u/Ashamed-Mess3225

I am such a disgrace to everyone

Problem/Goal: Please I really need help/advice. I’m struggling financially and emotionally dahil kumalat sa maraming tao yung unpaid debt ko, causing public humiliation, fear, and pressure kahit unti-unti ko naman itong binabayaran.

Context: Nitong nakaraang araw may miu na pumunta sa bahay para kausapin ako. Sobrang naguguluhan ako nung una kung ano bang pakay nila sakin. Yun pala kinausap sila ng magulang ng kaibigan ko para puntahan ako. Nagsumbong daw kaibigan ko sa magulang nya na may "position" na hindi ako nagbabayad at unresponsive daw ako sa kanya. Nagtaka ako, kasi we were bestfriends and we never lost communication.

Minessage ako ng kapatid ko, galit na galit at hindi na raw ba ako nahihiya sa ginagawa ko. Nagtaka ako kung ano ba yon? Nagsend sya ng picture at, minemessage na pala sya at halos buong angkan namin na kesyo utangera daw ako at tinakasan ko daw sya. Pati mga kaibigan ng kuya ko at ibang kaapelyido lang namin ay nakatanggap na rin ng message at minemessage na rin ako tungkol dito. Mabilis na kumalat sa lugar namin at sobrang kahihiyan na rin ang inabot ko.

Natakot ako. Kahit anong paliwanag ko, hindi nila ako paniwalaan. I never really ghosted my bestfriend, not even once. Palagi kaming magkausap. I ask her bakit ganon, ang sagot lang nya hindi nya rin inexpect na ganito ang mangyayari.

Previous attempt: Every month kahit kaunting halaga ay hinuhulugan ko ito galing sa pagpapart-time ko. From 10k ay 4.5k na lang ito. Ginamit ko ito noong naadmit ako ng ilang araw sa hospital. Kaya lang sa ngayon ay nawalan ako ng part time job. Ang kaunting pera na naitabi ko ay ginamit ko na rin sa pag alis alis, para makahanap ng full time job.

Ngayon, natatakot akong baka bukas mayroon na namang threat, na baka bukas may bumisita na ulit sa bahay, na baka bukas may panibagong kahihiyan na naman.

reddit.com
u/Ashamed-Mess3225 — 8 days ago
▲ 252 r/adviceph

Problem/Goal: I've been thinking about this for days. Hindi ako ganito, and this is not who I am. Some of you might wonder why this is a new account. I made one out of fear. Someone is threatening me, and my conscience is eating me alive. I just want to escape this situation. I regret everything. Tell me what should I do. I really need help. Hindi ko na kaya.

Context: ilang buwan na akong nagtitiis, doing everything I can just to survive. Lahat ng ginawa ko, marangal at malinis. Until one day, may nag-message sa akin asking if I was still looking for a job. I said yes immediately. He told me he would send me 1,000 in exchange for a photo of my face. Believe it or not, pumayag ako kasi akala ko hanggang doon lang. I really needed the money at that time. He said he just wanted to help no harm, no other requests. Gusto lang daw niyang makita yung mukha ng taong tutulungan niya. We kept talking after that because I felt like I owed him something. Ayokong isipin niya na after niya akong tulungan, wala akong utang na loob. But after a few days, he started asking for more, like pictures of my legs and me wearing a bra. Doon ko na narealize na may mali at creep siya. I didn’t reply at first, pero kung anu-ano na ang sinabi niya. Hindi ko na rin maibalik yung pera kasi nagamit ko na pambili ng pagkain at pambayad ng bills. Natakot ako na baka ipost niya ako as a scammer, so I ended up doing what he asked. Now I want to block him, pero kahit ilang minuto lang akong hindi makareply, kung ano ano na agad ang sinasabi niya. I’m really scared. Gusto ko nang makawala sa kanya. Akala ko genuine yung intention niya to help, but it turned out like this. Natatakot ako na baka kapag binlock ko siya or tuluyan ko siyang hindi replyan, ikalat niya yung muka ko at other pictures na sinend ko sa kanya.

reddit.com
u/Ashamed-Mess3225 — 15 days ago