u/CelebrationProper943

Join PPP, and see for yourself

At this point, I conclude na hopeless case na ang Pause & Ponder Podcast. Although mapag uusapan pa rin, I don't expect them to change. Hindi sila nagkakalayo ng MCGI. It's Soriano-MCGI culture, outside the MCGI organization. Perfect if gusto ninyo uli magpa-kulto uli. No wonder eleos left.

If anyone disagrees with this, I invite you to join them to see for yourself.

reddit.com

KDR as Main Anchor of GMA?

Sa mga matatandang kapatid, naalala ninyo ba yung nagke-kwento si KDR tungkol sa pagreresign niya sa GMA? Parang naaalala ko noon na binanggit niya na siya daw ang hinuhubog ni Mike Enriquez para "pagiwanan" or maging kahalili. Something like that. Pero kailangan niya raw magresign dahil kapalit daw non ay hindi na siya magsasalita sa kogregasyon.

Ngayong nakikita na ninyo mga gingawa ni KDR, ano sa palagay ninyo? Totoo ba yung claim niya na magiging main anchor siya or pabida lang yung kwento na yun?

reddit.com
u/CelebrationProper943 — 2 days ago

Bakit walang burol si BES?

This is NOT the answer but perhaps a part of it.

Based from my source na nakakita sa mismong bangkay ni BES, hindi raw kaugalian ang embalsamo sa Brazil. And therefore, magastos at hindi lahat ng funeraria doon ay nag ooffer ng embalsamo. Kaya nilibing daw agad si BES. Not to mention na 2021 yun at may Covid epidemic pa rin.

Naisipan ko lang i-post dito kasi may nakita akong nagtatanong. Tho matagal ko na tong nalaman, hindi ko pa nakitang napag uusapan dito. Nag tanong na rin ako sa Google to verify kung ganoon nga ang kaugalian sa Brazil.

u/CelebrationProper943 — 7 days ago

Tinaguriang NB-INC Raid sa Apalit: Overkill ba talaga?

Ang laki ng involvement ng NBI these past days sa mga ganap sa Pilipinas at naalala ko yung mga panahon na tinawag ni BES na NBI-NC yung pagtangkang pag arresto aa kanila sa Apalit noon. Kung matagal ka nang sumusubaybay kay Soriano, malamang naaalala mo yung naglabas sila ng mga camera footage na maraming NBI agents na nakapaligid sa ADD Compound. At malamang, naramdaman mo noon na aping api si Soriano.

Ang naratibo nila noon, overkill ang ginawa. Mahigit isang daang nbi agents daw ang pumunta sa apalit para mag serve ng warrant sa kasong libel. May mga dalang high powered firearms pa raw.

Nung balikan ko itong narratibo na to, narealize ko na deliberate gaslighting pala. Bakit?

Una: Napakalaki ng ADD compound, alam naman yan ng mga nakapunta doon. Napakaraming potential exit. Kailangan talaga ng maraming tao sa pag aresto para maiwasan ang pagtakbo ng suspect. Hindi ito religious persecution, normal na procedure lang ito. Kung sampung katao lang ang magseserve ng warrant, napakadali nilang takbuhan, lalo na't teritoryo ni bes ang apalit.

Pangalawa: Malamang alam ng NBI na maraming supporter si BES, hindi yan isusuko basta basta ng mga member. Kapag nagpang abot ang supporters at nbi, gaya nang nangyayari ngayon sa senate, at maging sa mga pag aresto sa mga religious lider na nakikita natin ngayon, sigurado na may gulong mangyayari. Natural lang na mag expect ang NBI na armado ang mga security ni BES at maraming tao ang kukuyog sa kanila sa compound.

In summary, kahit pa libel lang ang kaso ni BES, kailangan siyang arestuhin ng maraming nbi agents dahil sa lokasyon at kapasidad ng kanyang mga followers na lumaban. Kung si BES ay ordinaryong tao lang at walang maraming supporter, simpleng pag aresto lang yan kung saan kakatukin ang pinto. Pero hindi ganun si BES, isa siyang religious lider na may kapasidad na magpadala ng mga tao sa EDSA DOS. Kaya hindi overkill ang nangyari.

Of course, we are not disregarding the fact that the nbi director then was Wycoco, an INC member. Sabihin na natin na "may gigil" on their behalf. Napakadaling sabihin na inuusig o pinag iinitan si BES, pero kung titignan lang natin objectively, its just a normal NBI operation. Katunayan, hindi nga nila nahuli si BES at wala naman akong nabalitaan na nasaktan o namatay sa proseso.

Kayo? Anong naalala ninyo sa tinaturiang NBI-NC raid sa ADD Compound?

Good morning. ☕

u/CelebrationProper943 — 10 days ago