u/Annual_Primary1366

FML! Bilis ko mag relapse.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob mag share tungkol dito kasi sobrang nahihiya na ako sa sarili ko at sa mga tao sa paligid ko.

Nag start ako mag online casino around May 2025, mostly sa Casino Plus at Bingo Plus. Nung una harmless lang talaga siya sakin. Mga 200–500 deposits per week lang, trip trip after work. Ang hirap explain pero sobrang euphoric nung feeling pag nananalo ka kahit maliit lang. Dun yata nagsimula lahat.

Habang tumatagal, lumalaki na nang lumalaki bets ko. Umabot sa point na around 20k na talo ko, tapos everytime na maaalala ko yun, parang gusto ko agad bawian. Dun na nagsimula yung cycle na “last game na to” hanggang sa di mo na namamalayan, ubos nanaman pera mo.

Umabot ako sa point na nag salary advance ako ng 50k para lang may panglaro. Sa una nanalo ako kaya naging 100k pera ko. Akala ko okay na, parang feeling ko kaya ko kontrolin. Bumili pa ako ng 2 tablets para sakin at partner ko, eyeglasses, kung ano ano. Tapos bumalik ako sa laro “pang dagdag lang sana.” Hanggang sa naging 50k nalang ulit pera ko.

After nun, dire diretso na. Naubos yung 50k, tapos umutang ulit ako ng another 50k sa tita ko. Okay pa nung una, nakakabayad pa kahit papano, pero nag relapse nanaman ako. Naglaro ulit hanggang naging 80k yung hawak ko. Bumili pa ako ng Steam Deck kasi feeling ko deserve ko naman after “panalo.” Kaso ilang days lang, natalo rin lahat.

Umabot sa point na binenta ko tablet ko at Steam Deck para lang may panglaro ulit. Halos di na ako kumakain sa work dati, pamasahe nalang tinitira ko sa sahod kasi lahat napupunta sa sugal.

Na-terminate ako sa work nung February. Ngayon lang ulit nagka work.

Yung previous salary advance ko nasa collections na. Yung utang ko sa tita ko di ko rin mahulugan. Tapos pinaka masakit siguro, binigyan ako ng dad ko ng 10k allowance kasi next month pa sahod ko sa bagong work. Sabi ko sa sarili ko di ko gagalawin sa sugal.

Nag relapse ako kanina. 150 pesos nalang natira.

All in all nasa around 100k+ utang ko ngayon. May bank loans, family loans, di na ako nakapag enroll sa school, tapos parang araw araw nalang ako kinakain ng guilt at anxiety. Di ko na alam pano ako nakarating dito honestly. Gusto ko lang ilabas kasi wala akong masabihan.

reddit.com
u/Annual_Primary1366 — 4 days ago