u/Apart-Leave-3562

Mga kantang di na makakarating sayo

Dami ko nang narecord na songs dito oh.

Ngayon tambak na lang sila sa gallery ko. Mga kanta na dapat para sayo sana. Nandito lang silang lahat. Naka-save. Naka-tengga. Parang ako. Hahaha.

Naalala ko lang bigla yung time na unang beses kang nagrequest ng song sakin. Sobrang hesitant akong isend yun kasi for my ears only lang talaga yun dapat. Hahaha. Hindi rin naman ako noon ganun kaconfident sa boses ko kaya nahihiya akong may ibang makarinig. Pero ayun, natiis mo naman at tingin ko naman ayos pa rin ang pandinig mo hanggang ngayon. Hahaha. Ngayon mas naging confident na ko sa boses ko, mainly because of you. Haha.

Hayyy. Ano nang gagawin ko sa mga to? Burahin ko na lang siguro. Pambawas storage space at emotional baggage din. Feeling ko kasi hangga’t nandirito tong mga to di ako makakausad eh. Para sayo kasi sana sila hahaha.

reddit.com
u/Apart-Leave-3562 — 1 day ago