u/Murky-Ad816

lalakad kasama ng banal

​

Title: Bakit Sablay ang Analohiya ni Daniel Razon na "Kung lalakad ka sa Banal, magiging banal ka rin"?

Gumawa ng analohiya si Daniel Razon gamit ang pattern ng Kawikaan 13:20 ("Ang lumalakad na kasama ng pantas ay magiging pantas"). Pinalitan niya ang "pantas" ng "banal" at isinubstitute si Cristo. Ang konklusyon niya: kung sasama o lalakad ka raw kay Cristo (o sa samahan), magiging banal ka rin sa pamamagitan ng "pagkahawa".

Sa unang tingin, mukhang lohikal. Pero kung gagamitin ang mismong Bagong Tipan, may malaking depekto ang lohikang ito:

  1. Ang Kaso ni Judas

Si Judas Iscariote ay tatlong taong literal na lumakad at sumama sa Banal (si Cristo). Nakakita ng mga himala, pero naging banal ba? Hindi. Tinawag pa nga siyang "diyablo" (Juan 6:70). Sa Juan 6:66, marami ring alagad ang tumalikod nang matisod sa doktrina.

Sa orihinal na Griyego, ang "pagsunod" kay Cristo ay akoloutheō (follow/accompany)—panlabas na pagsabay lang sa lakad. Ang panlabas na association ay hindi nagpapabanal. Kaya nga sa Mateo 10:38, ang tunay na tagasunod ay may pinapasan: ang utos (Great Commission- Mateo 28:19-20). Ang pag-angkin ng relasyon pero iba ang gawa ay hypocrisy (Roma 2:17-24).

  1. Charity Works vs. Ang Pagkaing Hindi Napapanis

Ngayon, ang focus ng MCGI ay inilipat sa camera-backed charity works (feeding programs, relief). Sinasabing ito ang "ilaw" (Mateo 5:16).

Pero ang literal na charity ay walang "ngipin" pagdating sa kaligtasan dahil kayang-kaya rin itong gawin ng mga atheist at non-believers. Binalaan tayo ni Cristo sa Juan 6:27: "Huwag kayong magpahalaga sa pagkaing nasisira [material goods]." Ang pagpapakita ng limos sa media ay nahuhulog lang sa "pagpapatunog ng pakakak" (Mateo 6:1-3).

  1. Ang mga Tunay na "Messengers" at ang Dalisay na Salita

Ang tunay na ilaw ay ang Espiritu ng Katotohanan na hindi nakikita ng literal na mata ng sanlibutan. Ayon sa 1 Timoteo 3:15-16, ang Iglesia ang haligi ng katotohanan.

Ang "hiwaga ng kabanalan" ay nagaganap sa pangangaral ng Verbo na nakita ng mga messengers (mga sinugo/alagad) (Juan 1:14). Ipinangaral nila ito sa mga bansa sa pamamagitan ng kanilang mga sulat (Biblia). Ang pagkaunawa at pangangaral nito ang hindi kayang gawin ng mga hindi sumasampalataya.

Konklusyon: Ang Dalisay na Salita ang Nagpapabanal

Ang pinal na hatol ay sinabi ni Cristo sa Juan 17:17:

"Pakabanalin mo sila sa pamamagitan ng katotohanan: ang SALITA mo ay katotohanan."

Ang dalisay na Salita ang nagpapabanal sa tao—hindi ang panlabas na paglakad o pag-atend sa isang samahan, at lalong hindi ang mga social works na ginagawang panakip-butas sa kawalan ng tunay na evangelismo.

u/Murky-Ad816 — 11 days ago

Fear based

​

May matinding teolohikal at logikal na butas ang paboritong paksa ngayon ni Daniel Razon na "ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan" (Isaias 33:6) na diumano ay nagpapayaman sa tao kahit literal siyang maghirap sa paningin ng mundo.

Kung susuriin mo, puro mga excerpt mula sa Lumang Tipan (OT) ang ginagamit niyang batayan (Isaias 33:6, Awit 115:15, atbp.). Ngunit kapag binuklat mo ang Bagong Tipan (NT), may isang alipin na natakot din sa kaniyang Panginoon, subalit ang kaniyang takot ay nagdala sa kaniya sa kapahamakan, hindi sa kayamanan.

Sa Mateo 25:24-25, tahasang sinabi ng alipin na nagtago ng kaniyang talento:

“Panginoon... ako'y natakot, ipinagtago ko ang iyong talento sa lupa...”

Ano ang naging hatol ng Panginoon sa aliping ito na "natakot" sa Kanya? Sinabihan siya na "masama at tamad" at ipinatapon sa "kadiliman sa labas" (Mateo 25:26, 30).

Bakit nakatatakot ang parallel na ito sa kasalukuyang MCGI?

Maling Paggamit ng Lumang Tipan (Judaizing): Ang pagkatakot sa OT ay nakatali sa pangkarnal at agrikultural na tipan ng bansang Israel. Ito ay SIMULA pa lamang ng kaalaman. Ang pagkuha ng mga excerpt sa OT na hindi naman hula para sa atin upang gawing pinal na doktrina sa NT ay tahasang pagbabalik sa pamatok ng kautusan. Sa Ebanghelyo ng Biyaya, ang tunay na kayamanan ng unawa ay kay Jesucristo Mismo (Colosas 2:2-3).

Maling Pokus ng Takot sa Bagong Tipan: Malinaw ang sabi ni Jesus sa Mateo 10:28 kung ano ang dapat nating katakutan sa Dios sa ilalim ng NT—ito ay ang Kaniyang pinal na hatol o condemnation: “...kundi bagkus ang katakutan ninyo ay ang may kakayahang pumuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impiyerno.” Ang tunay na pagkatakot ay may kinalaman sa walang hanggang kaligtasan ng kaluluwa, hindi sa takot na maging dukha sa laman o takot sa mga inimbentong regulasyon ng liderato.

Maling Interpretasyon sa Karakter ng Dios: Ang alipin sa parabola ay natakot dahil inakala niyang "marahas" ang kaniyang panginoon. Ganito ang mind conditioning sa lokal ngayon: itinatanim ang takot na ang Dios ay isang striktong tagasubaybay na handa kang ibulid sa impiyerno kapag nagkamali ka sa buhok, sa pagkain, o sa patarget.

Espirituwal na Paralisis (Gatas Mode): Ang maling takot ay hindi nagbunga ng paglago, kundi ng paralisis. Ipinagtago ng alipin ang talento sa lupa. Sa MCGI, ang mga miyembro ay ginawang piping tagapakinig ng mga recycled na aral (archives ng patay). Natatakot silang kumilos, magsalita, o sumuri sa loob at labas ng matrix dahil sa maling takot na itinanim sa kanila.

Ang Panganib ng Gaslighting sa Kahirapan: Iko-condition ang utak mo gamit ang mga OT excerpt na "okay lang maubos ang pera at literal na maghirap sa mga patarget, basta mayaman ka sa Dios sa pagkatakot." Ang katotohanan, ang Bibliya Mismo ay nagbabala na ang literal na kahirapan ay may dalang panganib sa laman ng tao. Sabi sa Kawikaan 30:8-9:

"...huwag mo akong bigyan ng karalitaan o kayamanan man... Baka ako'y 👉maging maralita, at magbago, at mag-nakaw👈, at aking lapastanganin ang pangalan ng aking Dios."

Kung ang literal na kahirapan ay maaaring mag-akay sa isang tao sa pagnanakaw, maling-mali na gamitin ni Razon ang "pagkatakot" upang ubusin ang pondo ng mga kapatid sa mga patarget, habang ang liderato naman ay nagpapakasasa sa marangyang pamumuhay at mga pampamilyang negosyo. Ginamit ang kabanalan bilang paraan ng pakinabang (1 Timoteo 6:5).

