Malaya Na!
Pandemic Era (2020) ako naanib, sa una excited at masaya sa bagong journey bilang kapatid. Pero kalaunan ay nanghina dahil sa mga napansin ko.
Oras, pagkahaba-haba ba naman, yung pagod ka na nga from School or Work tas puyatan pa. Yung 2 hours na pagkakatipon ay mahaba na po yan.
Pera, maliban sa abuloyan ay pagkarami-raming tulungan at ambagan na walang kataposan, tas may quota pa o target na kailangan ma reach.
Halal, iba ang pagkaintindi sa halal. Safe nga dapat kainin kasi malinis.
Paksa, kasama pa kasi ang mga iba't ibang intro. Awitan, Panalangin, at Paksa ayos na.
Walang sariling local halos ang karamihan kaya bayad monthly ng renta imbes na makatipid ay nakadagdag pa.