My mom has ₱2M credit card debt
My mom has ₱2M credit card debt and ngayon parang ako na sumasalo. Hindi ko na alam mararamdaman ko.
Hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko or napupuno lang talaga ako kaya gusto ko ilabas dito.
ICU nurse ako sa isang private hospital sa Cavite. Sweldo ko nasa around ₱20–25k per month. Months ago sinabi ng mom ko sa amin na may around ₱2M siyang utang sa credit card.
Ang explanation niya, napunta raw sa investment niya sa coop sa work nila. Nagkaproblema raw at yung hinulog nila parang wala nang mababawi. Pero hindi ko alam, ang hirap paniwalaan nang buo.
Hindi kami mayaman. Hindi rin kami maluho. Apat lang kami sa bahay: ako, mom ko, younger sibling kong incoming Grade 8, at lola ko.
For context:
-Mom earns around ₱60k every payday
-Groceries namin around ₱20k max/month, tapos tumutulong pa ako dito
-Utilities around ₱6–8k
-May paupahan pa kami na nagbibigay ng around ₱7k total/month
-Hindi kami pala-travel
-Hindi rin kami mahilig sa branded
-Mga gamit ko mostly installment ko mismo binayaran
-Yung laptop ng kapatid ko, luma ko pa na regalo ng lola ko noon
-Yung motor na gamit ko ngayon around ₱160k, pero kalahati pa nun galing sa lola ko
Kaya hindi ko maiwasang isipin:
Saan napunta yung ₱2M?
Kasi wala namang nag-materialize. Yung bahay namin ganon pa rin. Wala namang biglang negosyo. Wala namang bagong kotse. Wala namang lifestyle na mapapa-"ah kaya pala."
Ang masakit pa, minsan sinasabi niya na umabot raw sa ganitong kalaki yung utang dahil sa "luho naming pamilya."
Anong luho?
Hindi nga kami updated sa gadgets. Hindi kami bili nang bili ng branded. Shopee nga halos buhay namin. Hindi rin kami sobrang palabas o gastador.
Noong una okay pa sakin tumulong. Nakiusap siya na tumulong ako sa bills. Sabi ko okay, family naman.
Pero habang tumatagal parang naging obligasyon na siya.
Ngayon nagagalit na siya kapag hindi ako nakakapagbigay on time. Ako yung pinapasalo sa around ₱6–8k monthly bills.
Para sa iba baka maliit lang yun, pero sa sweldo kong ₱20–25k, sobrang ramdam ko yun. Parang dalawang linggo kong pinapasok yung napupunta dun. Minsan pakiramdam ko wala nang natitira para sakin.
Ang mas mabigat, hindi ko naman problema to originally.
Hindi ako yung nagdesisyon mag-invest sa isang bagay na hindi regulated at walang kasiguraduhan. Hindi rin namin alam na ginagawa niya pala yun. Binenta pa raw niya stocks niya sa PSEI para dun kasi malaki raw ang return.
Ngayon pine-pressure din niya ako sa NCLEX para makapag-abroad agad. Na-process ko naman halos lahat at nagrereview na ako, pero hirap na hirap akong i-sustain yung review subscriptions dahil sa budget.
Minsan pumapasok na rin sa isip ko:
May iba pa bang pinagkakagastusan? May ibang binubuhay ba siya? May iba pa bang nangyari na hindi namin alam?
Hindi ko gusto isipin yun tungkol sa sarili kong nanay, pero hindi ko talaga mapagdugtong-dugtong yung numbers.
Ngayon gusto pa niyang ibenta yung bahay namin for ₱3.5M, pambayad sa ₱2M debt, tapos yung matitira ipapagawa raw ng bahay.
Hindi ko alam kung ako lang pero parang natatakot ako sa plano.
Mahal ko mom ko at gusto ko tumulong, pero pagod na pagod na ako sa pakiramdam na parang unti-unti akong nagiging taga-salo ng mga desisyong hindi naman ako ang gumawa.