Huwag kang maging aliping paralisado sa takot na dulot ng mga pinagtagpi-tagping talata ng Lumang Tipan. Mag-isip ka. Mag-imbestiga ka.

u/Murky-Ad816 — 17 days ago

Jerusalem ba o araw

Ang Heograpikal na Sablay:

Kung nasa Pilipinas ka, ang Israel ay nasa Hilagang-Kanluran (Northwest). Kung ang MCGI ay humaharap sa literal na Silangan (East), tinatalikuran nila ang Israel. Hindi sila nakaka-comply sa sarili nilang aral.

Ang Implikasyon ayon sa Bibliya (Ezekiel 8:16):

DAHIL PINIPILIT NILANG GAMITIN ANG LUMANG TIPAN;

Ang pagharap sa silangan ay may seryosong hatol sa kasaysayan. Sa Ezekiel 8:16, dinala ng Dios ang propeta sa looban ng Templo at ipinakita ang 25 lalaki na nakatalikod sa Templo ng Dios at nakaharap sa silangan upang sumamba sa araw.

EZEKIEL 8:16

At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawang pu't limang lalake, na sila'y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; AT KANILANG SINASAMBA ANG 👉ARAW👈 SA DAKONG SILANGANAN.

By logic, dahil sa maling heograpiya, hindi dako ng Israel ang natatamaan ng panalangin ng MCGI kundi ang direksyon ng paganong ritual ng "pagsamba sa araw" na kinasuklaman ng Dios sa Ezekiel. Ang pag-angkin sa pagiging "dukhang pantas" ay bumagsak sa simpleng compass at mapa ng mundo.

u/Murky-Ad816 — 23 days ago

Sino ang tunay na "Baliw"

Ang Butas sa Lohika ni KDR: Bakit Maling Batayan ang "Ang Maniwala sa Sabi-sabi ay Baliw"

Napakababaw at mapanganib na gawing "absolute" ang salawikaing ito para i-dismiss ang mga kritisismo o argumento. Kung gagamitin natin ang Bibliya, ang pilosopiyang ito ay isang double-edged sword na pwedeng gamitin ng magkabilang panig.

Tingnan natin ang kaso nina Gobernador Festo at Apostol Pablo sa Gawa 26:

--Ang Nag-aakusa (Festo):

Nang ipangaral ni Pablo ang pagkabuhay muli ni Jesus, sumigaw si Festo, "Baliw ka, Pablo!" (Gawa 26:24). Para sa secular na opisyal, katha o "sabi-sabi" lang ang ebanghelyo. Kung absolute ang salawikain, baliw ang lahat ng nakikinig kay Pablo.

--Ang Inaakusahan (Pablo):

Sumagot si Pablo, "Hindi ako baliw... Ang sinasabi ko ay katotohanan at tamang pag-iisip." (Gawa 26:25). Para kay Pablo, ang mga nakikinig sa paninira at "sabi-sabi" ng mga Fariseo ang siyang nawalan ng bait.

Kung salawikain lang ang panukat, magiging paulit-ulit lang ang sumbatan, kung sino ang totoong baliw.

Gagamitin lang ito ng pamunuan para pigilan ang mga tao na makinig sa labas.

Ang Tunay na Solusyon: Discernment.

Ang dapat ituro sa tao ay hindi ang pagbato ng salitang "baliw," kundi ang espirituwal na discernment—ang pagkilala at pag-salat kung ang isang turo ay sa Diyos.

Gaya ng mga taga-Berea sa Gawa 17:11, hindi sila naging mapaniwalain sa sabi-sabi, pero hindi rin sila naging sarado ang isip. Ginamit nila ang discernment: sinuri at sinaliksik nila ang Kasulatan araw-araw kung totoo ba ang naririnig nila.

Sabi nga sa 1 Juan 4:1, "huwag kayong maniwala sa bawat espiritu, kundi subukin ninyo..."

Ang paggamit ng salawikain para i-dismiss ang mga tanong o kritisismo ay tamad na paraan ng pangangatwiran. Ang tunay na nasa katinuan ay ang taong nagsusuri, hindi ang taong nagbabansag ng "baliw" sa mga nakikinig sa kabilang panig.

u/Murky-Ad816 — 1 month ago

loopholes

Bakit Maling Gamitin ang 1 Juan 1:7 Para Manakot ng Exiters?

Sa mga pagkakatipon, pinipilit ituro ni Daniel Razon na ang "pakikisama sa isa't isa" at "paglakad sa liwanag" sa 1 Juan 1:7 ay nangangahulugang dapat "mangapit sa Ulo" (Cristo). Ginigipit ang talata para palabasin na kapag naging exiter ka o lumayas sa MCGI, hiwalay ka na sa Ulo at sa liwanag.

Heto ang mga butas sa maling aral na ito gamit ang mismong Bibliya:

Ang Ama ay ang "Liwanag na hindi malapitan" at "Ama ng mga ilaw" (1 Timoteo 6:16, Santiago 1:17), Hindi ang Ulo:

Ayon sa 1 Juan 1:5, ang Diyos Ama ang liwanag, hindi ang "Ulo ng Iglesia." Ang pagbura sa papel ng Ama para lang mag-focus sa organisasyon ay maling teolohiya.

Ang Pakikisama ay sa Ebanghelyo, Hindi sa Charity Works:

Kung babasahin ang 1 Juan 1:3, malinaw na ang "pakikisama sa isa't isa" ay bunga ng pagbabalita ng Ebanghelyo ng mga Apostol. Hindi ito nanggagaling sa mga pa-target na charity works o concert tickets ng MCGI.

I JUAN 1:3-4

  1. Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming 👉IBINABALITA👈 sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, 👉AT TAYO AY MAY PAKIKISAMA SA AMA, AT SA KANIYANG ANAK NA SI JESUCRISTO:👈

  2. At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos.

Direktang Link sa Ama:

Ayon sa Juan 17:21-23, ang Ama ang naglalapit sa tao sa Kanyang Anak. Walang lohika na "Ulo" lang ang kikilalanin mo at isasantabi ang Ama na siyang nag-refer sa iyo kay Cristo.

Obvious na ginagamit lang ang "Ulo" at "Katawan" sa 1 Juan 1:7 bilang tool of control para takutin ang mga gustong umalis.

Ang tunay na pakikisama ay sa Ama at sa Anak sa pamamagitan ng Ebanghelyo, hindi sa pananatili sa isang kultong natataranta na sa dumaraming exiters.

u/Murky-Ad816 — 2 months ago

PAMUNUAN NI CRISTO =MCGI?

ANG LOGIC NG MCGI SA JUDAS 1:6

Kapag pinuna mo ang maling paggamit ni Daniel Razon sa Judas 1:6 (kung saan inihambing niya ang mga umaalis o exiters sa mga anghel na umalis sa kanilang pamunuan), malamang na ito ang maging palusot ng mga panatiko:

"Iyon nga ang punto namin! Ang MCGI ang pamunuan ni Cristo sa lupa, kaya ang umalis dito ay umalis sa pamunuan ni Cristo."

Mukhang may katwiran sa biglang tingin, pero sa sining ng lohika at tamang pag-unawa sa Bibliya (Hermeneutics), ang palusot na ito ay isang malaking Logical Fallacy at teolohikal na pagkakamali. Narito kung bakit:

  1. Ang Kasalanan ng mga Anghel ay "Nature," Hindi "Organisasyon"

Sa orihinal na Griyego, ang iniwan ng mga anghel ay ang kanilang "arche" (sariling katalagahan, dimensyon, o orihinal na estado ng pagkalalang) at "oiketerion" (sariling tirahan sa langit).

Ang kasalanan nila (na pinalawig pa sa Judas 1:7 at Genesis 6) ay ang pag-iwan sa kanilang pagiging espiritu upang makipag-halo sa laman at dugo ng tao. Binago nila ang kanilang nature.

Ang isang tao na umaalis sa MCGI ay nananatiling tao. Hindi niya binabago ang kanyang kalikasan. Ang pagpapalit ng samahan ay hindi katumbas ng kosmikong pagrerebelde ng mga anghel na lumabag sa kaayusan ng paglalang ng Diyos.

