Calapan pier to cubao

Magandang araw po!

Ask ko lang po sana kung paano ang proseso ng cutting trip mula Calapan papuntang Cubao, dahil first time ko lang po itong gagawin at medyo nalilito pa po.

Possible po na umalis ako ng Calapan bandang 9:00 PM hanggang 12:00 AM, kaya gusto ko rin pong malaman kung may available pa pong masasakyan sa mga oras na iyon.

May mga tanong lang po sana ako:

  1. Mula po sa XentroMall Calapan papuntang Calapan Pier, may masasakyan pa po ba sa ganung oras? May mga bus o ibang pampasaherong sasakyan po ba na dumadaan o nagsasakay doon?

  2. Ano po ang buong proseso ng cutting trip mula Calapan Pier hanggang Batangas Port?

  3. Pagdating ko po sa Batangas Port, saan po ako sasakay papuntang Cubao?

Pasensya na po kung hanggang cutting trip lang po ang alam kong option. Hindi ko rin po kasi alam kung paano o saan nagbu-book ng direct bus dito sa Calapan. Kung may alam po kayong paraan o maaari ninyo po akong turuan, malaking tulong po iyon.

Maraming salamat po sa sasagot at sa anumang tips o payo na maibibigay ninyo. Malaking tulong po ito sa akin. Ingat po at God bless!

reddit.com
u/Aqua_tan — 1 day ago

BSIT Transferee Asking for Insights on Specializations (NU-M vs WCC)

WCC - CUBAO or NU-M?

Hi! I’m planning to transfer next semester as a BSIT student, and magiging 2nd year na ako. I’m currently exploring schools and specializations na pwede kong pasukan. So far, I’ve checked National University – Manila, which offers BSIT with specializations in Mobile & Web Applications and Multimedia Arts Applications. I also looked into World Citi Colleges, which offers BSIT major in Cybersecurity. I’m particularly interested sa Cybersecurity, pero I still want to understand kung paano yung curriculum, workload, and overall experience sa mga programs na ‘to—especially for transferees. If anyone here has experience or knowledge about these programs (or similar ones), I’d really appreciate your insights tungkol sa: Gaano kadali or kahirap mag-adjust as a transferee,Teaching quality, and workload, Skills na natutunan niyo sa program,Possible challenges na dapat i-expect. Thank you so much in advance! 🙏

reddit.com
u/Aqua_tan — 1 month ago