r/Batangas

Image 1 — Batangas Provincial Sports Complex
Image 2 — Batangas Provincial Sports Complex
Image 3 — Batangas Provincial Sports Complex

Batangas Provincial Sports Complex

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ga parang hirap na hirap ipagamit sa publiko ang sports complex lalo na ang oval diyan. Tax ng mga mamamayan ang ginamit para maitayo ang pasilidad na 'yan, pero bakit parang tayo pa ang nakikiusap at nakikigamit sa private property? Binuksan nang saglit, tapos isinara ulit. Ano ga ang silbi ng pampublikong pasilidad kung are ay hindi naman magagamit ng publiko?

Kung may mga patakaran para sa seguridad at kaayusan, naiintindihan naman 'yan. Pero sana, malinaw kung bakit hindi puwedeng gamitin ang oval at ngayon pinagbawalan na din daw sa baba para sa jogging. Hindi naman makatarungan na gumastos ang gobyerno ng pera ng taumbayan para sa isang pasilidad na hindi rin naman mapakinabangan ng mga mamamayan.

Pampublikong pasilidad 'yan, hindi pribadong pag-aari ng mga opisyal o personnel na nakatalaga roon. Kung may dahilan para isara, ipaliwanag nang maayos sa publiko. Kung may mga kondisyon sa paggamit, ilahad ang mga patakaran. Ang hinihingi lang naman ng mga mamamayan ay malinaw na paliwanag at pagkakataong magamit ang pasilidad na pinondohan din ng kanilang buwis.

u/Ok_Necessary_3597 — 11 days ago
▲ 6 r/Batangas+1 crossposts

Sa mga gusto mag benta ng sirang cp, walang lcd, walang battery, keypad man yan or hindi. binibili po natin yann!

​

📍TANAUAN, STO.TOMAS CALAMBA, LIPA, SAN PABLO, CALAUAN! PICK UP NATIN YAN BASTA MARAMIHAN. PAG MALAYO J&T! 🙏🫶💵

u/Maleficent-Reach-119 — 10 days ago

Rant: Boluntaryo ang Bigay, Hindi Pwersahan sa SM Batangas City

https://preview.redd.it/dgg568z4ejth1.png?width=415&format=png&auto=webp&s=4bb2ce23e05ea0dc0dfc28b6fa813e2883732843

Heto po ang rant ko, nagpa-picture ang kaibigan ko sa mascot na panda, at naglagay naman kami sa donation box ng panda. Pagkatapos noon, ikaw ang kusang lumapit sa akin itong mascot na bear hindi ko naman ikaw inaya. Wala akong planong magpa-picture, pero hinayaan ko na rin, kasi nakakatuwa naman talaga.

Ang nakakataranta laang eh, dinabugan mo pa ako ng iyong mahiwagang donation box. Para tuloy may kasalanan ako kapag hindi ako naghulog samantalang ikaw mismo ang lumapit sa akin.

Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo: hindi minimum wage o regular ang kita niyo riyan, at umaasa kayo sa boluntaryong bigay ng mga bukas palad. Kaya ko rin naman ikaw abutan wala lang akong balak. Pero sana naman, huwag kang magdabog. ikaw ang lumapit sa akin, hindi ako. Kaya hindi patas na parang obligado akong maghulog.

Sa totoo lang, mas may dangal pa ang mga pulubi sa labas o un mga nag aabot ng sobre sa jeep, hihingi sila nang mahinahon, at hindi ka nila pipilitin. Ang pagsuot ng mascot para maging kagiliw giliw ay hindi lisensya para magdabog kapag hindi naabutan ng salapi. Huwag na huwag magkakaroon ng paligsahan kung sino ang may malaking na ipon sa box, saka dapat hiwalay kayo ng area huwag magsama, para fair naman din sa ka partner mong mascot. Un lang po ang rant ko salamat po.

reddit.com
u/BatanganAlaeh — 10 days ago