  1. Isang Mapanganib at Lapastangang Pag-angkin

Kung ipipilit ninyo na ang MCGI ang "PAMUNUAN ni Cristo" na tinutukoy sa diwa ng Judas 1:6, pinalalabas ninyo na ang MCGI at ang Langit (ang dako ng mga anghel) ay magkatumbas ng awtoridad.

  1. Ang final na Puntos: Ang Nagpaparusa ay ang Namamahala

Dito lubusang bumabagsak ang logic ni Razon. Sinasabi sa Judas 1:6 na ang mga anghel na umalis sa kanilang dako ay "iniingatan niya (ng Diyos) sa mga kadenang walang hanggan sa ilalim ng kadiliman sa paghuhukom sa dakilang araw."

Ibig sabihin: Kahit umalis ang mga anghel sa kanilang orihinal na dako, hindi sila nakalayas sa pamamahala at kapangyarihan ni Cristo! Sila ay kasalukuyang nakagapos at parurusahan pa rin Niya.

Kung ang layunin ng paggamit sa talata ay sabihing "nakalayas ang mga exiters sa pamamahala ni Cristo," maling-mali pa rin ang Judas 1:6.

Ipinapakita ng talata na WALANG NILALANG ANG KAYANG LUMAYAS SA PAMUNUAN NG PANGINOON. Tagaloob ka man, exiter, o anghel—lahat ay nasa ilalim pa rin ng unibersal na kapangyarihan at paghuhukom ni Cristo (Mateo 28:18, Hebreo 4:13).

Huwag kayong magpaloko sa pabilog na pangangatwiran (circular reasoning). Ang nilayasan ng mga exiters ay hindi si Cristo, kundi ang mga patarget, concert tickets, mga negosyo ng pamunuan, at ang doktrinang puno ng pananakot.

u/Murky-Ad816 — 2 months ago

Color combination = Spirit combination

Walang "Color Combination" sa Gawa ng Laman (Galacia 5:19-21)

Ito ang malaking butas sa logic ng Pastor. Sa kaniyang analogy, kailangan pa ng Color combination (inggit at pagkampi-kampi) upang lumitaw ang ang isa pang kulay (kaguluhan/ masamang gawa).

SANTIAGO 3:14-16

  1. Nguni’t kung kayo’y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.

  2. Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, 👉sa LAMAN,👈 sa diablo.

  3. Sapagka’t kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.

Ngunit sa Galacia 5:19-21, walang tinutukoy na "SPIRIT COMBINATION" si Apostol Pablo! Ang mga gawa ng laman gaya ng kainggitan, pagkakabaha-bahagi, ay hiwa-hiwalay at indibidwal na masama.

GALACIA 5:19-21

  1. At hayag ang mga 👉gawa ng laman,👈 samakatuwid ay ang mga ito: pangangalunya, pakikiapid, karumihan, kalibugan,

  2. Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, 👉mga PANINIBUGHO,👈 mga pagkakaalitan, 👉mga PAGKAKAMPIKAMPI,👈 mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,

  3. Mga kapanaghilian, mga pagpatay, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisipagsanay ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

Hindi mo kailangang PAGHALUIN ang inggit at pagkakampi-kampi para "lumitaw" ang KAGULUHAN; ang bawat isa sa kanila, nang mag-isa, ay sapat na para hindi magmana ng kaharian ng Dios.

Konklusyon: Ang problema sa maraming tagapakinig, basta may marinig na tila "scientific" o kakaibang talinghaga, agad na humahanga nang hindi muna sinusuri ang lohika. Gaya ng paalala sa 1 Juan 4:1, subukin natin ang mga espiritu at ang mga turo. Huwag tayong pabulag sa indayog ng salita ng tao kung ang analogy naman ay pilit at sadyang nakasisira sa hustisya at katotohanan ng Dios.

u/Murky-Ad816 — 3 months ago

blindly obedient dude

​

Napaka-ilogical at mapanganib para sa pananampalataya ang linyang "Huwag tingnan ang sistema, sa Aral lang tumingin." 🤦‍♂️

Ang Dios mismo ang nag-utos sa 1 Tesalonica 5:21: "Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti." Kasama sa "lahat ng bagay" na dapat subukin ang sistema, ang pamamalakad, ang pananalapi, at ang ugali ng mga namumuno.

Nag-iwan ng perpektong pattern o halimbawa si Cristo at ang mga Apostol kung paano ang dapat na pag-uugali sa bahay ng Dios (1 Tim. 3:15, 1 Tes. 2:14). Kung ang sistema o patakaran ng isang samahan ay lumilihis sa pattern na ito, lumilikha ng mabibigat na pasanin, o umaayon sa sanlibutan—bunga iyan ng kung anong klaseng pamumuno ang nasa likod nito.

Ayon sa Mateo 7:20, "Sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila." Hindi mo pwedeng ihiwalay ang aral sa sistema. Kung ipinagbabawal mong suriin ang sistema, tinuturuan mo ang mga taong sumunod nang bulag at hayagang labagin ang utos ng Dios na maging mapanuri (Mat. 15:9). 📖💡

u/Murky-Ad816 — 3 months ago

Inyong saliksikin sa aklat ng... Na- debunked na ba?

Sa inyong palagay o kaalaman, ano ba ang tinutukoy sa Isaias 34:16?

  1. Soulmate / "Forever" sa pag-aasawa?

  2. Sola Scriptura, na interpretation ng isang Pastor?

  3. Mga hayop na binanggit sa mismong Isaias 34?

  4. Four living creatures (Apat na nilalang na buhay)?

  5. Mga hayop sa daong ni Noe?

Isang Maikling Disclaimer:Ang post na ito ay hindi ginawa upang magmagaling, magpanggap na may mataas na kaalaman, o makipagtalo sa doktrina ng iba. Bilang kapuwa mag-aaral ng Salita, nais ko lamang ibahagi ang bunga ng aking personal na pagsusuri, bilang bahagi ng tungkulin natin sa isa't isa na magbahagi ng liwanag. Wala po akong layong mamilit—nasa inyong malayang pagpapasya (freewill) kung ito ay inyong tatanggapin o hindi. 😊

Kung atin pong hihimayin ang talatang ito gamit ang sariling context at logic ng Bibliya, narito ang isang malalim na anggulo na madalas nating malaktawan:

📘 ANG TUNAY NA KONTEKSTO NG ISAIAS 34:16

(Ang Consistency ng Hatol ng Diyos sa bawat Salinlahi)

  1. Ang Legitimacy at Logic ng "Core Verse" (Isaias 34:5)

Sa ibang makabagong salin ng biblia, madalas nating mabasa na ang hatol ay direkta lamang sa Edom.

Ngunit gamitan po natin ng lohika: Kung sa Edom lamang naganap ang hatol na ito, bakit kailangan pang iutos ng Diyos pagdating sa bersikulo 16-17, na maghanap at magbasa sa "Aklat ng Panginoon" upang makita ang katunayan o proof?

Anong ebidensya ang hahanapin sa Aklat kung wala namang ibang kahambing o kaparis na bayan ang Edom?

Dito lumilitaw ang legitimacy ng orihinal na Tanakh (holy book ng mga Judio o Old Testament bible), kung saan ganito ang pagkakasulat sa verse 5:

"For My sword has become sated in the heaven. Behold, it shall descend upon Edom, 👉and upon the nation with whom I contend, for judgment."👈

Dito ay malinaw na ang hatol ay hindi pala limitado sa Edom lang. Ginamit ang Edom bilang isang pangunahing halimbawa (prototype) para sa lahat ng bansa na sinumpa ng Diyos (the nation with whom I contend) dahil sa paghihimagsik.

