Ever since nung bata pa ko marami na kong pinagdaanan kaya medyo late magreact utak ko at emosyon. After nmin malaman na nabuntis ako sobrang saya namin pinagbutihan tlga namin and pinagsikapan namin tlga ang pagiging healthy nmin at pamumuhay nmin. Alagang alaga ako ng asawa ko halos wla na akong gawin pag uwi ko galing sa work. Every 2 weeks halos nagpapacheck up kmi konting ramdam ko lng ng prng may mali tinetext ko na agad OB ko. Nung last April lng nalaman nmin na wala ng heartbeat si baby and hindi na sia lumaki at hanggang 8 weeks lng nilaki nia na dapat 12 weeks na sia. last ultrasound nmin is nung 7 weeks sia tpos nagpacheck up ako nung 10 weeks na dapat sia pero d ako pinaultrasound kasi wla nmn daw bleeding. Sobrang iyak nmin magasawa nung araw na yun. Sumunod na araw tanggap ko na pero umiiyak prin ako buong araw. ngaun halos gabi gabi ako umiiyak na prng nag back to zero ako na alam kong wla na bby ko pero prng nanghihinayang ako na hindi man lang sia nabigyan ng chance na maalagaan nmin sia o mahawakan ko man lng. Normal pa ba yun? Kailangan ko na ba ipacheck up utak ko? Hindi ko alam kung paano magluksa sa isang bagay hindi ko man lng nahawakan basta alam kong nasasaktan ako.
u/Beneficial_Low7488
▲ 3 r/MentalHealthPH
u/Beneficial_Low7488 — 19 days ago