WHY DO COLLECTORS KEEP HARASSING YOU?

Hello! Gusto ko lang mag-share ng experience ko inside an OLA (Online Lending App) company.
Back in 2022, nagtrabaho ako sa isang company na akala ko noong una ay ordinaryong Tagalog call center lang. Minimum wage lang ang offer, pero sobrang laki ng incentives kaya kinagat ko rin.

For everyone’s information, hindi po ako naging collector agent. Nasa Customer Service department ako. Sa BPO, may tinatawag na LOB (Line of Business). Para sa mga hindi familiar, parang hinahati siya sa tatlong section:

1. Sales Agents – sila yung tumatawag o nagme-message para mag-offer ng loan.
2. Collection Agents – sila yung naniningil ng mga overdue accounts.
3. Customer Service – kami yung sumasagot sa inquiries, complaints, at concerns ng customers.

Legal naman yung company namin, pero to be honest, minsan napapatanong ako kung legal pa ba yung ibang ginagawa ng mga collectors dahil sa sobrang tindi ng pangha-harass nila sa mga borrowers.
May hawak kaming around 10 loan apps, at iisa lang ang may-ari ng mga iyon. Bilang Customer Service, kami ang naging “sumbungan ng bayan” 😅. Kapag may reklamo tungkol sa collectors, kami ang nakakatanggap ng galit, reklamo, at minsan pati pagmamakaawa ng mga customers.

Ang mas nakakagulat, mas mataas nang kaunti ang position namin kaysa sa collectors, pero mas malaki pa rin ang incentives nila. Para magkaroon kayo ng idea kung bakit sobrang aggressive nila maningil:
₱500/day incentive kapag naka-hit ng target
6 days a week ang pasok. Additional ₱3,000/week kapag naabot ang weekly quota. Plus around ₱15,000 monthly incentive kapag na-hit ang monthly target
Sa madaling salita, puwedeng umabot sa mahigit ₱30,000 ang incentives nila pa lang, bukod pa sa basic salary at overtime pay. At take note, madalas 12 hours silang nagtatrabaho.

Kami naman, trabaho lang namin mag-report ng complaints. Pero sa totoo lang, parang bihira namang may aksyon mula sa management. Habang tumatagal, kinukunsensya na ako. Alam kong ginagawa ko lang ang trabaho ko, pero kapag nakikita mo yung mga IDs at mukha ng mga nagrereklamo, halatang marami sa kanila ang desperado lang talaga at nangangailangan ng pera.
Doon ko na-realize na hindi na ako komportable sa environment na iyon. Kaya sinabi ko sa sarili ko na tatapusin ko lang ang taon at aalis na ako.
At ginawa ko nga. Pagkatapos ng New Year, January 3, nagpasa agad ako ng resignation. Tumagal lang ako ng halos 3 buwan sa company na iyon.

reddit.com
u/Beginning-Stable-462 — 6 days ago

Quick question lang po HEHE

Hello! I’m planning to visit Marinduque this coming 1st week of July as a solo traveler, and may mga questions lang po sana ako 😅

  1. Okay po ba ang weather sa Marinduque during July? Hindi ba siya tag-bagyo or madalas ang malalakas na ulan around that time?

  2. About sa motor rental ikaw ba mismo ang magda-drive or may kasama ring driver? HAHA hindi kasi ako marunong mag-drive 😭 Kaya option ko sana is mag-rent na lang ng trike or motor with driver since sabi nila medyo mahirap daw ang commute diyan.

  3. Lastly, magkano kaya ang advisable budget for a 4D3N trip, kasama na lahat accommodation, food, transportation, and tours? 😅

Thank you in advance sa sasagot! ❤️

reddit.com
u/Beginning-Stable-462 — 16 days ago