  1. Ang Tiyak na Hatol sa Edom (verses 6-15)

Madalas gamitin ng ilan ang bahaging ito bilang argumento, na mga literal na hayop lamang ang tinutukoy sa v16, dahil ang v6-15 ay puno ng paglalarawan sa mga tupa, kambing, kuwago, at uwak.

Kung susuriin, ang v6-15 ay ang specific na salaysay ng hatol para sa Edom. Inilalarawan dito ang pisikal na resulta ng sumpa sa kanilang lupain—ang paglisan ng tao at ang pagbawi ng Diyos sa lupa upang ibigay sa mga maiilap na hayop bilang paunang halimbawa ng Kaniyang poot.

  1. Ano ang Ibig Sabihin ng "Not One Missed Her Friend"?

Matapos ilahad ang partikular na hatol sa Edom, lumipat ang teksto sa isang pangkalahatang utos sa Isaias 34:16-17 (Tanakh o Jews holy book):

"Seek out of the Book of the Lord and read; not one of them is missing, 👉one did not miss her friend,👈 for My mouth it has commanded, and its breath it has gathered them. And He cast lots for them, and His hand distributed it to them with a line; forever they shall inherit it, to every generation they shall inhabit it."

Ang ibig sabihin ng hindi pagkukulang at hindi pagkakalimot ng "kaniyang kaibigan/kasama" (friend/fellow) ay ang consistency ng paraan ng paghatol ng Diyos.

Ang sinapit ng Edom ay may mga kaparis o katugmang hatol sa ibang mga bayang isinumpa, sa iba't ibang henerasyon, na nakasulat din sa Aklat. Hindi ito isang bukod-tanging pangyayari:

  1. Babilonia: (Isaias 13:21-22, Jeremias 50:39) – Winasak din at pinalitan ng mga hayop.

  2. Asiria / Nineveh: (Zefanias 2:13-14) – Naging disyerto rin at pinugaran ng mga ibon.

  3. Hasor (Jeremias 49:33)

naging tahanang dako ng mga chakal, sira magpakailan man: walang taong tatahan , ni sinomang anak ng tao ay mangingibang bayan.

Ipinapakita nito na ang track record ng hustisya ng Diyos ay may proof sa iba't ibang salinlahi—bawat hula ay may katugmang katuparan sa kasaysayan.

  1. Ang Espirituwal na Katuparan sa Bagong Tipan (NT)

Kung ang Lumang Tipan (OT) ay nakatali sa titik, laman, at pisikal, ang Bagong Tipan (NT) naman ang siyang ganap na nagbubukas ng espirituwal na kahulugan nito (2 Corinto 3:6):

Sa Apocalipsis 13 at 17, ang "hayop" ay inilarawan na bilang mga masasamang espiritu at demonyo.

Sa Apocalipsis 18:2, nang bumagsak ang "Dakilang Babilonia," tahasang sinabi na ito ay naging "tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon".

BOTTOM LINE:

Ang Isaias 34:16 ay nagpapakita na ang Diyos ay hindi nagbabago at consistent. Ang v6-15 ay ang partikular na halimbawa sa Edom, ngunit ang v16-17 ay ang unibersal na prinsipyo: ang blueprint ng paghatol (ang pagpapalit ng tao patungo sa mga hayop/demonyo) ay may katugma, may proof, at laging natutupad sa lahat ng bayang sumasailalim sa Kaniyang sumpa mula noon hanggang ngayon.

Salamat po sa pagbasa, at nawa'y magsilbi itong dagdag kaalaman sa mga patuloy na nag-aaral ng Kasulatan!

reddit.com
u/Murky-Ad816 — 4 months ago

"Buhok ng Babae sa 1 Corinto 11: Disenyo ba ng Paglikha o Kultura lang sa Corinto?"

Kung bakit ang "Kalikasan" na tinutukoy ni Pablo, ay hindi Isang Divine Law (biological nature), Kundi isang Cultural Norms Lang (custom nature) na nakasanayan ng mga pagano

Guys, let’s talk about a major realization pagdating sa isa sa pinaka-debated na talata sa 1 Corinto 11:14-15, partikular na sa paggamit ni Apostol Pablo sa salitang "kalikasan" (katalagahan) at "kapurihan".

Dito kasi naka-anchor ‘yung super strict na doktrina ng MCGI na nagbabawal sa mga babae na magbawas kahit katiting na bahagi ng kanilang buhok. But if we use honest logic, history, and real biblical context, makikita natin na ang interpretasyong ito ay isang malaking misconception.

Here is the breakdown of my insights:

  1. The Logical Proof: Walang alam ang mga pagano sa Divine Creation.

Sa 1 Corinto 11:14, tinanong ni Pablo ang mga taga-Corinto: "Hindi ba ang 👉KALIKASAN👈 mismo ang nagtuturo sa inyo na kahiya-hiya sa lalaki ang may mahabang buhok?"

Isipin natin ‘to ng logical: Ang mga taga-Corinto at mga Romano noong panahon ni Pablo ay mga Gentil at pagano. Sila ay mga taong hiwalay at walang alam sa totoong Diyos, at lalong wala silang kopya ng Genesis (Creation) o ng Kautusan ni Moises. Kung ang "kalikasan" na sinasabi ni Pablo ay ang unibersal na batas ng paglikha ng Diyos (divine creation design), hindi niya magagamit ang argumentong ‘to sa kanila kasi wala namang alam ang mga pagano sa orihinal na blueprint ng Diyos.

Therefore, ang "kalikasan" (physis sa Griyego) na tinutukoy ni Pablo ay hindi ‘yung banal na batas sa Genesis, kundi ang kanilang sariling nakagawiang kultura o social norms—ang common sense ng lipunang Romano at Griyego noong unang siglo.

  1. Ang buhok bilang "Pantakip" ay hindi exclusive sa babae (Natural Design)

Sinasabi sa talata 15 na "ang buhok ay ibinigay sa kaniya bilang pantakip" Ang pagkakamali ng maraming legalistikong grupo ay ang pag-aakalang eksklusibo lang sa babae ang prinsipyong ito.

Let’s do a quick logical and translation check muna, kasi napakahalaga nito sa credibility: May mga salin ng Bibliya na nagsasabing "MAHABANG BUHOK" ang ibinigay bilang pantakip. Pero biologically, impossible ‘to. Walang tao—kahit si Eva—na pagka-create ay may instant, permanenteng long hair agad. Ang buhok ay progressive na tumutubo. At walang ulat sa Genesis kung ano ang partikular na sukat ng buhok noong Creation.

Sa orihinal na Griyego, ang salitang ginamit sa dulo ng talata 15 ay "kome" (isang noun), na ang literal na kahulugan ay "buhok" (hair)—hindi haba. Kaya mas accurate ang salin ng King James Version (KJV): "...for her hair is given her for a covering."

The biological reality is simple: Ang ibinigay ng Diyos mula sa simula (biological design) ay ang PRESENCE o ng pagkakaroon ng buhok upang maging natural na takip sa ulo ng tao, lalaki man o babae.

Dito ngayon papasok ang cultural example ni Pablo, na familiar ang mga taga - Corinto:

**Ang punto niya, ang buhok na nasa ulo ng babae, ay nagpapakita na siya ay may disenteng reputasyon (hindi kalbo, hindi nangalunya, hindi alipin) ayon sa pamantayan ng kanilang komunidad.**

Sa kulturang Romano, ang isang babaeng kalbo o ahit ang buhok ay labis na hinahamak at may masamang reputasyon—ito ay pampublikong parusa sa nangalunya o kaya naman ay tatak ng alipin. Kaya nung sinabi ni Pablo na ang buhok ay "kapurihan," hindi niya sinabing requirement ang haba nito para maligtas.

Ang ibig niyang sabihin, ang pagkakaroon ng buhok ay nagbibigay sa kaniya ng dignidad laban sa kahihiyan.

