u/AshamedFox9761

▲ 3 r/taxPH

ESL tutor needing tax related advice

Hello sana po may makapag bigay ng insights nila dito sa case ko.

Bali nagstart ako as an ESL tutor this month sa isang ESL company. Yung company required na mag withhold ng 10% ng fee ko so kailangan ko mag pagawa ng TIN ID or kung di naman ako makapag bigay ng TIN still idededuct pa din nila yung 10% tapos iremit sa BIR under my name.

Ang question ko po is kapag magpagawa ako ng TIN tapos iunder doon yung 10% ko na tax na hindi ako BIR register, magkaka problema ba ako in the future? Kasi diba may record na ako ng tax na binayaran ng ESL company pero di ako registered(di naman sa di ko gustong mag register kaya lang di naman malaki ang kita as a tutor so baka di ako magtagal dito at maghanap din ng regular job so di worth it yung registration).

Also, kung di rin ako mag submit ng TIN pero naka under pa din sa pangalan ko yung tax withheld, magkaka problema po ba ko in the future?

Maraming salamat po sa makakasagot!

reddit.com
u/AshamedFox9761 — 6 days ago