u/Amy_Tough_Love

Help me mga mima

Mga inay, may genuine question ako eh.

Dumarating ba kayo sa point na naiisip nyo baka kaya ikaw yung piniling pakasalan kasi no choice na at ikaw yung pinakamadaling nakuha? At nagstay na sya sayo put of convenience? Alam nyo yun, yung wala talaga yung pagmamahal na akala mo andon?

Lately kasi ganon nafifeel ko eh. Mabait naman husband ko. Pero siguro naghahanapan kami ng mga bagay na wala sa isa't isa kaya nahihirapan kami. 7 years na kaming kasal, may 6 years old na anak. Pero wala ako makitang pagsusumikap sa kanya. Di sa wala syang ambition. Parang wala syang drive para mabigyan kami ng pinangako nyang buhay sakin.

Napapagod na kasi ako. Maghapon ako sa work, expected ba na ako pa lahat? Tumutulong naman sya, di naman nya ko pinag iisa sa mga gawain pero dapat kapag may gagawin sya, kikilos din ako. Kagaya nyan, wala ako sa bahay maghapon, nasa work, sya WFH, dahil wala mapag iiwanan sa anak namin. Sinabay nya ang paglalaba.

Nakatulog ako pag uwi, ngayon pakiramdam ko I'm walking on egg shells kasi iba iritable nya. Paggising ko ang salita agad narinig ko sabi nya sa anak namin kasi past 7pm na, "wag mong gigisingin yan!" Kaya nagulat ako. Nakita nya na gising na ko, ang sabi sakin, "dumiskarte ka na ng uulamin natin" (niluto ko yung karne na kinuha namin kahapon)

Nagluto ako agad. Naghain, pagkakain nya di pa kami yari ng anak nya lumabas na sya para magvape. Maya maya nagsabi pupunta raw sya sa bahay ng Mama nya para magpakain ng hayop.

Pag uwi nagpapatimplang kape, habang nagpapainit ng tubig naupo muna ko, tas nagtimpla sya ng kape nya, sabay sabi na "ako rin pala magtitimpla" tas pumasok ng banyo, binalibag pinto.

Lumabas ako, naglakad lakad, ni minsan di man lang ako tinanong nasan ako, san ako pupunta. Hinahayaan lang nya ako be it madaling araw o disoras ng gabi.

Kaya sometimes feel ko di ako mahal.

reddit.com
u/Amy_Tough_Love — 22 hours ago

Mga inay

Mga mami,

Nakaka overwhelm pala maging adult ne. Hehe ang daming nangyayari, tas di sya sunod sunod, sabay sabay sya.

Nawalan ako ng mama almost 2 years ago. Liver cancer. Nung nabubuhay pa sya, mahilig sya tumulong sa ibang tao. Mabait na tao si Mama, kahit wala na matira para sa kanya basta makatulong sya. Nagpapautang sya, there is this one person, na malapit sa kanya. Tinulungan nya tapos nagtago for years. Nito na lang lumitaw ulit.

May ari sila ng babuyan sa palengke, nung mapapadaan Papa ko ron, bigla sya sinabihan na magbabayad daw sya sa mga naging utang nya sa Mama. Pero karne, hindi raw kasi nya kaya magbayad ng pera.

Alam nyo ba, ilang beses na, pag sobrang miss ko si Mama, sa prayer ko, nakikiusap ako sa Lord na kung kasama nya si Mama, makisabi na mahal na mahal ko sya, gusto ko na sya makasama at pasensya na sa mga katangahan na ginawa ko. Recently, sobrang gipit na gipit kami, as in, zero balance talaga. Thay same week mangyayari nga na bibigyan daw kami ng karne pambayad.

Kanina kumuha ako, habang nasa tricycle namin, umiiyak ako, naiisip ko kahit wala na si Mama rito sa mundong ibabaw, tinutulungan nya pa rin kami.

Dun ko napatunayan na mahal ako ni Mama.

Ang hirap pala walang Mama.

reddit.com
u/Amy_Tough_Love — 2 days ago