Ginamit lang ni Pablo ang natural na disenyo ng buhok (na takip sa ulo) para sabihin na kung ang lipunan nga ninyo ay naghahanap ng kaayusan upang iwasan ang pampublikong kahihiyan, dapat ay may kaayusan at may simbolo ng pagpapasakop (belo) ang babae kapag sumasamba.

  1. Paul's Rhetorical Trap: Hindi ignorante ang mga palatutol.

Ang mga tao na tinawag ni Pablo na "contentious" o palatutol sa talata 16 ay mga bagong bautismong Kristiyano sa loob ng iglesya na galing mismo sa paganong background na ito. Sa katunayan, sa 1 Corinto 3:1-3, tahasang tinawag ni Pablo ang mga taga-Corinto na "mga sanggol kay Kristo" na puro "gatas lang at hindi matigas na pagkain" ang kaya dahil mahilig silang makipagtalo.

Sinadya ni Pablo na gamitin ang kanilang default custom na pananaw sa buhok para ma-trap sila: para patunayan na hindi sila ignorante sa kung ano ang disente. Ang lohika ni Pablo sa mga pasaway na believer na ito ay parang ganito: “Laking Romano kayo. Alam na alam ninyo kung ano ang kagalang-galang at kung ano ang kahiya-hiyang ayos ng buhok sa publiko. So bakit ngayon sa loob ng iglesya, nagpapaka-mangmang kayo? Bakit kayo gumagawa ng kaguluhan sa pagsamba kung alam ninyo ang tamang asal sa labas?”

Ginamit ni Pablo ang kanilang kultura bilang salamin, para ipakita na ang prinsipyo ng kaayusan ay dapat i-observe sa loob ng iglesya.

  1. Ang katahimikan ng Lumang Tipan (Old Testament)

Kung ang mahabang buhok ng babae ay isang unibersal na batas ng Diyos mula pa sa simula, bakit walang kahit isang ulat sa Genesis na nagbabawal kay Eva na magbawas ng buhok? Noong pumasok ang kasalanan at nalaman nilang sila ay hubad, dahon at balat ng hayop ang ibinigay ng Diyos bilang pantakip—walang binanggit na buhok.

Bukod dito, pinahintulutan ng Diyos ang mga Nazareo (gaya nina Samson, Samuel, at Juan Bautista) na magpahaba ng buhok dahil sa isang panata. Kung ang maikling buhok sa lalaki ay isang unchanging moral law ng Diyos, hindi ito ipag-uutos ng Diyos sa Kanyang mga banal na lingkod.

It only proves na ang haba o iksi ng buhok ay walang espirituwal na bigat sa kaligtasan.

  1. Ang kaayusan sa pagsamba ang tunay na essence

Sa 1 Corinto 11:6, sinabi ni Pablo na kung ayaw magbelo (tela) ng babae, "gupitin na rin ang kanyang buhok." Kung ang mahabang buhok ay isang sagrado at hindi pwedeng galawing God-given glory, hinding-hindi imumungkahi ni Pablo na gupitin ito bilang alternatibong parusa. Ang tunay na isyu sa Corinto ay ang hierarchy o kaayusan sa pananalangin at panghuhula. Ang literal na takip ay pangkultural na simbolo lamang ng pagpapasakop.

Conclusion & Final Realization:

Napakasakit isipin na maraming kababaihan ang nabilanggo at nagtitiis sa mabigat na dalahing ito ng pagpapahaba ng buhok nang walang anumang benepisyong kaligtasan.

Isipin ninyo ang grabeng irony: Sa 1 Corinto 11, ang pagtatakip ng ulo ay ginagawa lamang sa oras na gaganap ka ng tungkulin sa Diyos gaya ng pananalangin o panghuhula—ito ay isang conditional practice sa pagsamba. Pero dahil ipinilit ng MCGI ang doktrina na ang buhok mismo ang absolute "divine cover," ginawa nilang 24/7 physical at financial burden na dadalhin ng isang babae hanggang sa kaniyang kamatayan. Ang haba ng buhok ay naging malaking pasanin sa sarili at sa bulsa (sa gastos sa pag-maintain araw-araw), samantalang ang utos ay para lang sa oras ng pagtitipon pagsamba.

Here is my ultimate realization: Ang mismong bagay na itinuro ni Eli Soriano bilang isang absolute "divine NATURE" doctrine ay isa palang pag-practice sa cultural "NATURE" at social norms ng mga paganong Greco-Romano. Ang MCGI ay bulag na nagpapatupad ng sinaunang batas ng mga pagano, sa akalang ito ay utos na nanggaling sa langit.

Masyadong nag-focus ang MCGI sa literal na titik ng batas, kaya nakaligtaan nila na ang "kalikasan at kapurihan" sa kontekstong ito ay mga tool lang para sa kaayusan sa pagsamba (1 Corinto 14:40). Marahil, ang ganitong literalismo ay dahil na rin sa sukat ng kanilang pananampalataya na nakatali pa rin sa panlabas na anyo. Pero para sa mga nakakaintindi sa kasaysayan, ang kaligtasan ay nasa biyaya lang ni Kristo—wala sa hibla ng buhok ng tao.

"Kung pilit na isinasalpak ng MCGI na ang 'kalikasan' sa 1 Corinto 11 ay malalim na teolohiya ng Creation sa Lumang Tipan, nagbubulag-bulagan sila sa reyalidad ng kasaysayan. Ang mga Hentil noong unang siglo ay walang personal na Biblia at hindi equipped sa OT. Maging si Tito na isang Griyegong pastor ay pinagbawalan ni Pablo na makipagtalo sa mga talaan ng lahi at kautusang Judio (Tito 3:9). Ang alam ng mga Hentil ay ang mensahe ng kaligtasan. Kaya nang banggitin ni Pablo ang 'kalikasan ng buhok,' ang tinutukoy niya ay ang cultural norm ng mga Greco-Romano na pamilyar at nakagisnan na nila, upang magkarelate lang sa itinuturong kaayusan sa pagsamba."

reddit.com
u/Murky-Ad816 — 4 months ago

Ang Malaking Kalituhan ng MCGI sa 1 Corinto 11:14-15

Bakit ang "Kalikasan" ay Hindi Isang Divine Law, Kundi Cultural Norms Lang ? (Logical & Historical Breakdown)

Guys, let’s talk about a major realization pagdating sa isa sa pinaka-debated na talata sa 1 Corinto 11:14-15, partikular na sa paggamit ni Apostol Pablo sa salitang "kalikasan" (katalagahan) at "kapurihan".

Dito kasi naka-anchor ‘yung super strict na doktrina ng MCGI na nagbabawal sa mga babae na magbawas kahit katiting na bahagi ng kanilang buhok. But if we use honest logic, history, and real biblical context, makikita natin na ang interpretasyong ito ay isang dambuhalang misconception.

Here is the breakdown of my insights:

  1. The Logical Proof: Walang alam ang mga pagano sa Creation

Sa 1 Corinto 11:14, tinanong ni Pablo ang mga taga-Corinto: "Hindi ba ang KALIKASAN mismo ang nagtuturo sa inyo na kahiya-hiya sa lalaki ang may mahabang buhok?"

Isipin natin ‘to nang lohikal: Ang mga taga-Corinto at mga Romano noong panahon ni Pablo ay mga Gentil at pagano. Sila ay mga taong hiwalay at walang alam sa totoong Diyos, at lalong wala silang kopya ng Genesis (Creation) o ng Kautusan ni Moises. Kung ang "kalikasan" na sinasabi ni Pablo ay ang unibersal na batas ng paglikha ng Diyos (divine creation design), hindi niya magagamit ang argumentong ‘to sa kanila kasi wala namang alam ang mga pagano sa orihinal na blueprint ng Diyos.

Therefore, ang "kalikasan" (physis sa Griyego) na tinutukoy ni Pablo ay hindi ‘yung banal na batas sa Genesis, kundi ang kanilang sariling nakagawiang kultura o social norms—ang common sense ng lipunang Romano at Griyego noong unang siglo.

