp naman ako both voice and non-voice. Pa refer po sana ako 🥹
Hirap talaga maging housewife tas aasa lang sa lalaki na napakahina ng sense of responsibility. Mababaliw ka na lang sa stress kaka try tumulong sa kanya para di siya mawalan ng trabaho. Kaya sinabi ko sa kanya maghanap na lang ako ng sarili kong trabaho nang sarili ko na lang atupagin ko at di na ko mag-alala sa kanya kasi despite all that help na ginagawa ko para sa kanya, he would still find it offensive pag pinagsabihan ko siya at nag advice ako sa kanya ng mga dapat ginagawa niya bilang disenteng tao na takot mawalan ng source of income... Edi bahala siya! Atupagin ko na lang sarili ko. Pag tuluyan siya nawalan trabaho iwanan ko pa siya, balik ako sa probinsya, at pagod na pagod na ko sa kakaatupag sa pagiging iresponsable niya. Kaya gusto ko sana wfh para kahit papano rin madala ko kahit saan at masamahan ko din mag-aalaga kay baby if ever.
For context, naka wfh din kasi siya now and training nila ngayon. Meron din siyang side business na gustong gusto niya (pero that business can't really fund us well alone) and a lot of times, since di siya marunong mag-manage ng oras niya, or baka wala lang talaga siyang pakialam, eh yung gawain niya sa side business niya kelangan niyang atupagin muna bago trabaho niya. Na ncns na siya nung nakaraan dahil imbes na sabihan niya trainer niya na malelate siya, if pede mag half day siya eh di niya pa sinabihan. Ako na lang nahihiya nakikita na panay chat sa kanya ng mga ka work niya pati TL niya nag email na tas di niya pa rin pinansin. Tapos nagsorry siya at nangako di na mauulit, tapos ngayon ganto nanaman? Wala nanaman siyang pakialam, sabihan manlang niya wala, kaya nabwisit ako, minessage ko siya sinabihan ko maghahanap na ko sarili kong trabaho at atupagin ko na lang sarili ko at pabayaan siya, tutal di rin naman niya naaappreciate yung pagtulong ko sa kanya. Nakakawalang gana sobra mga gantong tao, jusko ako pa kelangan mag manage sa kanya? Hirap maging manager ng mga taong walang pake at wala ring hiya 😑 manage ko na lang sarili kong buhay, mas maging worth it pa stress ko dun.
Nung nakaraan pa ko bwisit na bwisit sa kanya, kaya nga I'm learning na rin onti-onti na pabayaan siya kumilos sa sarili niya at wag na siya masyadong tulungan. A lot of times hinayaan ko siyang magising mag-isa kahit ma-late siya, tas sinabihan pa ko bat di ko daw siya ginising, may phone ka bat di ka mag-alarm, ako pa gagawin mong alarm clock eh kelangan ko rin matulog 🤦🏻♀️ di biro mag-alaga ng batang 1 year old na sobrang kulit at the same time mag multitask ng mga gawain. Pagod na pagod na ko tapos papa manage pa siya sakin? Kaya naman niya sarili niya, iresponsable lang talaga siya at ayaw magkaron ng sistema gusto iasa pa sakin... Yung ibang babae kahit may trabaho asawa nila tinutulungan pa rin sila kahit konti kahit papano sa gawaing bahay, eto namang taong to di na nga natulong (pag trip lang niya which is once in a blue moon), tiga kalat pa, yung tipong kalilinis mo lang madudumihan niya pa kagad. Kapal ng mukha. Ilang beses ko na sinabi sa kanya un na magkaron manlang siya ng appreciation at respeto sa ginagawa ko, I even told him palit na lang kami, siya maging house husband at alaga kay baby, ako magtrabaho, ayaw naman niya. Alam niyang mas mahirap trabaho ko kaysa kanya, mas mahirap sitwasyon ko pero wapakels pa rin siya. Edi wapakels kung wapakels, makahanap lang ako trabaho i echapwera ko na siya. Pagod na pagod na ko magtiis sa kanya.
Sensya na mga mommy grabe lang talaga kasi inis at stress ko today sa kanya, at the same time nananakit pa ulo ko dahil nasira nanaman ang tulog ko dahil si baby pa iba iba ng oras ng tulog. Sana may maka recommend sakin ng pwede applayan, maraming salamat!