u/Annual_Block_4551

One missing word in SB19's WAKAS changed how I heard the song

Filipino in the diaspora here. WAKAS rekindled my appreciation for OPM, and one tiny change in the lyrics sent me down a rabbit hole:

Kung lahat may hangganAng lahat may hanggan

Nawala yung kung. Possibility becomes certainty.

Ayun, I started looking at the song through the five stages of grief (health care provider yarn!), pero the emotions don't move neatly from one stage to another — they seem to come in waves.

Ayun, napunta sa iba-ibang rabbit hole. Discovered CapCut **(**dahil late bloomer si ate 😂) at nakagawa ng lyrical video analysis nang wala sa oras haha. First time making anything like this, so may technical casualties along the way. CapCut also started holding features for ransom halfway through.

I'll leave the link in the comments if allowed.

Curious lang: did anyone else notice the kung → ang shift, or interpret the grief arc differently?

reddit.com
u/Annual_Block_4551 — 3 days ago

Ealamania: Non-tennis reflections as a Filipino in the diaspora seen thru Norwegian precision and compartmentalization

As the title suggests, I am writing down my reflections about the recent and loud buzz regarding Alex Eala's rise to fame and the surrounding noise it creates. Literally.

Disclaimers:

  1. Not specific to tennis, or to any specific sport

  2. Not condoning bad behaviour done by some kababayans

  3. No degree in psychology og sociology

Again, I'll say it one more time-- I do not encourage bad behaviour done by some kababayans when they're out in public spaces (including digital space). Gusto ko lang talaga maintindihan kung bakit ganyan ang ugali nila sa tinagal tagal na nilang paninirahan sa labas ng bansa. Ito ay aking personal na opinion base sa mga interactions ko sa mga kapwa Pilipino at sa ugali ng mga kababayan na nakikita ko sa internet.

ANYTHING GOES MENTALITY

Sa Pilipinas, halos foreign concept ang specifity sa pang-araw araw na buhay ng Pilipino. Take washing laundry, for example. Sa Pilipinas ang technique ay banlaw, sabon, kuskos, banlaw, fabric conditioner, sampay sa araw. Done.

Kompara dito sa Norway o sa mga bansang may four seasons ang paglalaba ay maikokompara sa isang military operation haha. Aalamin mo at rerespetuhin mo ang materyales ng damit mo kasi you'll learn the hard way kung gagamitin ang Pinoy teknik haha.

May sariling detergent sa wool, silk, down, sporting gear, colored fabrics, whites. May specific washing, drying, folding technique. Kailangan mabusisi lalo na down or wool materials kasi mahal pa naman ang mga yan tapos mag-shrink lang. Needless to say may sariling settings yan sila sa washing machine. Hindi ka rin basta basta gagamit ng bleach. Sa paglalaba sa mga microfiber na basahan no-no ang fabric conditioner kasi masisira ang kanyang absorbency function. Kahit basahan/trapo "lang" yan, rerespetuhin mo ang washing requirements haha.

KAPWA SENSIBILITY

Pinalaki tayo na aalagaan natin hindi lang ang ating pamilya, pati na rin ang mga communities natin. Kaya cinecelebrate natin ang mga accomplishments na nagawa ng ating mga kababayan sa international stage.

INTEGRATION VS PRESERVING CULTURE

Puzzle pa rin sa akin na marami sa ating mga kababayan na nagtratrabaho sa healthcare sector, IT, at iba pang mga niche specialties pero dinedepensa pa rin ang heckling behaviour na para bang sila ay nanonood ng basketball sa barangay. I would expect na mag-spill over ang specificity o compartmentalization lalo na kung ginagamit nila ang skill na yan sa trabaho nila every waking day of their life.

Gusto ko talagang intindihin na bakit dala dala pa rin ang ingay sa mga lugar at okasyon na nangangailangan ng silence o restraint. Nagsisimba naman ang marami dyan, kaya naman nilang hindi gagawa ng ingay sa simbahan, bakit hindi sa tennis o public transport?

Sa mga trabaho nila may mga guidelines na susundin, masunurin naman karamihan dyan. Bakit hindi ito naaaply sa ibang larangan outside of work? At bakit nagtatago under the guise of "this is our culture, deal with it!"??

This is just me with my Sunday muni-muni..

reddit.com
u/Annual_Block_4551 — 11 days ago