  1. Ang buhok bilang "Pantakip" ay hindi exclusive sa babae (Natural Design)

Sinasabi sa talata 15 na "ang buhok ay ibinigay sa kaniya bilang pantalukbong." Ang pagkakamali ng maraming legalistikong grupo ay ang pag-aakalang eksklusibo lang sa babae ang prinsipyong ito.

Let’s do a quick logical and translation check dito kasi napakahalaga nito sa credibility: May mga salin ng Bibliya na nagsasabing "mahabang buhok" ang ibinigay bilang pantakip. Pero biologically, impossible ‘to. Walang tao—kahit si Eva—na pagka-create ay may instant, permanenteng long hair agad. Ang buhok ay progressive na tumutubo. At walang ulat sa Genesis kung ano ang partikular na sukat ng buhok noong Creation.

Sa orihinal na Griyego, ang salitang ginamit sa dulo ng talata 15 ay kome (isang noun), na ang literal na kahulugan ay "buhok" (hair)—hindi haba. Kaya mas accurate ang salin ng King James Version (KJV): "...for her hair is given her for a covering."

The biological reality is simple: Ang ibinigay ng Diyos mula sa simula (natural design) ay ang PRESENCE o pagkakaroon ng buhok upang maging natural na takip sa bungo ng tao, lalaki man o babae.

Dito ngayon papasok ang pangkultural na aplikasyon ni Pablo:

Ang punto niya, ang buhok na nasa ulo ng babae ang nagpapakita na siya ay may disenteng reputasyon (hindi kalbo, hindi nangalunya, hindi alipin) ayon sa pamantayan ng kanilang komunidad.

Sa kulturang Romano, ang isang babaeng kalbo o ahit ang buhok ay labis na hinahamak at may masamang reputasyon—ito ay pampublikong parusa sa nangalunya o kaya naman ay tatak ng alipin. Kaya nung sinabi ni Pablo na ang buhok ay "kapurihan," hindi niya sinabing requirement ang haba nito para maligtas.

Ang ibig niyang sabihin, ang pagkakaroon ng buhok ay nagbibigay sa kaniya ng dignidad laban sa kahihiyan. Ginamit lang ni Pablo ang natural na disenyo ng buhok (na takip sa ulo) para sabihin na kung ang lipunan nga ninyo ay naghahanap ng kaayusan upang iwasan ang pampublikong kahihiyan, dapat ay may kaayusan at may simbolo ng pagpapasakop (belo) ang babae kapag sumasamba.

  1. Paul's Rhetorical Trap: Hindi ignorante ang mga palatutol

Ang mga tao na tinawag ni Pablo na "contentious" o palatutol sa talata 16 ay mga bagong bautismong Kristiyano sa loob ng iglesya na galing mismo sa paganong background na ito. Sa katunayan, sa 1 Corinto 3:1-3, tahasang tinawag ni Pablo ang mga taga-Corinto na "mga sanggol kay Kristo" na puro "gatas lang at hindi matigas na pagkain" ang kaya dahil mahilig silang makipagtalo.

Sinadya ni Pablo na gamitin ang kanilang lumang pangkultural na pananaw sa buhok para ma-trap sila: para patunayan na hindi sila ignorante sa kung ano ang disente. Ang lohika ni Pablo sa mga pasaway na believer na ito ay parang ganito: “Laking Romano kayo. Alam na alam ninyo kung ano ang kagalang-galang at kung ano ang kahiya-hiyang ayos ng buhok sa publiko. So bakit ngayon sa loob ng iglesya, nagpapaka-mangmang kayo? Bakit kayo gumagawa ng kaguluhan sa pagsamba kung alam ninyo ang tamang asal sa labas?” Ginamit ni Pablo ang kanilang kultura bilang salamin para ipakita na ang prinsipyo ng kaayusan ay dapat i-observe sa loob ng iglesya.

  1. Ang katahimikan ng Lumang Tipan (Old Testament)

Kung ang mahabang buhok ng babae ay isang unibersal na batas ng Diyos mula pa sa simula, bakit walang kahit isang utos sa Genesis na nagbabawal kay Eva na magbawas ng buhok? Noong pumasok ang kasalanan at nalaman nilang sila ay hubad, dahon at balat ng hayop ang ibinigay ng Diyos bilang pantakip—walang binanggit na buhok.

Bukod dito, pinahintulutan ng Diyos ang mga Nazareo (gaya nina Samson, Samuel, at Juan Bautista) na magpahaba ng buhok dahil sa isang panata. Kung ang maikling buhok sa lalaki ay isang unchanging moral law ng Diyos, hindi ito ipag-uutos ng Diyos sa Kanyang mga banal na lingkod. It only proves na ang haba o iksi ng buhok ay walang espirituwal na bigat sa kaligtasan.

  1. Ang kaayusan sa pagsamba ang tunay na essence

Sa 1 Corinto 11:6, sinabi ni Pablo na kung ayaw magbelo (tela) ng babae, "gupitin na rin ang kanyang buhok." Kung ang mahabang buhok ay isang sagrado at hindi pwedeng galawing God-given glory, hinding-hindi imumungkahi ni Pablo na gupitin ito bilang alternatibong parusa. Ang tunay na isyu sa Corinto ay ang hierarchy o kaayusan sa pananalangin at panghuhula. Ang literal na takip ay pangkultural na simbolo lamang ng pagpapasakop.

Conclusion & Final Realization:

Napakasakit isipin na maraming kababaihan ang nabilanggo at nagtitiis sa mabigat na dalahing ito ng pagpapahaba ng buhok nang walang anumang benepisyong kaligtasan.

Isipin ninyo ang grabeng irony: Sa 1 Corinto 11, ang pagtatakip ng ulo ay ginagawa lamang sa oras na gaganap ka ng tungkulin sa Diyos gaya ng pananalangin o panghuhula—ito ay isang conditional practice sa pagsamba. Pero dahil ipinilit ng MCGI ang doktrina na ang buhok mismo ang absolute "divine cover," ginawa nilang 24/7 physical at financial burden na dadalhin ng isang babae hanggang sa kaniyang kamatayan. Ang haba ng buhok ay naging malaking pasanin sa sarili at sa bulsa (sa gastos sa pag-maintain araw-araw), samantalang ang utos ay para lang sa oras ng pagtitipon.

Here is my ultimate realization: Ang mismong bagay na itinuro ni Eli Soriano bilang isang absolute "divine NATURE" doctrine ay isa palang pag-practice sa cultural "NATURE" at social norms ng mga paganong Greco-Romano. Ang MCGI ay bulag na nagpapatupad ng sinaunang batas ng mga pagano, sa akalang ito ay utos na nanggaling sa langit.

Masyadong nag-focus ang MCGI sa literal na titik ng batas, kaya nakaligtaan nila na ang "kalikasan at kapurihan" sa kontekstong ito ay mga tool lang para sa kaayusan sa pagsamba (1 Corinto 14:40). Marahil, ang ganitong literalismo ay dahil na rin sa sukat ng kanilang pananampalataya na nakatali pa rin sa panlabas na anyo. Pero para sa mga nakakaintindi sa kasaysayan, ang kaligtasan ay nasa biyaya lang ni Kristo—wala sa hibla ng buhok ng tao.

reddit.com
u/Murky-Ad816 — 4 months ago

PDA, affection ba o adoration (idolatry)

Isang Seryosong Pagsusuri sa Juan 13:34 – Paano tayo Nakulong sa "Bias" na Interpretasyon ni BES?

Mga Kapatid / Friends,

Gusto ko lang magbahagi ng isang mahalagang punto tungkol sa madalas na ituro ni Mr. Eliseo Soriano ukol sa Juan 13:34 (Ang Bagong Utos ng Pag-ibig). Madalas nating marinig sa kaniya na ang talatang ito ay "self-explanatory" at ito raw ang pangunahing tatak ng tunay na Iglesya—kaya ang naging focus ng samahan ay ang hayagang pagpapakita ng pag-iibigan sa harap ng madla (mga charity, public display ng mabubuting gawa, atbp.).

