u/Aromatic_Baker3107

Need your insights po 😭

Hello po sa lahat, sana po walang mang-judge sa akin dito. Gusto ko lang po sana humingi ng payo o kahit enlightenment kasi sobrang anxious ko po talaga nitong mga nakaraang araw habang iniisip ko yung future ko.

I’m a fresh LPT po, BSEd-Math Cum Laude mula sa isang top university sa Eastern Visayas. Nahihirapan po kasi talaga akong magdesisyon ngayon kung anong option ang pipiliin ko.

Option A: Mag-full time Master's sa malayo at mag-apply sa DOST scholarship. Kaya lang, nag-aalangan din po ako kasi bukod sa malayo sa pamilya, parang maliit lang din yung na-qualify o nakukuha rito (stipend/slots) kung ikukumpara sa taas ng gastusin ngayon.

Option B: Magtrabaho muna sa isang private school dito malapit sa amin habang nag-aaral ng Master's sa malapit na university.

Option C: BPO

May nag-advise din po kasi sa akin na teacher na mag-try daw akong mag-ranking sa DepEd next year, kaya balak ko rin po talaga sanang subukan. Kaya lang, talagang naguguluhan ako kung ano ba ang dapat kong unahin, lalo na't alam kong ang hirap talaga makapasok sa mga public school.

May mga nakaranas ba rito ng ganitong sitwasyon? Ano po kaya ang mas magandang simulan para sa isang fresh grad na katulad ko? Maraming salamat po sa makakapagbigay ng insights. 😭❤️

reddit.com
u/Aromatic_Baker3107 — 2 days ago