u/Business_Act_524

▲ 24 r/peyups

Driver sa UP Diliman na taeng-tae magmaneho

May nakasabay ako sa campus kanina, sobrang nakakainis magmaneho. Nauna lang ako nang kaunti sa kanya sa Ylanan gate, pero gusto niya na agad ako i-cut sa kanan para maunang makapasok sa gate. Ang catch ay bike lane 'yun at may lolo na nagba-bike na hinintay kong dumaan muna bago tumuloy. Do'n pa lang, gets ko na na atat na atat 'yung nasa likod ko.

Checks out din kasi malaki siyang Ford Raptor na KULAY TAE at may mga nakakabit pang LED fog lamps at maraming loud stickers (mga tipong harkor/military style ang font). Sa maigsing stretch ng Ylanan, sinubukan niya na naman akong iovertake pero may mga kotseng kasalubong. Tapos do'n sa intersection ng Ylanan at Magsaysay street, syempre may pila at 9 a.m. pa lang nito, ay nakagilid na para mag-overtake na naman. Ay sus.

Sa Acad Oval, sinubukan niya uli akong iovertake pero may mga joggers at mabagal naman 'yung kotse sa kanan namin. Tapos pagdating sa Kalaw at Delos Santos na Y-intersection, kumanan siya, ako kumaliwa, pero sobrang ratrat siya papunta sa direksyon ng Archi, 'yung tipong nakalayang pusa at may alikabok na iniiwan sa pagdaan. Ako naman 'tong medyo curious kung UP ba talaga siya o nakikiraan lang at nagtake a chance na makita ko pa o makasalubong siya sa Velasquez siguro, so kumanan ako sa may OUR. To my surprise, nakita ko siya sa Child Study Center, nagmamaniobra. NAGPARK SA OPPOSITE SIDE ng sidewalk kung saan walang ibang naka-park at agad-agad bumaba!

SURPRISE! Nanay siya na naghahatid ng pre-schooler niyang anak! My gulay! At ang catch ay hinila pa niya anak niya na tumatakbo patawid. For one, ano bang pagmamadali ang kailangan para sa isang PRE-SCHOOLER?! Masisisante ba siya sa trabaho?! Ampangit na halimbawa ng nanay. Pangalawa, at mas mahalaga, sobrang ZERO SELF-AWARENESS na SCHOOL ZONE ang UP and for all she knows, marami pang ibang bata at college students na tatawid nang hindi lumilingon sa kaliwa at kanan TULAD NG GINAWA NG ANAK NIYA. Sobrang nightmare no'n, 'yung makasagasa ka sa UP dahil male-late na nang ilang minuto anak mo sa pre-school life niya. Sheesh! Bakit ba kailangang taeng-tae magmaneho sa UP?!

Ready na talaga akong makita na college student o anong damulag lalabas sa napaka-machong kotse, eh. Pero hindi! Malulungkot pa talaga ako kung UP alumnus pa 'yung nanay at akala mo na kung sino. Yuck! Ganito na ba ang grads natin ngayon?!

P.S. May picture ako ng kotse at may video rin ako sa dashcam, pero wala akong balak mag-shaming nang gano'ng timpla. Pero my ghad, sana talaga mahiya naman mga kaskasero sa loob ng school zone! Wag magfi-feeling na F1 track ang UP o ang Metro Manila, lalo na kung Ford Raptor na kulay tae ang kotse mo! An oversize gas guzzler in this economy? Kaya naman may point din talaga 'yung mga galit sa burgis sa campus, eh. Wala talaga dapat ganyan sa UP!

reddit.com
u/Business_Act_524 — 3 days ago