Pero kung susuriin natin ang Bibliya nang may malalim na lohika at sensitibong pagbasa, makikita nating may malaking bahagi ng talata ang hindi binigyang-pansin, at nagdulot ito ng maling aplikasyon na delikado sa kaligtasan ng ating kaluluwa.

Hatiin natin sa tatlong simpleng puntos kung bakit HINDI ito self-explanatory at paano tayo na-bias:

  1. Nilaktawan ang Susi: 👉"Kung Paano Inibig Ko Kayo"👈

Kapag sinabing "Bagong Utos," ibig sabihin ay may ipinakikilalang bagay na HINDI pa karaniwang ginagawa o na-practice noon. Ang standard na pag-ibig sa Lumang Tipan ay "ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili."

Ngunit sa Juan 13:34, binago ni Cristo ang sukatan: "gaya ng pag-ibig ko sa inyo." Ang paliwanag sa pattern na ito ay hindi matatagpuan sa Juan 13, kundi nasa Juan 15:12-16.

  1. Ang Tunay na Depinisyon ng "Pagbunga" (Juan 15 at Mateo 28)

Sa Juan 15:13, sinabi ni Cristo na ang pinakadakilang pag-ibig ay ang mag-alay ng buhay. Dahil hindi kayang gawin ng tao ang mag-alay ng buhay bilang pantubos sa kasalanan, nagbigay si Cristo ng praktikal na utos sa Juan 15:16: "magsiyaon kayo at magsipagbunga."

Saan nakakabit ang "pagsiyaon at pagbunga" na ito? Sa Great Commission sa Mateo 28:19-20 ("Magsiyaon nga kayo, at gumawa kayo ng mga alagad...").

Ibig sabihin, ang pattern ng pag-ibig ni Cristo ay hindi ang mag-rehearse ng pagmamahalan sa loob ng isang ligtas na kahon o organisasyon upang hangaan ng publiko. Ang tunay na pag-ibig ay ang lumabas, magmisyon, at magbunga ng mga bagong alagad.

  1. Ang Panganib ng "Kami-Kami/Kayo-Kayo" System

Tandaan natin ang sinabi ni Cristo: "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit, kundi ang mga maysakit." (Mateo 9:12).

Ang priyoridad ng pag-ibig ni Cristo ay ang mga nasa labas na maysakit sa espiritu. Ang "kami-kami" system—kung saan ang focus ay ang panloob na ugnayan at pagpapakain sa pampublikong imahe ng grupo—ay walang risk factor at madaling gawin. Pero iniwasan nito ang dalawang tiyak na resulta ng tunay na pagmimisyon sa Juan 15: ang pag-usigin o ang tanggapin ang aral.

May babala si Cristo sa mga taong nagliligtas at nag-iingat ng kanilang buhay sa loob ng isang ligtas na comfort zone (Juan 12:24-25, Mateo 10:39). Ang butil ng trigo ay kailangang mahulog sa lupa at mamatay upang magbunga.

Konklusyon:

Ang interpretasyon na narinig natin noon ay naging isang bias interpretation upang ituon ang pansin sa kagandahan ng organisasyon at palabasing sila lang ang daan ng kaligtasan. Ginamit ang Colosas 3:14 (na tungkol naman sa praktikal na pamumuhay sa komunidad) upang takpan ang kakulangan ng tamang teolohikal na lohika.

Sana ay magsilbi itong pagbubukas ng kaisipan sa mga seryosong nag-aaral ng Bibliya. Ang kaligtasan ay hindi nakadepende sa pag-anib sa isang grupong nagpapakita ng "palabas" na pag-ibig sa madla, kundi sa pagsunod sa tunay na pattern at misyon na iniwan ni Cristo.

Ano ang saloobin ninyo rito?

u/Murky-Ad816 — 4 months ago

Hindi kami nagtayo ng bagong iglesia, kundi umanib kami sa totoong iglesiang nakasulat sa Biblia ?

Ang Lohikal na Butas sa Doktrina ng MCGI: Bakit Illogical ang Kwentong "Umanib" ni Mr. Soriano?

Ang core argument ng MCGI upang patunayan ang kanilang pagiging lehitimo ay ang pahayag ni Eli Soriano na: "Hindi kami nagtayo ng bagong iglesia, kundi umanib kami sa totoong iglesiang nakasulat sa Biblia (1 Timoteo 3:15)."

Sa unang tingin, tunog mabait at mapagpakumbaba. Pero kung gagamitan ng malalim na pagsusuri at tamang pang-unawa sa Kasulatan, ang pahayag na ito ay isang malaking insulto sa katalinuhan at pag- twist sa mismong panukala ni Kristo. Bakit? Dahil ito ay tahasang illogical.

  1. Ang Panukala ni Kristo ay "Open Access" (Tapos na ang Pader)

Ayon sa Efeso 2:11-18 at Efeso 3:6, ang layunin ng pagkabuhos ng dugo ni Kristo ay upang pag-isahin ang mga Judio at Gentil. Binigyang-diin ng Biblia na:

Ang pader na naghihiwalay ay ibinagsak na.

Ang mga Gentil ay direktang nakakonekta na kay Kristo sa pamamagitan ng Kanyang dugo.

Ang access sa pagiging anak ng Diyos ay bukas na (open access) para sa lahat ng sasampalataya at magpapasakop sa Kanyang kautusan ng biyaya.

Sa madaling salita, sa ilalim ng panukala ni Kristo, ang pagiging bahagi ng Kanyang Katawan (ang tunay na Iglesia) ay isang espirituwal na estado na ibinibigay sa sandaling sumampalataya ka. Hindi ito isang club na kailangan mo pang mag-apply ng membership.

  1. Bakit Illogical ang Bersyon ni Mr. Soriano?

Kung tatanggapin natin ang kwento ni Soriano na "kailangan nating umanib sa iglesiang nasa Biblia," lumalabas na napakahina ng pick-up o pang-unawa ng nakaisip nito dahil sa dalawang dahilan:

Kontradiksyon sa "Open Access": Kung ang isang pinto ay idineklara na ni Kristo na "OPEN" sa lahat ng sasampalataya, bakit kailangan mo pang gumawa ng teolohiya na nagsasabing kailangan mo pang "UMANIB" (bilang isang panlabas na proseso o organisasyon)? Kung bukas na ang pinto at kasama ka na sa loob dahil sa dugo ni Kristo, ano pa ang aaniban mo? Para mong sinabi na kailangan mo pang mag-apply ng visa para pumasok sa isang bansang nagdeklarang visa-free na para sa lahat.

Sino ang Aanib sa Kanino? Kung ang Iglesia sa 1 Timoteo 3:15 ay ang unibersal at espirituwal na katawan ni Kristo na binubuo ng lahat ng sumasampalataya, ang isang tao ay ipinapanganak nang muli doon (Juan 3:3), hindi umaanib.

Kung ang tinutukoy naman ni Soriano ay ang pisikal na lokal na iglesia noong unang siglo sa Jerusalem o Efeso, paano ka aanib doon ngayon eh patay na lahat ng miyembro at wala na ang pisikal na estruktura nito?

  1. Ang Konklusyon:

Ang konseptong "umanib kami sa original" ay isang twisted na kuwento upang palabasin na ang MCGI ang may hawak ng susi sa kaligtasan. Pinalalabas ni Soriano na hindi sapat ang ginawa ni Kristo sa krus—na kahit binuksan na ni Kristo ang pinto para sa mga Gentil, kailangan pa rin nilang dumaan sa kaniyang interpretasyon para maging "legitimate."

Ang kailangan ng tao ay hindi umanib sa isang organisasyon, kundi 👉SUMAMPALATAYA kay Kristo at magpasakop sa Kanyang kautusan👈. Ang sinumang nagtuturo na kailangan mo pang "umanib" sa isang partikular na grupo upang maging lehitimong anak ng Diyos ay hindi naintindihan (o sinadyang itago) ang kadakilaan ng panukala ni Kristo sa Efeso.

