MCA Pagod na Pagod na Ako
Pagod na pagod na ako sa anak ko. Only child sya and pagtrato nya sa akin para akong atm, yaya at trouble shooter ng mga kapalpakan nya. Minumura nya ako, binabastos pag pinagsasabihan pero sa akin pa din naman sya umaasa para sa pagaaral nya at lahat lahat. Hindi naman namin sya nirerequire ng tatay nya na mag ambag, aral lang sya. Wala din kaming inaasa na sa future aalagaan nya kami. Sa totoo lang, nakikita ko na na magiisa ako. Maliban sa husband ko, I don't think my kid will be around in my senior years. Masama lang loob ko and I don't need advice, I just want to release my exasperation and frustration. Ayaw ko kausapin mga relatives ko or friends ko kasi ayaw ko masira yun tingin ng ibang tao sa kanya. Nakakapagod na palagi nya Ako sinisisi nya sa mga mali or perceived weaknesses nya. Palagi nya kinocompare buhay nya sa iba lalo na sa mga sobrang yaman na mga pinsan nya. Kahit na magkakuba kuba kami ng tatay nya di namin kaya ibigay sa kanya yun hinihingi nya. Gusto nya sa abroad mag aral pero ang kaya lang namin is ipagaral sya sa isa sa mga schools in the Big 3. I also make an effort na provide sa kanya yun mga damit at gamit na maganda. Hindi kami poor pero Hindi din kami super yaman. Ngayong gabi lang, sinabihan nya ako na pangit at kaya daw hindi sya makahanap ng karelationship na may sinabi kasi hindi daw ako socialite. Nag init na talaga ako, gusto ko na umiyak. I just walked away. Ayaw ko na mag care sa apaka sobrang ungrateful na tao.