u/BatanganAlaeh

Rant: Boluntaryo ang Bigay, Hindi Pwersahan sa SM Batangas City

Rant: Boluntaryo ang Bigay, Hindi Pwersahan sa SM Batangas City

https://preview.redd.it/dgg568z4ejth1.png?width=415&format=png&auto=webp&s=4bb2ce23e05ea0dc0dfc28b6fa813e2883732843

Heto po ang rant ko, nagpa-picture ang kaibigan ko sa mascot na panda, at naglagay naman kami sa donation box ng panda. Pagkatapos noon, ikaw ang kusang lumapit sa akin itong mascot na bear hindi ko naman ikaw inaya. Wala akong planong magpa-picture, pero hinayaan ko na rin, kasi nakakatuwa naman talaga.

Ang nakakataranta laang eh, dinabugan mo pa ako ng iyong mahiwagang donation box. Para tuloy may kasalanan ako kapag hindi ako naghulog samantalang ikaw mismo ang lumapit sa akin.

Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo: hindi minimum wage o regular ang kita niyo riyan, at umaasa kayo sa boluntaryong bigay ng mga bukas palad. Kaya ko rin naman ikaw abutan wala lang akong balak. Pero sana naman, huwag kang magdabog. ikaw ang lumapit sa akin, hindi ako. Kaya hindi patas na parang obligado akong maghulog.

Sa totoo lang, mas may dangal pa ang mga pulubi sa labas o un mga nag aabot ng sobre sa jeep, hihingi sila nang mahinahon, at hindi ka nila pipilitin. Ang pagsuot ng mascot para maging kagiliw giliw ay hindi lisensya para magdabog kapag hindi naabutan ng salapi. Huwag na huwag magkakaroon ng paligsahan kung sino ang may malaking na ipon sa box, saka dapat hiwalay kayo ng area huwag magsama, para fair naman din sa ka partner mong mascot. Un lang po ang rant ko salamat po.

reddit.com
u/BatanganAlaeh — 10 days ago
▲ 418 r/Batangas+1 crossposts

The NBI will officially file qualified trafficking charges against Leandro Leviste and 6 other individuals for their alleged involvement in the honeytrap plot against Ralph Recto

u/BatanganAlaeh — 1 month ago

Hinaing ng isang citizen sa Batangas City

permission to post admin

Ano na, Batangas City?

Oo, malaking tulong ang EBD Card at malaking benepisyo ito para sa mga tao. Pero bakit kailangang pahirapan pa ang proseso, lalo na sa mga pasyenteng palabas na ng ospital?

Dati, kapag magdi-discharge na ang pasyente, sa ospital na rin mismo inaasikaso at nasisettle ang proseso. Ngayon, ang dami nang kailangang puntahan at balikan:

Interview sa hospital

Punta sa XentroMall para sa endorsement letter

Punta sa Kapitolyo para sa panibagong interview

Pila nang matagal

Balik ulit sa hospital

Balik na naman sa Kapitolyo

At babalik pa ulit sa hospital para ma-settle.

Bakit kailangang maging ganito kahaba at kakomplikado ang proseso?

Isipin ninyo ang mga pasyenteng kakalabas lang ng hospital pagod, may sakit, at minsan ang kasama ay matanda na silang mag aayos ng papel at mag papa uli uli ?

Malaking tulong ang EBD Card, oo. Pero sana naman, kasabay ng magandang benepisyo ay gawing mas simple, mabilis at accessible din ang proseso.

Hindi lahat ng tao may sasakyan, may pera para sa pamasahe, o may lakas para pabalik-balik sa hospital, XentroMall at Kapitolyo.

Ano na, Batangas City?

Sana maibalik na lang ang dating sistema na sa hospital na mismo inaasikaso at sinesettle ang EBD, para hindi na pahirapan ang mga pasyente at kanilang pamilya.

Ang tulong ay dapat nakakagaan, hindi dagdag-pahirap.

#BantayTrapikoBatangasCity

reddit.com
u/BatanganAlaeh — 1 month ago

Mahigit 2.5 Milyong Turista, Bumisita Sa Batangas City Noong 2025

Mahigit 2.5 milyong turista ang bumisita sa Lungsod ng Batangas noong 2025, ayon sa ulat ng Batangas City Tourism Office sa isinagawang 2nd City Tourism Council Meeting noong Agosto 28.

Batay sa ulat, 81.91% ang itinaas ng tourist arrivals sa lungsod kumpara noong 2024. Dahil dito, panglima ang Batangas City sa mga lungsod, bayan at lalawigan sa Batangas na nagtala ng pinakamataas na bilang ng tourist arrivals.

Ayon pa sa Tourism Office, naging positibo ang karanasan ng mga turista sa lungsod, kabilang ang kanilang mainit na pagtanggap at pakikitungo ng mga Batangueño.

Pinangunahan ni City Tourism Council Chairperson Mayor Marvey Mariño ang pagpupulong, kung saan ibinahagi niya ang mga plano at inisyatiba ng pamahalaang lungsod upang higit pang mapaunlad ang turismo, mapalago ang lokal na ekonomiya, at mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga maliliit na negosyante.

Ibinahagi rin ni mayor ang mga nakalinyang aktibidad na maaaring abangan at tangkilikin ng mga turista, kabilang ang Halloween Celebration sa Agosto 31, Christmas Kick-Off Program at iba pang Christmas activities sa lungsod, gayundin ang Ala Eh Festival na iho-host ng Batangas City simula Disyembre 1 hanggang 8.

Kaugnay nito, tinugon din ni Mayor Mariño ang mga suhestyon at kahilingan ng mga dumalo upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng pamahalaan at ng tourism industry.

Nakiisa sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa travel agencies, resorts at hotel accommodations, restaurants, at iba pang tourism establishments at stakeholders.

Dumalo rin ang ilang pinuno ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, kabilang si City Administrator Engr. Sonny Godoy.

#PIOBatangasCity

#palakatbatangascity

u/BatanganAlaeh — 1 month ago