u/Ask_Me_Anything88

Good riddance nga ba?

Ever since naalis ako sa INC, I have been hearing news about the church but not very good ones. Sa totoo lang ha, puro negatives. Maraming mwa/ministers dito sa amin na naaalis sa karapatan o pinapatapon sa malayong destino dahil may mga kaso. Marami din mga kapatid na naglay low na at hindi na ganoon kasigla ang mga lokal. Nag-bnh ang mama ko last week at naging comment nya na wala halos mga nagpicture taking na mga kapatid di gaya noon na talagang palong-palo ang mga artista sa photoshoot hahaha, kidding aside. Wala rin daw nung banner kinime or decorations/booth kung san pwde magphoto shoot ang mga kapatid. Tahimik na at di na matunog ang mga youths. Minsan napapatanong ako, is this a sign of a good riddance on my part na ever since umalis ako hindi na rin naging maganda ang reputation ng church? I mean, I am not the only one talking here. We can see it in the news and other people talk about it (specially the political issues kung saan palagi nadadawit ang INC). Nakakaawa lang ang mga nasa loob pa na until now are trapped at believer pa rin. Pero laking pasalamat ko na I'm out of the church. Mind you, hindi po kami sinumpa ng Diyos. Life is still the same, if not, has been waaaaay better.

reddit.com
u/Ask_Me_Anything88 — 4 days ago

Though he is on process. He is sometimes opening up to me and sharing his thoughts that he also has observed the things that he thinks is inappropriate and the signs that the church is not as righteous as what he thought it is. But, he said he still wants to do pagbabalik-loob since this is the only church that he knew all his life and he is trying to imply that he has no other choice.

Me, as a wife, I am not submissive to my husband. Got my own job, my own money, independent, BUT, I value our marriage the most. I always see to it that I support him to be a leader of our home and for the sake of our family. I said I am willing to go with his decision. Not because I want to. But because I respect him and most importantly - to spare my daughter. It is a done deal. I will follow but they (he and his owe family) have to leave my daughter alone. She will not be dedicated. She won't follow us into it. I am willing to take the sacrifice for the sake of my daughter's freedom.

Any advice for me? Or is it really wrong for me to take the shot for my child's sake? I will definitely do anything for her. Even if it will cost my own peace.

reddit.com
u/Ask_Me_Anything88 — 17 days ago

Fiesta dito sa barangay namin, may mga celebrations masaya ang bawat bahay at mga tao. Pero ang bahay namin sobrang tahimik walang kabuhay-buhay at malungkot lahat mabigat sa pakiramdam. Hindi ito tungkol sa fiesta. Ex member na ako ng INC pero lumaki ako sa INC household at hanggang ngayon OWE pa rin sina mama at mga kapatid ko. Growing up inside the church maraming bawal. Sige okay lang yun. Ang masakit lagi tayong tinuruan na iwasan ang pakikisalamuha sa mga taga sanlibutan o hindi kapananampalataya dahil baka maakay nila tayo sa maling paniniwala. Hindi ito tungkol sa fiesta dito sa amin. Tungkol ito sa kung paanong wala kami halos mga kaibigan kakilala kaclose na mga kaedad namin o mga kabataan. Habang ang ibang kabataan ay masayang nkikipagkapwa tao at nag eexplore, aktibo sila sa mga activity ng barangay o iba pang programa sa labas, kami/ako wala halos kaibigan. Dahil bilang lang sa daliri ang iglesia na pamilya dito sa barangay namin kaya wala din halos kakilala. We have been shut out from the rest of the world. Dahil bawal makihalubilo sa hindi naman kapananampalataya kasi baka maimpluwensyahan daw. Kahit wala na ako sa iglesia pero dala ko parin yung lungkot na wala akong kaibigan.wala akong halos nakakasama. Kaya ngaun habang masaya ang paligid namin at nkikita ko mga kaedad ko na magaling sila makisalamuha sa iba at magaling sila sa social skills, ang bahay namin madilim tahimik at walang buhay. Hindi ito tungkol sa fiesta. Tungkol ito sa buhay na pinagkait nyo sa mga members nyo, yung simpleng pakikipagkapwa tao dahil kamo di naman sila maliligtas. Nakakagalit ang pagmamanipula nyo sa mga members nyo.. hanggang ngayon dala namin at mamamatay na siguro kaming mag-isa at malungkot. Wag nyo kong simulan sa hindi ka mag-isa at hindi kalugihan sa atin dahil may gantimpalang naghihintay. Magsitigil kayo!!

reddit.com
u/Ask_Me_Anything88 — 23 days ago