Sinabihan ako na pangit na nga daw ako pangit pa kabonding
Almost 2 year na akong nagwowork sa isang government office. Toxic sya pero dahil hindi pa ako nakakahanap ng ibang work. Tiyaga muna siguro talaga. Pero napikon ako nung isang gabi sa mga sinabi saakin.
Hindi kasi talaga ako yung tipong mahilig sa galaan. Pag rest day, rest day, kung medyo gusto ko gumala pamilya ang kasama ko.
Nagschedule yung co worker ko ng swimming tapos nagchat sya sa gc namin na mag confirm na yung sasama kasi libre naman daw yung sasakyan pero kanya kanya ng pagkain pati pa ng entrance at hati hati daw sa cottage. So ako, wala talaga akong balak sumama kasi may iba akong lakad. Sabihin na nating mas importante pa sa swimming at gusto ko rin magpahinga after.
So nagchat ako sa gc na sorry po pero hindi po ako makakasama.
Alam nyo kung ano reply nung toxic na co worker ko? "Ang kj mo" "ang pangit ng life mo" "wala man lang thrill buhay mo" "pangit mo" "pangit mo pa kabonding"
Sa isip ko yung ibang hindi sumama wala naman silang sinabi, nung ako yung nagchat ang daming satsat.
Hindi man lang pinag isipan if makakaapekto yun sa taong nireplyan nila. Kung masasaktan ba yung tao na yun.
Hindi na ako nagreply, pinindot ko na yung mute messages and calls, pati yung ignore para di ko na makita at di na mag notif.
Umiyak na lang ako, nakakainis lang yung mga sinabi nya na akala mo sya nagpapalamon sakin everyday. Na halos lahat ng utos nila ginagawa ko tapos ngayon lang ako nag NO andaming sinabi.