JUAN 1:12 (ADB)

Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng 👉KARAPATANG👈 maging mga anak ng Dios, samakatuwid baga'y ang mga 👉NAGSISISAMPALATAYA 👈sa kaniyang pangalan:

Redundant na, ang sabihin mo pang "umanib kami", na para bang sa inyo nanggaling ang idea at panukala, hindi kay Cristo.

EFESO 3:6 (ADB)

Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga 👉KASANGKAP👈 ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,

Kasangkap na nga, bakit pa kailangang umanib?

reddit.com
u/Murky-Ad816 — 4 months ago

kung dumating ba, kasama ka ba? hindi ka naman nangangaral sa labas

📖 PAGSUBOK: Penetensiya ba sa Pagdalo o Pagtitiis Hanggang Wakas?

Maraming relihiyon ang gumagamit sa Hebreo 10:25 upang gawing obligasyon at "pagsubok sa laman" ang mahahabang pagkakatipon. Ngunit kung susuriin ang konteksto at orihinal na wika ng Bibliya, malinaw na ang tunay na pagsubok ay hindi penetensiya kundi pananatili sa pananampalataya.

❌ Ang Maling Aplikasyon: Penetensiya at Legalismo

Pagpapahirap sa Laman: Ang pagpilit sa taong magtiis sa puyat, pagod, o mahahabang ritwal ay walang pagkakaiba sa tradisyunal na penetensiya.

Insulto sa Sakripisyo ni Kristo: Sapat na ang dusa at kamatayan ni Jesus nang minsan magpakailanman (Hebreo 10:10). Ang pag-asa sa sariling pagpapakasakit para maligtas ay mistulang ipinapako siyang muli (Hebreo 10:26-27).

Monopolyo ng Lider: Ang orihinal na pagkakatipon (sunerchomai sa 1 Corinto 14:26-31) ay may malayang partisipasyon at discernment ng mga miyembro, hindi blind following o dikta ng iisang tao.

Ang Tunay na Batayan: Pagtitiis Hanggang Wakas

Eschatological Context: Ang babala sa Hebreo 10:25 ay konektado sa Mateo 24:11-14—ang paghahanda sa pagbabalik ni Kristo laban sa mga maling turo at anticristo.

Katatagan ng Espiritu (Hupomone): Ang pagtitiis na hinihingi ng Diyos ay ang pananatiling matatag sa pananampalataya sa gitna ng pag-uusig, hindi ang pagpaparusa sa pisikal na katawan.

Misyon, Hindi Ritwal: Nagtitipon ang mga alagad upang magpalakasan ng loob at itaguyod ang Great Commission, hindi para magwasto ng attendance sheet.

💡 Tandaan: Ang pagkatisod sa maling aplikasyon ng isang samahan ay hindi panlalamig o pagtalikod sa Diyos. Ito ay tanda ng espirituwal na pagkilatis (discernment). Ang pananampalataya ay nakatali kay Kristo, hindi sa regulasyon ng tao.

u/Murky-Ad816 — 4 months ago

another covenant mixture

Sa Job 2:1, ang pariralang "mga anak ng Diyos" (sons of God) ay hindi tumutukoy sa mga tao. Ayon sa pangkalahatang kasunduan ng mga eksperto sa Bibliya at kasaysayan, ito ay tumutukoy sa mga anghel o makalangit na nilalang na bumubuo sa korte ng Diyos sa langit.

Bagamat madalas gamitin sa Bagong Tipan ang "mga anak ng Diyos" para sa mga taong sumasampalataya (gaya ng Roma 8:14), ang orihinal na pariralang Hebreo na ginamit dito sa Lumang Tipan (benei ha'elohim) ay partikular na tumutukoy sa mga espirituwal at supernatural na nilalang.

Narito ang mga malinaw na katibayan mula mismo sa teksto at estruktura ng aklat ng Job:

Bakit Anghel ang Ibig Sabihin ng "Mga Anak ng Diyos" sa Job?

Ang Tagpuan ay sa Langit: Malinaw na sinasabi sa kuwento na ang mga nilalang na ito ay nagtipon "upang humarap sa Panginoon," at ang Satanas—isang hindi-taong espirituwal na kaaway—ay kasama nilang naglalakad doon. Ipinapakita nito ang isang pagpupulong sa espirituwal na mundo, hindi rito o pagsamba ng mga tao sa lupa.

Katapatan ng Kahulugan sa Buong Aklat:

Tatlong beses lumitaw ang pariralang ito sa Aklat ng Job. Sa Job 38:7, sinabi ng Diyos na ang lahat ng "mga anak ng Diyos ay sumigaw sa kagalakan" 👉noong nililikha Niya ang pundasyon ng mundo👈. Dahil wala pang nililikhang tao sa bahaging iyon ng Genesis, ang mga sumisigaw na nilalang na ito ay walang iba kundi mga anghel. Ayon sa wastong pag-aaral ng Bibliya, dapat ay pareho ang kahulugan nito sa Job 1:6 at Job 2:1.

Pagkakaiba kay Job na Isang Tao:

Tahasang itinuro ng Diyos ang pansin ni Satanas kay Job, na sinasabi: "Napansin mo ba ang aking lingkod na si Job, na walang katulad niya sa lupa?" (Job 2:3). Nagpapakita ito ng malinaw na hangganan: ang mga anak ng Diyos ay nasa langit upang mag-ulat, habang ang mga tao tulad ni Job ay naninirahan sa ibaba, sa lupa.

Mga Sinaunang Salin:

Sa mga sinaunang salin ng Bibliyang Hebreo, tulad ng Griyegong Septuagint (LXX), direktang isinalin ang benei ha'elohim sa aklat ng Job bilang "mga anghel ng Diyos" (hoi angeloi tou theou). Patunay ito kung paano naintindihan ng mga sinaunang mambabasa ang teksto.

JOB 2:1 (LXX)

And it came to pass on a certain day, that the 👉angels of God👈 came to stand before the Lord, and the devil came among them to stand

u/Murky-Ad816 — 4 months ago

Eisegesis sa PM

Bakit maling i-connect ang John 16:33 sa 2 Corinthians 9:7?

For me, irrelevant na pagdugtungin itong dalawang verse na 'to. Kung titingnan mo kasi ang real context ng Bibliya, magkaiba talaga sila ng hugot at pinatutungkulan.

👉 John 16:33 (The fate of Jesus' followers)Dito sa Chapter 16:1-4, binabalaan na ni Jesus ang mga Apostol tungkol sa grabe-grabeng persecution at kamatayan na haharapin nila. Kumbaga, sinasabi Niya na mararanasan din nila kung ano ang pinagdaanan Niya. Kaya yung sinabi Niyang "be of good cheer," hindi lang 'to basta positive thinking—call ito para magkaroon ng matinding lakas ng loob sa kabila ng banta sa buhay nila.

Bakit ba ang mga desciples ay mapi-persecute o mapapatay?

John 16:7-11

👉 2 Corinthians 9:7 (How to behave in the house of God) Ito naman, practical instruction ni Paul sa mga Gentile believers kung paano dapat kumilos sa loob ng church, specifically pagdating sa pagbibigay ng tulong pinansyal. Tungkol ito sa tamang attitude sa pag-aabuloy at pagiging generous sa mga nangangailangang kapatid.

The Bottom Line:Maling ipilit na i-combine itong dalawang verse para lang makagawa ng bagong topic. Nababawasan kasi yung bigat ng John 16. Imagine, yung "good cheer" na kailangan mo para harapin ang execution, itutulad mo lang sa "good cheer" habang naghuhulog ng pera sa offering basket? Hindi match.

Clear out-of-context. Let's read the Bible text for what it actually says! 💯

u/Murky-Ad816 — 4 months ago