u/AnonHera

HL Account in arrears

HL Account in arrears

For context: https://www.reddit.com/r/PagIBIGHousing/s/h7M90elxKx

Image included is the letter I received today.

Ask ko lang sana if ano ba talaga ang process para mapasa for remediation kay Pagibig yung housing loan namin? Kakapadala lang ulit ng CA ng demand letter samin today (note: letter is dated Mar 27 2026), then as per their process, may nakausap ako na tagaCA.

Sya din yung nakausap ko last time na ininform ko about sa naging pagpunta ko ng Pagibig office nung Mar 30 (i remember the date kasi same date sya ng recognition ng anak ko). Frustrating for me yung naging usap namin that time kasi kahit alam na nilang nakipagusap na ko kay Pagibig, ayaw padin nilang magbigay ng ibang option bukod sa full repayment. So nagrequest ako ng endorsement slip para mairekta ko na kay Pagibig ang pag aayos ng papers namin, to which she said na kelangan pa ng approval ng atty nila.

Sa usap namin ngayon, mukhang nakalimutan nyang sya din yung kausap ko last time kasi tinatanong nya kung sino nakausap ko. Nung sinabi kong sya din, even confirmed her name, biglang liko sya na sino daw ba nakausap ko sa Pagibig. Then ang next na sabi nya nagsubmit na daw ba ako ng requirements for loan restricturing. Pano ko magssubmit kung di pa pwedeng galawin ni Pagibig yung acct ko dahil nakay CA pa ang kontrata kaya nga nagrerequest kami ng endorsement slip. I even reminded her of everything na sinabi nya nung nagusap kami last time which is wala silang ibang option na gustong ibigay kundi full repayment lang.

Tas sabi pa nya ano daw ba yung endorsement slip na sinasabi ko. Kasi ang alam daw nyang binibigay nila sa "clients" nila o ni Pagibig is referral slip. Sa isip ko napa-huh? nalang ako. Kasi anong pinagkaiba?? Kaya sabi ko nalang babalik nalang ako sa office ni Pagibig para makipag usap, then sabi nya sa Pampanga ako pumunta. Kelangan ba talagang sa Pampanga pa? Eh nung pumunta ako sa branch na pinakamalapit dito samin, tinawagan din naman nila yung Pampanga office nila para itanong yung pwedeng gawin sa acct ko. Kaya nga yung advise nung nasa Pagibig office dito is galing din sa office nila sa Pampanga.

Ano ba talaga yung process? Kelangan ko ba talaga pumunta ng Pampanga?

u/AnonHera — 12 days ago