▲ 2 r/PHGov
Nakakainis lang. Kailangan na kailangan na namin ang death claim ng mga magulang ko kasi isang taon na mula noong pumanaw ang nanay ko (si tatay ang unang pumanaw tas sumunod si nanay) tas pinapahanap pa samin ang mga magulang ng lolo't lola namin, both side. Ang malala, wala sa data ng PSA ang mga kailangan namin kasi nga bali-balita na nasunog ang munisipyo kung saan nakatira ang lolo't lola namin sa tuhod dahil daw sa gyera. So paano namin malalaman ang mga detalye na kailangan namin? Ano ayaw niyo nalang ibigay sa amin? Hindi pa ba sapat na hanggang kila lolo at lola lang tas nandito naman kami buhay pa? Ano, ipagdadamot niyo nalang? Nakakainis ha, nakakailang balik na kami sa inyo, wala man lang alternatibo.
u/Automatic_Bison7011 — 16 days ago